Chapter 15: Sick

24 7 0
                                    


Naalimpungatan ako ng marinig kong nag-iingay sila Kristine.

Yung pagpapanggap kong tulog kanina natulyan na, nakatulog talaga ako dahil siguro sa sakit ng ulo ko sa Hendrix na yun. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga, bumungad sakin ang nag-aalalang mukha nila Kristine.

"Kamusta ka? bigla ka na lang nawala kanina, san ka ba nagpunta?"

"Ano bang sinabi na naman sayo ni Rica?"

"Okay ka lang ba?"

Napabuntong hininga na lang ako sa tanong nila magsasalita na ako kaso malakas na bumukas ang pintuan at niluwa non si Princess na nanlalaki ang Mata at natataranta?

Ano na naman bang meron?

"Si Luigi nasa labas..." natatarantang sabi nito. Agad kaming napatingin kay Kristine na namumula na ang mukha nito. Nagmamadali itong lumabas ng dorm.

"Oh, si Luigi naman yun ah. Bakit parang natatae ka na Hindi?" sabi ni Cecil dito. Oo nga bakit naman ganyan itsura niya, para siyang naprapraning na ewan.

"Eh kasi..."

"Kasi ano?"

"Si Hendrix nasa labas din!"

Automatikong tumayo ako at lumabas din ng kwarto namin. Halos manlaki ang mata ko ng makitang na hawak-hawak ni Hendrix ang kwelyo ngayon ni Luigi.

ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila dito sa kinatatayuan ko ngayon. Naroon si Kristine na pinipilit awatin ang dalawa. Nagmamadali akong nilalapitan sila.

Hindi pwedeng makigulo si Hendrix kay Kristine at Luigi.

"Hendrix!" saway ko dito. Nagmamadali kong kinuha ang kamay nito at hinila palayo kali Kristine. Hinihingal na nga ako kakatakbo, hindi ko malaman kung saan ako pupunta. Ang importante malayo ko siya kay Luigi. Hindi pwedeng makigulo siya sa dalawa.

Hinihingal akong tumigil sa isang hallway na walang studyante. Napahawak pa ako sa tuhod ko sa pagod. Hinarap ko siya at takang-taka ako ng makitang namumula ang tenga nito.

"P..Pwede bang bitawan muna ako." seryosong sabi nito at agad akong biqntawan ang kamay niya.

Shit nawala sa isip ko.

"Ano bang ginagawa mo don? talagang hindi mo ako titigilan?"

Sabagay alam ko naman ang sagot sa mga tanong ko.

Magsasalita na sana ito pero inunahan ko siya.

"Nandon ka para guluhin ako tama ba?" tanong ko dito at agad na umawang ang bibig nito. "Ikaw..." ni-hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa pagpipigil ng galit. "Hendrix...Alam mo bang okay ka naman, gwapo ka, may alam, kaso nga lang may saltik ka! hindi ko nga alam bakit parang sakin ka lang sinasaltik ng ganto! dapat sayo hindi inaalis sa hospital! para naman magaling yang sakit mo!" mahabang sabi ko sa kaniya. Halos lahat ng didibdib kong sakit at hinanakit nilabas ko na.

Lalong umawang bibig niya at nanlalaki ang mata niya tignan ako ngayon..

"H...How did you know?" seryosong pagtatanong nito, this time ako naman yung napaawang ng bibig dahil ngayon ko lang narealize ang mga pinagsasabi ko sa kaniya.

"Only my family members know that I'm sick, Paano mong...Paano mong nalaman na may sakit ako?!" sigaw nito sakin. Halos manginig ako sa takot, sobrang seryoso ng itsura nito, parang papatayin ako.

Shit. Kadaldalan ko ayan napala ko. Anong gagawin ko?!

"I...I just know." gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa walang kwentang palusot ko. Tinawanan ako nito ngayon,

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now