Chapter 28: Alone

9 2 3
                                    


Nakarating ako ng classroom at gaya ng inaasahan ko wala pang tao sa loob non. Mas pinili kong pumwesto sa dulo kung saan malapit sa bintana. Naipikit ko ang mata ko dahil sa naramdaman kong malakas na hampas ng hangin.

'Sisiguraduhin kong mababawi kita, kailan man hindi ako pumapayag ng pagkatalo.'

Agad akong napamulat ng mata at muli kong naiyukom ang kamao ko sa inis.

Anong ba talagang binabalak ng Franz na iyon? hindi naman siya ganon dapat...

Bakit ba ang napasasama siya sa istoryang ito. Wala naman ako natatandaan na ginawa ko siyang kontrabida gaya ni Hendrix.

Napailing ako ng paulit-ulit para lang burahin sa isipan ko ang pinagsasabi nong Franz na yon.

Naiub-ob ko ang ang ulo ko sa lamesa. 
Mamaya lang narinig ko ng nagsisidatingan ang mga classmate ko, kararating lang nila pero rinig ko na ang pagbubulungan nila tungkol sa akin. Kaya naman mas pinili kong hindi mag-angat ng tingin.

"Kristine!" sigaw ng classmate ko. Agaran akong nag-angat ng tingin dahil doon.

Tama sila dumating na nga sila Kristine at masaya akong magkakasama silang apat. Nakaramdam ako ng kaba ng magtama ang mata namin ni Kristine pero sa aming dalawa siya itong unang umiwas ng tingin. Umakto silang apat na tila ba hindi ako nakita o kilala. Aminado akong nakaramdam ako ng lungkot dahil sa inakto nila pero ayon naman ang gusto ko.

Ayon nga ba ang gusto ko?

Umupo siya sa unahan kaya nila Raven. Kung titignan ko ngayon ayos na si Raven at Cecil. Si Princess naman as usual tahimik lang.

"Mukhang nilayuan na nila yong panggulo sa grupo nila."

"Dapat lang yon sa kaniya."

"I'm sure hindi na magtatagal yan dito."

"Pupusta ako aalis na yan sa school natin bukas."

"Baka umabot siya next week."

"Mali kayo pupusta ako hindi na siya aabot sa end of the month party."

Bakit ba ang ingay-ingay nila.

Muli akong may naalala kung saan sa end of the month party doon nagtapos ang istory ko.

Doon nga ba magtatapos ang story ko? kung dumating ba ang araw na yon, makakabalik na ako sa mundo ko?

Natauhan ako ng makita si Hendrix sa harap ng pintuan ng classroom namin. Naglakad ito papasok na kinatahimik ng buong klase, ni-hindi niya inalis ang tingin niya sa akin, hindi ko malaman kung seryoso ba siya o galit hanggang sa....

0_0

Binabalak niya bang tabihan ako?

Madali kong nilagay ang bag ko sa bakanteng upuan na katabi ko para hindi niya iyon upuan.

Ganon na lang ang gulat ko ng kunin niya ang bag ko at binato iyon sa mukha ko, hindi ko naitago ang inis ko sa ginawa niya.

Batuhin ba naman sa mukha ko! Masakit kaya!

"Ano bang—"

"Bakit wala ka sa dorm mo?" singit niya sa pagsasalita ko. Gulat ko siyang tinignan nong oras na iyon. Bakas sa mata niya na galit siya.

Wag mong sabihin na pumunta siya sa dorm para hanapin ako?

Bakit naman niya ginawa yon?

Huli ng malaman kong hindi lang pala kami ang tao sa paligid. Lahat ng mata nila na sa amin ni Hendrix.

Naknang...

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now