Chapter 17: Like

23 5 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang mata. Doon ko tuloy napagtanto na nakahiga ako dito sa higaan at si Hendrix...siya tong nakasandal sa pader habang natutulog.

How did I end up here in bed?! Siya tong may sakit...

Napailing ako sa iniisip ko. Napadako ang tingin ko sa bintana at gulat ako ng makitang madalim na sa labas.

Shit! gabi na!

Agad kong kinuha ang phone ni Hendrix na nakapatong sa lamesa, laking dismaya ko na wala nga talagang signal dito sa kinaroroonan namin tapos halos manlaki ang mata ko dahil sa oras na nakita ko it's 7:35 pm!

Wow ang haba naman ng itinulog ko.

"Patay ako nito." naiinis na bulong ko sa sarili ko.

"Your awake.." agad kong nilingon si Hendrix na mukhang nanghihina pa din. Nagmamadali akong tumayo sa kama niya at pinuntahan siya. Hinawakan ko kaagad ang noo nito at nakahinga ako ng maluwag ng malamang bumaba na ang lagnat niya.

"Hendrix..Masama pa ba pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya at imbis na sagutin ako nito, tinitigan niya lang ako. Nandon din kami sa pwesto na yun ng biglang kumalampag ang pintuan.

"Hendrix ilabas mo si Jasmine!" sigaw na umalingawngaw sa labas ng pintuan and I'm sure it's Franz.

"F..Franz." nagmamadali akong pumunta sa may pintuan at kinalampag din yun.

"Franz! nandito ako Franz!" sigaw ko din, rinig ko paulit-ulit na pagmumura nito sa labas. Naiiyak ako sa tuwa sa wakas makakalabas na rin ako dito.

"Damn it! Naririnig mo ba ako?"

"Oo Franz!"

"Fuck kembert asan ang susi!"

"Teka lang naman!"

Rinig na rinig ko ang bangayan nila kembert at Franz sa labas. Mamaya lang bumukas na yung pinto at bumungad sakin si Franz bakas sa mukha nito ang pag-alala. Magsasalita pa sana ako kaso hindi ko inaasan na yayakapin ako nito ng sobrang higpit.

"Thanks God your fine." hinihingal na bulong nito sakin. Hindi ko maiwasan mapangilidan ng luha dahil ngayon ko lang maramdaman na may taong nag-alala sakin ng ganto. Niyakap ko siya pabalik.

"Dre, nandito ka pa pala."

Humiwalay ng pagkakayakap sakin si Franz at naging madilim ang aura nito habang nakatingin sa likod ko ngayon. Nagmamadali kong nilingon at tinitigan nito at ayun ay walang iba kundi si Hendrix. Nagpapalitan na naman sila ng masamang tingin sa isa't-isa.

Nabigla ako ng hawakan ni Franz ang kamay ko at hinila paalis sa kwarto na yun. Hila-hila ako nito hanggang sa makapunta kami sa hallway, walang tao don.

"Kanina ka pa hinahanap nila Kristine sakin."

Napayuko ako sa kahihiyan.

"Hindi ka daw nagpaalam sa kanila na may pupuntahan ka o mamasyal ka. Buong maghapon ka naming hinanap tapos...tapos malalaman ko na kasama mo lang pala yung Hendrix na yun." Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o nagagalit siya sakin. Hindi ko naman yun ginusto, Oo kasalanan ko pero walang may gusto sa nangyari.

"Maniwala ka sakin Franz, hindi ko ginusto na mangyari yun. Na-stuck kami sa kwarto na yun dahil din sa kagagawan ko. Wag ka ng magalit please."

"I'm not angry." padedeny nito. Kulang na nga lang umusok ang I long nito sa galit.

"I'm just upset, I'm worried. If you don't want me to get upset to you then don't make me worry."

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now