Chapter 31: Decision

10 4 3
                                    

Inabot ng tatlong araw para sa Chapter na ito. Sobrang ngalay ang kamay ko sa pagtype. Hanggang ngayon ngimay parin HAHA.

Enjoy Reading!

-----------------------------------------------------------

"Good morning Jasmine!"

"Bangon na!"

"Baka malate tayo sa klase!"

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at bumungad agad sa akin ang pagmumukha nila Cecil, Raven at Princess.

Agad akong napangiti, buong akala ko nanaginip lang ako kagabi. Totoo pala ang lahat ng iyon...

Nags-iupuan sila sa kama ko at masaya sila sa aking nakatingin ngayon.

Bakit ganto sila makatingin sa akin?

"Hindi ko talaga mapapatawad si Franz sa ginawa niya sayo." galit na sabi ni Cecil with matching taas pa ng kamao.

Hindi pa sila nakakamove-on.

"Ako rin Cecil, kahit sa totoo lang. Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ni Franz. Paano niyang nagawang lokohin ang kaibigan natin?" si Raven. Itsura palang ready ng manabunot.

"Pero Jasmine,"

"B-Bakit?" tanong ko kay Princess. Mukhang may iniisip pa siya ngayon.

Sabi na hindi agad matitigil ang pag-uusap namin tungkol kay Franz at sa ginawa nito sa akin.

Mukhang sila pa mahihirapan magmove-on sa nangyari samantalang ako kinalimutan ko na yon.

Wala naman kasing perpektong tao at isa may kasalanan din naman ako.

"Bakit naman gagawin sayo yon ni Franz? ano sa palagay mo dahilan niya?" pagtatanong sa akin ni Princess na kinatahimik ko.

Ngayon alam ko na, na hindi sinabi lahat ni Hendrix ang lahat.

Paano nagawa iyon ni Franz? maski ako hindi ko alam, ako na gumawa ng character niya.

Hindi ko alam bakit nagkaganon....

"Kayong tatlo talaga, agang-aga iniintriga niyo si Jas, hayaan niyo muna kaya siya mag-asikaso." mabilis akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Kristine na bihis na at nagaayos na ito ng buhok ngayon. Hindi ko rin maiwasan humanga kasi talaga nga namang napakaganda niya.

Wow ang ganda!

Natulala ako sa kaniya ng naglakad ito palapit ito sa amin.

"Wag niyo ng kulitin si Jas, girls." pagpapaintindi nito kali Princess.

"O-Okay!"

"Sige magmula ngayon wala ng magsasalita tungkol sa panlolokong ginawa ni Franz kay Jasmine, Wala na!" sigaw ni Raven.

>_<

Kailangan ba talagang sabihin iyon? Naiilang na tuloy ako.

Sabi na eh dadagdag lang ako sa isipin nila dapat nga sila itong nagiintindi sa sarili nila.

"Hay nako Raven, para ka talagang musang."

"Eh? musang na naman? psh lagi na lang lumalabas sa bibig mo musang." pagsusungit nito kaya naman natawa kami nila Kristine.

Natigil ang kwetuhan namin ng biglang may kumatok. Kapwa nagkatinginan kami sa isa't-isa na para bang nagtatanong kung sino ang kumakatok.

"Nga pala guys mauna na ako sa inyo." lahat kami napatingin kay Kristine na nahihiyang magpaalam sa amin.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now