Chapter 27: Leave

10 4 1
                                    


Tahimik ako naglakad pabalik sa dorm habang naglalakad hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Hendrix patuloy iyon gumugulo sa isip ko pati nga nararamdaman ko naapektuhan na.

Arghhh naiinis talaga ako sa saltik na yon, saan naman kaya niya nakuha ang mga salitang iyon? Wala naman ako natatandaan na binigyan ko siya ng linyang ganon.

Dapat nga ngayon pinaglalamayan siya. Ayon ang nakasulat sa storya sa pagkakatanda ko pero... sabagay marami na ring nagbago sa simula pa lang...

Nabago na ang lahat ng dumating ako, imbis na si Kristine magdala nong aquarium, ako ang nagdala ang nangyari tuloy ako ang nakabangga kay Hendrix na dapat naman ay si Kristine. Kaya ngayon imbis na buhay ni Kristine ang ginugulo ni Hendrix, ako itong ginugulo niya at higit sa lahat imbis na mahulog siya kay Kristine, sa akin siya nahulog.

Wah! Ano ba itong gagawin ko?!

Ngayon pa lang nagcutting ako, tanging naiisip ko bumalik sa dorm dahil panigurado napakaraming chismosa at chismoso sa paligid.

Napatigil ako sa paglakad ng maalala si Kristine at Luigi. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid nagbabakasaling makita sila pero wala akong nakita ni-anino nila wala.

Saan naman kaya nagpunta ang dalawa na yon? Sana naman hindi namin sila naistorbo sa pag-uusap pero...

Panigurado magbabago na ang takbo ng buhay ni Kristine sa mundong ito. Kung sa storya ito na ang climax. Ibig lang sabihin non malapit na talaga matapos ang storyang ito at malapit na rin ako mawala sa mundong ito.

Nakahinga ako ng maluwag at pinagpatuloy ang paglalakad pabalik ng dorm, pagkapasok ko doon agad akong sumalampak sa kama at nagmuni-muni. Madali ko ring kinuha ang cellphone na pagmamay-ari ko at tinext si Cecil na masama pakiramdam ko kaya hindi na ako nakaattend ng klase.

Mabuti ng magpaalam sa kanila, saka masama naman talaga pakiramdam ko ang binabalak ko nga matulog lang magdamag.

Ay teka nga lang.

Madali akong napatayo at doon ko napansin ang madungis na uniform ko at ramdam ko parin ang lagkit sa mukha ko kaya naman dumretso ako ng banyo at pinaliguan ang sarili ko habang naliligo bigla na lang may pumasok sa isip ko...

Tubig...

Kadalasan sa telenovela na napapanood ko bumabalik sila sa dating panahon dahil nalunod sila, basta may kinalaman iyon sa tubig.

Bakit hindi ko kaya subukan yon? Magpakalunod din kaya ako? baka bumalik na ako sa mundo ko pagginawa ko iyon.

Pero...

Baka naman kasi gawa-gawa lang yon ng mga writers na katulad ko, mamaya mapahamak lang ako sa gagawin ko. Scam lang pala ang gawain na yon. 

Hays.

"Gusto ko na talagang bumalik," imik ko sa sarili ko. Tinapos ko na ang pagligo at nagbihis na. Dumeretso uli ako sa kama at humiga.

Tulalang nakatingin sa kisame.

Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko.

Ang alam ko lang palala ng palala ang sitwasyon ko sa lugar na'to kaya naman kinakailangan ko na talagang makabalik.

Nawala ako sa pagmumuni-muni ng biglang malakas na bumukas ang pintuan at ganon na lang ang taka ko ng makita sila Cecil, Princess, at Raven.

Teka anong....

Madali silang lumapit sa kinaroroonan ko, nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil sa tingin nilang hindi ko maintindihan kung masaya ba sila o nalulungkot.

Napatayo ako sa kama at sinalubong sila.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now