Nilipat ko ang chicken sa plato ni Luna at napatingin naman siya sakin.

"Ayaw mo?"tanong niya at tumango naman ako habang siya ay nilantakan na ito.

Ayoko ng chicken,I feel sick,kapag nakakakain ako nito,ewan ba basta ayaw ko ng lasa.Maging sa kape ay ayaw ko din.

Nag kwentuhan kaming apat hanggang sa matapos ang lunch break, nandito naman kami nila Luna at Nikee sa field at nakaupo sa bleachers.

"Sabihin mo nga sakin Collin,may problema ka ba?Hindi iyon ang unang beses na naging ganoon ang reaction ng katawan mo tuwing may humahawak sayo."sambit ni Nikee,habang si Luna naman ay nagtataka lang na nakatingin samin.

Tinignan ko muna silang dalawa bago sumagot.

"Simula kasi nung nawala yung gamot ko... something weird is happening to me."maging ako ay nalilito din ngayon.

"I swear hindi ko mapapatawad ang kumuha ng gamot ko!"inis kong sabi at tinignan silang dalawa, napabuntong hininga nalang si Nikee.

"Gamot?May sakit ka ba,Xyra?"tanong ni Luna at tumango naman ako.

"Highschool palang ako  ng lagnatin ako,akala ko simpleng lagnat lang pero ang sabi nila papa ay malala na daw ang sakit ko kaya naman simula non ay pinapainom na nila ako ng gamot."kwento ko.

"Ano ba yung sakit mo?Pati nadin kung ano ang iniinom mong gamot?"tanong ni Luna at kung makatingin siya sakin ay sobrang lalim.

"Walang reseta at pangalan yung tablets na iniinom ko eh,at wala ding sinasabi sila papa kung ano nga ba talaga ang sakit na mayroon ako."natahimik naman silang dalawa hanggang sa si Nikee na ang nagsalita.

"Sabi mo kanina ay may mga weird na nangyayari sayo,ano ang mga iyon?"

Katahimikan ang namayani,hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila na bigla nalang akong may naalala tungkol sa nakaraan ko na hindi ko naman inaakala na akin pala at parte ito ng buhay ko,sasabihin ko ba na nakalimutan ko ang nakaraan ko?Dahil as in hindi ko talaga alam na nangyari ang mga iyon nung bata pa ako at ngayon ko lang nalaman.

Matalino ako dahil lagi akong nasasama sa mga contests about   acads pero pagdating sa mga nangyayari sa sarili kong buhay ay wala akong masabing logical explanation.

Magsasalita na sana ko ng biglang tumunog ng malakas ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

"Let's go,baka mamaya ay ma late pa tayo."sambit ko at nakisabay kami sa mga estudyanteng tumatakbo sa hallway at pumapasok sa kani-kanilang classroom.

***

Nag unat-unat ako ng matapos ang last subject,napapikit ako ng may maramdaman akong matigas na bagay na tumama sa mukha ko at sunod-sunuran na ito.

"Gawin mo yang assignment namin,tara na girls."

Pinulot ko ang mga notebook nila at tinulungan ako ni Nikee na ilagay ito sa aking bag.

"Haiisst,kapag marunong na talaga akong makipaglaban,ihahambalos ko ang mga bungo nila sa pader hanggang sa mawarak."sambit ni Nikee pero nginiwian ko nalang siya.

"Ang brutal mo naman,seryoso ka ba na pagiging doctor ang pangarap mo?"tanong ko sa kanya.

"Yes,gusto kong maging doctor pero pinipilit ako ni mom and dad na mag model nalang."sambit niya na ikinagulat ko.Akala ko ba naman na ang mga magulang niya ang pumipilit sa kanya na maging katulad nila na isang doctor pero ito ang tumutulak sa kanya na wag silang gayahin.

Bloody University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon