"Omg!Anong nangyari sa balat mo?Bakit kulay puti?"tanong ko,ang ibang taong nakakakita ay hindi nagtataka at para bang sanay na.

"Haha,naubusan kasi ako ng tanner spray kaya yan wala akong choice kundi ilabas ang tunay na kulay ng balat ko."

So nag ta-tanner spray pala siya kaya morena ang balat niya noon.Para sakin mas bagay pa sa kanya ang pagka morena dahil ang hot niyang tignan pero okay lang din naman kapag maputi siya.

Nagpaalam muna ako sandali kay Nikee na pupunta ako sa cr,kailangan ko kasi munang mag jingle.

Habang naglalakad sa walang katao taong hallway ay may namataan akong lalaki na nakatalikod sa isang sulok,at dahil sa pagtataka ay sinilip ko kung ano ang ginagawa niya doon, napatakip nalang ako ng bibig dahil sa gulat at dali dali akong umalis doon at tumungo nalang ng cr.

Hindi naman ako na inform na may naghahalikan pala doon,at hindi lang yun!Si Raven yung lalaki na nakita ko na may kahalikang magandang babae.

Ang landi din pala ng lalaking yun,tapos yung babae gustong gusto din,like eww diba?School po ito at hindi bar.School na gabi-gabi ay may nagpapatayan,I wonder kung bakit lumalabas pa ang iba tuwing gabi eh alam na nga nilang may nagpapatayan,ano ang reason nila?At bakit ba sila nagpapatayan? Hindi ba pwedeng wag nalang silang lumabas tuwing gabi at huwag ng pumatay para everybody happy?

Hindi ko sila maintindihan,masyado atang makikitid ang utak nila,maitanong ko nalang nga ito mamaya kay Nikee o kaya naman kay Luna.

Speaking of Luna,kakalabas ko lang ng cr ng makita ko siyang tumatakbo at humahalakhak ng tawa habang ang isang teacher naman ay hinahabol siya at mukhang puputok na dahil sa inis at galit.Hindi niya ata ako napansin dahil busy siya sa pagtakbo.

Tss,umagang-umaga, typical Luna.

Bumalik na ako ng classroom at sakto namang dumating ang prof kaya nagsimula na ang klase na para bang normal lang ang lahat,na para bang walang namamatay pagsapit ng gabi,kung pagmamasdan ang bawat estudyante dito ay masasabi mong normal at inosente lang ang mga ito,pero malay ko ba kung may tinatago ang bawat isa,malay ko ba na isa sila sa mga naka maskara at nagpapatayan tuwing gabi.

Dumating ang lunch time,sinundo namin si Luna sa classroom niya at dumiretso na kami ng cafeteria, yung mga nang ta-trashtalk sakin noon ay nawala na simula nung makasama namin si Luna.

Natakot siguro,umupo na kami sa table na nakita namin,at bigla nanamang tumabi samin si Jhiro.

"Hi Nikee at Xyra!"masigla niyang bati sa amin maliban kay Luna na walang pakialam at patuloy lang sa pagkain.

Tinapik ako ni Jhiro sa balikat at hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ng aking katawan katulad noon ng hawakan ako ni Nikee matapos kong maalala ang nakaraan na bigla nalang pumasok sa kukote ko.

Nag flinch ang katawan ko at bigla nalang lumayo kay Jhiro na ipinagtaka niya,si Nikee ay nagtataka ding nakatingin sakin habang si Luna ay napatigil sa pagkain.

Epekto nanaman siguro ito kaninang umaga,bumalik nanaman ang pagka paranoid ko.

"So-sorry."tanging usal ko at yumuko tsaka ibinaling sa pagkain ang atensyon pero lahat sila ay nagtatakang nakatingin sakin.

"May problema ba?"tanong ni Jhiro pero umiling lang ako.

"Collin,mag uusap tayo mamaya."sambit ni Nikee,siguro ay nakita niya na hindi ito ang unang beses na nag react ang katawan ko,noong una ay hinayaan niya lang ako at hindi na nagtanong pero ngayon ay mukhang hindi na niya ito papalagpasin pa.

Bloody University حيث تعيش القصص. اكتشف الآن