XXIX

329 11 1
                                    

WARNING: R-18! Read at your own risk.

CHAPTER 29

Bata pa lang ako ay saksi na ako kung paano gamitan ng mabibigat na kamay ni Daddy si Mommy.

Simula noong magkaisip ay namulat ako sa bangayan dahil sa maling gawain ng aking ama, ang mga bisyo: alak, sigarilyo at...

May mga araw na puro sigawan at awayan ang aking nasasaksihan pero nariyan si Manang Precy para ilayo ako sa gulo.

Sabi ng Mommy ko, bata pa lang ako ay bawal na ako sa usok ng sigarilyo dahil may hika ako. Isa rin iyon sa nagiging dahilan ng away nila.

Hindi matigil sa bisyo si Daddy. Kapag sinusuway siya ni Mommy ay laging nauuwi sa sakitan.

Siya na nga ang may mali, siya pa ang galit.

I was five years old when Lola Ethel, my father's mother, moved in on our house. Noong una akala ko ay wala lang ang paglipat ni Lola sa amin pero kalaunan ay nalaman ko rin. She moved in so she could stop and prevent the conflict of my parents.

There were days that we're happy and fine. There were days that they can't just stop fighting.

Back then I was contented with my life, kahit minsan ay puro away basta buo kami. Before, I felt so lucky because I'm an only child. I'm already happy with my piano. Back then, life was good, somewhat.

It was all fine for me until my mother chose to file a case against my father and a divorce.

She file a case but Lola Ethel begged her to stop it, and she did. Na sana pala ay itinuloy na lang ng aking Ina.

She did stop the case but she continued the divorce.

"Pagod na ako, Arnold! Let's just end this fucking marriage! Total, hindi naman na kita mahal at sana hindi na lang!" my Mother shouted while crying. "Si Melody ang mahal ko hindi ikaw. Isasama ko ang anak ko sa akin kapag-"

I was seven years old when I eavesdropped on my parent's room. They were shouting and curiosity leads me. Lagi na lang kasi silang nag-aaway.

"Tumigil ka! Walang aalis!" galit na putol ni Daddy. "Magbabago na ako, Marienne... Huwag ka nang umalis."

Umiling iling ang aking Ina. "Ilang beses ko na bang narinig 'yan sa'yo, ha?! Kung nagbago ka na noon pa, hindi na sana tayo aabot pa sa ganito!"

"Magbabago na ako!"

'Di ba, siya pa galit.

"May mahal na akong iba, Arnold. Hindi na kita mahal!"

Hindi ko namalayan na lumuluha rin ako habang pinanonood ko kung paano lumuha si Mommy habang si Daddy ay mukhang galit, madidilim at pula ang mata.

"Pagod na pagod na 'ko..." Mommy sobbed.

"Huwag mong isasama si MJ, kung aalis ka," galit na utas ng aking ama.

"Bakit hindi!? Ngayon pa nga lang hindi mo na matapos 'yang bisyo mo! Baka pagbalik ko rito bangkay na ang anak ko!"

"Kaysa naman sa'yo! Pokpok!"

Even if I am not the one who received that word, I feel hurt. Sarili kong ama sasabihin ng ganoon ang aking ina?

Napatili ako nang biglang bumulagta sa sahig ang Mommy ko dahil nag-amba siyang susuntukin si Daddy.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Manang Precy at Lola Ethel.

Doon ko na-realize na kung para sa akin ayos lang ang ganitong buhay sa aking Ina, hindi. Roon ko naisip ang mga sugat at pasa niya, kada araw, hindi pa gumagaling ang nauna may panibago na naman.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now