XIX

263 22 5
                                    


CHAPTER 19

"Melody..."

Doon ko lang nahugot ang aking hininga. Para akong hindi huminga noong nakita iyong laruang baril.

Ibinaba niya iyon at hinawakan ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kanya.

Emman looked worried. "Hey... Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

I inhaled, "A-Ayos lang..."

"Do you want to go home now?"

Mabilis akong umiling kasabay ang pagsasantabi ng mga alaalang bumalik sa akin.

"Uuwi na kaagad? Tara, laro muna tayo! Doon, o!" I made it sound happy so he would calm himself down, kahit pumipintig ang aking sintido, masakit. Tinuro ko ang kabilang stall.

He glanced at the stall I pointed before he faced me again. He stared at me with his piercing eyes before he sighed and pulled me to the stall I pointed out.

Sa huli ay nagtagal pa nga kami roon sa amusement park. Hindi na kami sumakay pa ulit ng rides dahil baka mapunta sa ibang tiyan ang kinain namin. Naglakad lakad lang kami habang kumakain ng ice cream at kung anu-ano pang makita, libre niya naman. Kahit entrance fee ko ay libre niya.

Inasar asar niya lang ako hanggang sa kumagat ang dilim. Nakaupo siya sa gutter na parang bata habang ako ay nakatayo sa tabi niya nang umilaw ang langit dahil sa magagandang paputok.

Tumingala ako at pinagmasdan ang madilim na langit na napuno ng magagandang kulay na nag pailaw sa madilim na kalangitan. Just like me, I was in the dark until he came and gave color to my dark skies.

I smiled as I fascinated the fireworks up above. I never knew I could be like this, carefree and happy.

"Ang ganda..." bulong ko.

"Ang ganda nga..." ani Emman na parang narinig ang sinabi ko.

I did not look at him, I just stood still my eyes to the colorful fireworks.

Pagkatapos ng fireworks display sa amusement park na iyon ay nagyaya na akong umuwi dahil naramdaman ko na ang sakit ng aking paa. Baka hinahanap na rin ako ni Manang Precy.

Bago kami tuluyang makalabas sa amusement park ay inilibot ko pa ang tingin sa makulay at buhay na buhay na paligid at ngumiti. I promise, I will go here again when my life did change. I will know never know.

Umalis na kami roon at bumaba pa sa isang restaurant para kumain ng dinner pagkatapos ay bumalik na ulit sa sasakyan niya para tuluyan nang makauwi.

Panay lang ang kwentuhan at asaran naming dalawa sa sasakyan. Malapit na kami sa bahay nang parang may dumaang anghel sa pagitan naming dalawa dahil bigla kaming natahimik.

"Anu-anong lugar ang napuntahan mo na?" he asked.

I glanced at him. "Wala except sa Maynila at doon sa amusement park kanina. Bakit?"

He glimpse at me a bit. Umawang ang bibig niya. "Taong bahay ka, girl," humalakhak siya.

"Pake mo." Tinarayan ko siya.

True though, wala pa akong ibang napuntahan sa buong buhay ko kun'di ang Maynila at sa Sta. Rosa, Laguna. Kahit nga sariling kinalakhan ko hindi ko alam ang mga pasikot sikot na lugar, ibang lugar pa kaya?

"I'll fetch you tomorrow. Wear comfortable clothes again," he said.

My brows furrowed. "Saan mo na naman ako dadalhin!?"

"Sa'king palasyo," he sing.

Parang tanga! Kukutusan ko 'to!

"Regine Velasquez ka, girl," I mimicked him.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now