XXIV

245 16 0
                                    

CHAPTER 24

Ang bagong taon na pumasok ay parang nagbago. Parang nagbago na talaga ang takbo ng buhay ko noong dumating siya, lalo na ngayon. It was like he painted colorful colors in my dark world. Artist nga talaga siya. Hindi siya pinalad maging ganoon pero hindi siya nabinigong kulayan ang buhay ko.

It was dull before, dark, gray and blue. He came and painted it with yellow for joy, white for serenity, pink for hope and red for love.

Nakakapagtaka lang dahil simula noong bagong taon ay palagi siyang walang pasok. Naihahatid at sundo niya ako kahit weekdays at sa bahay pa siya tumatambay! Tinutulak ko siyang umuwi ng Maynila pero palagi niyang sinasabi na wala pa raw silang pasok!

I don't know if I will believe him or not. Siguro hindi naman siya magsisinungaling, hindi ba? Wala naman siyang dahilan para gawin iyon, baka nga wala pa talaga silang pasok.

It was second week of January, Thursday, when Reign and Felix met Emman. Kasabay ko kasi silang lumabas noon sa school pati na rin sa pag-akyat sa overpass kaya pinakilala ko na rin.

"Reign, Felix, this is Emman... my friend," I introduced. "Emman, these is my friends."

Tumango lang si Felix at ngumiti, tanging ngiti lang din ang isinagot ni Emman.

Reign joyfully held out her hand to Emman.

"Hi! I'm Reign! Nice meeting you!" Reign smiled.

Emman's brows furrowed as he stared at Reign before he accept my friend's hand.

"Emman," simpleng sagot niya habang kunot noong titig kay Reign at isang beses na inalog ang kamay.

"Una na kami!" Hinila ni Reign si Felix. "Ba-bye!" She waved before they walked away.

"Bakit?" takang tanong ko kay Emman dahil parang natulala siya.

"Wala. Let's go, let's eat lunch. Nakapagluto na kami ni Tita Precy."

I nodded and walked with him.

Days passed again. Pangatlong linggo na ngayon ng January, Lunes, at hindi pa rin bumabalik ng Maynila si Emman.

"Hatid sundo ang haliparot!" Pagpaparinig ni Aaliyah.

Hindi ko na lang iyon pinansin at inignora na lang. Bakit ba binabantayan nila ang bawat pangyayari sa buhay ko, fans ko ba sila?

Sinundo ulit ako ni Emman sa araw na iyon at nang matapos kumain ng pananghalian sa bahay ay umuwi na roon sa Villa nila sa Pansol.

"Hija, kapag nanligaw sa'yo 'yang si Emmanuel, sagutin mo! Naku, napakabait na bata!" Manang giggled while she's watching television habang ako ay nasa sala rin at nagawa ng schoolwork sa center table.

"Si Manang naman..." nahihiyang sabi ko.

"Aysus, nahiya pa! Dalagang dalaga ka na talaga!" she giggled.

"Manang, kailan daw ang uwi ni Daddy?" tanong ko na lang at binaliwala ang sinabi niya.

Matapos ko kasing mag confess noong bagong taon ay hindi na rin naman iyon napag-usapan pang muli. Wala rin akong planong ikwento kay Manang. Nakakahiya, 'no!

"Sa Marso o Mayo pa 'ata, hija."

I nodded and sighed. One month.

Saturday came that week and as usual, Emman never failed again to come over every Saturday. He's waiting on the overpass, leaning on its cement barrier while gazing at the vehicles below. Iyon na 'ata ang paborito kong tanawin at hinding hindi ko pagsasawaan.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now