I

1K 72 2
                                    

CHAPTER 1

"Anak, greet your Tito, okay?" he took a glimpse of me through the rearview mirror.

I nodded and kept my silence while amusingly watching the skyscrapers outside passing by.

Birthday ng Tito ko, it is held here in Manila. Ito rin ang first time ko rito sa Maynila, hindi ko alam kung matutuwa ba akong nandito ako o hindi.

Gabi ang sinabing party ng matanda. Nang makarating kami sa hotel kung saan gaganapin ang birthday niya ay sabay kaming umakyat ni Daddy sa hall kung saan ang party. Mayroon siya roong mga kakilala kaya nakikipag-usap siya roon habang inaalalayan ako sa baywang.

Inayos ko naman ang sarili at iniwasang maapakan ang pulang evening gown.

Mabuti nga't nakikilala pa nila ang isa't isa dahil lahat kami ay naka maskara.

Nang makalabas sa lift at makapasok sa mismong hall. Parang na-suffocate ako sa dami ng tao. Kasyang kasya ang lahat dahil malaki ang lugar, napaka elegante. Mayroon pang dancefloor sa gitna. Mellow ang kantang tumutugtog, hindi pa nagsisimula ang party.

Akalain mo nga naman.

Hawak pa rin ako ng ama ko hanggang sa makaupo kami sa isang malaki at pabilog na lamesa kasama ang iba niyang kaibigan, binabati pa ako pero tanging ngiti lang ang isinasagot ko.

Tahimik lang ako habang nag-uusap usap sila sa lamesa. May babae at may lalaki, may matanda at bata. Inilibot ko ng tingin ang paligid, mukhang masayang masaya ang lahat.

Alam kaya nilang may tulad kong kasali sa kasiyahan nila?

Pinagmasdan ko ang double door kung saan naglalabas-masok ang mga bisita. Lahat ay nakasuot ng tuxedo at mga eleganteng evening gown, suot ang kani-kanilang maskara. Be it literal and figurative.

Alam kong sa likod ng mga maskarang iyon ay ang mga bigating artista at may mga tungkulin at upuan sa politika. Naagaw ng pansin ko ang mga bagong pasok. Mukhang elegante at pormal ang ibang kasama noong lalaki siya lang ang mukhang ewan dahil sa wireless headphone na nakasabit sa leeg. Naka tuxedo at maskara tapos may suot pang ganoon. Mukhang tanga. Though he looks stoic.

Nagsimula ang party nang ipakilala at lumabas ang may kaarawan. Binati siya ng lahat, nagsimula na rin ang kainan. Wala akong ganang kumakain sa lemasa namin. Kung wala lang ako rito siguro'y hindi ko na 'to kinain at hinayaan na lang. Nakakawalang gana. Lalo na nang lumapit sa lamesa namin ang matanda kong Tito kasama ang asawa niya.

"Happy birthday, General!" bati ng lahat ng nasa lamesa, nakipag shake hands pa at beso.

"H-Happy birthday po," bati ko nang lumipat ang may kaarawan ng pwesto sa likod ng upuan ni Papa. Itinago ko sa ilalim ng lamesa ang nanginginig kong kamay.

Binati rin siya ni Daddy.

Lumapit ang Tito ko sa akin at pinagmasdan ako bago bumaling kay Daddy. "Ito na ba si MJ, Arnold? Ang laki na, ah!"

Tumango si Daddy. Ngising aso akong hinarap ni Tito at inangat pa ang baba ko gamit ang isang kamay.

I gritted my teeth as I saw his face fully. Wala siyang suot na maskara.

O, bakit hindi siya nagsuot ng maskara? Kailangan niya 'yon.

"Long time no see, hija."

I bit my shaking lip and shifted my gaze. Binitawan niya na rin ang pagkakahawak sa akin at nakisalamuha na lang sa tao sa table namin.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now