XXI

240 18 3
                                    

CHAPTER 21

"Jesus. Slow down!" ani Emman at matutunugan ang nerbyos sa tono.

"Hija, magdahan dahan ka! Wala ka pang lisensya, naku!" ani Manang Precy na nakaupo sa passenger seat.

Humalakhak ako. "Chill lang kasi kayo."

Pauwi na kami sa bahay ngayon galing sa pagsisimba. Ako ang nagpresentang magdrive at heto silang dalawa, kabado. Ewan ko kung kabado ba sila dahil katututo ko pa lang o dahil naulan at basa ang daanan.

Hindi ko naman ito ibabangga!

Ang sarap pa lang mag maneho ng sasakyan.

Dahan dahan kong iniliko ang sasakyan sa aming street.

When November, every Saturday night, Emman taught me how to drive. Mabilis naman akong matuto kaya ngayon ay kaya ko na.

Pangalawang Linggo na ngayon ng Disyembre at medyo maulan ang panahon. Ang bilis ng araw.

"Oha!" mayabang na sabi ko nang ma-i-park ng maayos ang sasakyan sa tapat ng aming bahay at pinatay ang makina.

Sinermonan pa ako ni Manang na mas bagalan ko pa raw ang pagmamaneho bago siya bumaba dahil pinagbuksan siya ni Emman sa labas na may dalang payong.

Ano pa bang ibabagal ko? Mabagal na kaya 'yon.

Bababa na sana ako ng sasakyan at walang pakialam kung mababasa ng ulan nang mabilis na dumating si Emman para payungan ako, naihatid na si Manang Precy sa loob.

"Sabi sa'yo kaya ko na, e!" pagyayabang ko habang naglalakad kami papasok sa bahay.

He make face and rolled his eyes. I did the same too.

Dahil tanghali na ay tumulong kaming dalawa ni Emman kay Manang sa pagluluto ng makakain para sa tanghalian. Nang matapos ay kumain na kami at ako ang naghugas habang panay pang-aasar lang ang ginagawa ni Emman na pinanonood akong maghugas.

Si Manang Precy ay nasa sala at nanonood ng balita. Well, si Ate Reena ay hindi sumama rito dahil didiretso raw siya ng uwi sa kanila para ipagluto ang mga kapatid.

Dumiretso ako papunta sa aking kwarto pero naramdaman ko ang pagsunod ni Emman sa likod ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at pumasok, sumunod siya.

Ito ang unang pasok niya sa kwarto ko kahit medyo matagal na rin noong magsimula siyang pumunta punta rito sa bahay. Inilibot niya ng tingin ang kwarto. Maayos naman ang mga gamit ko kaya hindi ako nahiya.

I crossed my eyes as I watch him roaming around with wonder and amusement in his eyes. Nanatili akong nakasandal sa pinto hanggang sa matapos siya at umupo sa aking kama.

"Your room is dim," komento niya habang nakatingin sa akin.

"I like dark." I eventually learn to like the darkness.

Tumabi ako sa kanya pero humiga siya at tumitig sa kisama gaya ng gawain ko noon.

"Where do you wanna go?" he asked huskily and glanced at me.

Somewhere that I am free and serene. Somewhere as long as I am with you. The somewhere is you, Emman.

I just shrugged. Kaaalis lang namin noong nakaraang Linggo galing Manuel Uy sa Batangas, aalis na naman? Well, he likes traveling nga raw. Travel buddy niya ako, gano'n?

"Can I see your works?" I said and break the silence between us. Nanatili akong nakaupo habang siya ay nakahiga at nakapikit na akala mo'y natutulog.

Unchained MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon