XXVII

304 13 0
                                    

CHAPTER 27

Humagulhol ako pero rinig na rinig ko ang mga baritonong mga boses sa ibaba.

Nagtindigan ang balahibo ko. Dati, kumakalabog ito dahil sa kilig at excitement ngayon ay kumakalabog na naman ulit dahil sa takot at kaba.

Gaya ng inaasahan ko. Hindi rin nagtagal at kumatok na si Manang Precy sa aking kwarto.

Mabilis kong itinago ang blade na hawak at hindi natuloy pang laslasin ang sarili. Manang Precy doesn't know I was cutting myself ever since. I am good at hiding.

Humugot ako ng malalalim na buntong hininga at inayos pa ang sarili, pinigilan ang muling pag-iyak. Haharap ako sa tao, kailangan maayos ang itsura ko.

Pumasok pa ako sa banyo at naghilamos. Matagal kong tinitigan ko ang sarilingrepleksyon sa salamin. Nangingitim ang ilalim ng aking malamlam na mata at mapula ang ilong, maputla ang balat pati ang labi. Isang sampal pa muna ang ginawa ko sa aking sarili bago tinali ang buhok bago lumabas.

Pinagbuksan ko si Manang Precy na nag-aalala ang itsura at direkta ang tingin sa akin.

"Dumating na ang ama mo, hija..." she whispered.

I smiled to assure her that it's okay. To assure her that I'm gonna be fine. I should always be fine.

"Pinatatawag ka roon sa baba..." nanginig ang boses niya.

"Okay po," I made it sound strong even if my heartbeat quickened out of fear. Even if I feel so terrified and scared, I have to be strong.

Sa buhay na 'to, tanging natutunan ko lang ay maging matapang. Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko dahil kung hindi ko gagawin, sinong magtatayo para sa akin? Everyone has their own battles, I have my own.

"Hija... Pwede kong sabihin na tulog ka na... Huwag ka nang bumaba..." halatang takot at kabado si Manang kagaya ko.

"Okay lang ho, Manang..." I smiled as I stepped out of my room.

Nasa likod ko si Manang Precy habang bumababa ako sa hagdan at unti-unting lumalakas ang tawanan at kwentuhan sa aking tainga habang palapit ng palapit.

Nanginig ang aking kamay sa trauma, nanghihina ang tuhod ko.

Doon ko sila nakita sa sala. Marami sila. Naroon si Hernandez, Brian at iba pang lalaking pulis na kasamahan ni Daddy, 'yong iba ay ngayon ko lang nakita.

Agad na tumayo ang aking ama para yakapin ako.

"I miss you, anak..." He kissed my forehead before he faced his visitors. Amoy alak at sigarilyo na naman si Daddy at mukhang...

I clenched my jaw as I saw how these men stares at me.

"Anak ko mga pre. Si MJ! Matalino 'yan!" Humalakhak si Daddy.

"Aba't dalaga na, a!" ani noong isa at tumango.

They complimented me except to Brian who's just staring at me.

Pinaupo ako ni Daddy sa tabi niya habang naglalapag si Manang ng mga alak sa center table.

Tinago ko ang nanginginig na kamay habang pinagmamasdan sila isa-isa. Pangalawang linggo na ng Pebrero ngayon, Sabado at walang pasok bukas. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi.

They talked about their works in Iloilo while drinking liquors and taking a glimpse of me beside my father as their chaser for tonight.

Nakakapandiri.

Gustong gusto ko nang bumalik sa aking kwarto at linisan ang sarili dahil pakiramdam ko ang dumi dumi ko kahit hindi naman sila dumidiis sa akin. Sumasakit na ang aking dibdib dahil sa lakas at bilis ng kalabog nito, labis na takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makahinga.

Naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin at pagbaliktad ng tiyan at ang pagsakit ng sikmura, dahil sa sobra sobrang gamot na ininom kanina.

Naduwal ako kaya nagpaalam akong pupunta ng kwarto, pinayagan ako ni Daddy.

Umiikot ang aking paningin hanggang sa makarating sa kwarto ko at isasarado na sana ang pinto nang pigilan iyon ni Brian na sumunod pala sa akin.

"Melody, buntis ka?" tanong niya, nag-alala.

Hindi pa kumakalma ang puso ko pero heto na naman sa matinding pagbayo.

Parang gusto ko siyang sampalin ng paulit ulit dahil sa kapal ng mukha niyang sumunod sa akin hanggang dito. At hindi ako buntis, nagkaroon ako ng dalaw noong nakaraang linggo!

Itinulak ko ang pinto at sinubukang isarado pero mas malakas siya sa akin.

"Melody, tutulungan kita! May... May ebidensya ako! Tutulungan kita!" he whispered like it's some of secret.

Malapit nang tumulo ang luha ko sa halu-halong nararamdaman nang marinig ko ang boses ni Manang Precy.

"Hayaan mo na siyang magpahinga," malamig na utas ni Manang at tinulak palayo si Brian mula sa aking pinto kaya mabilis ko iyong isinarado at ni-lock.

Mabilis akong pumasok sa banyo at binuksan ang shower para linisan ang sarili. Ang hapdi ng tiyan ko at parang gustong gusto kong sumuka pero walang nalabas.

Kasabay ng pagdaloy ng tubig sa akin ay ang pagdaloy rin ng aking hindi maubos ubos na luha. Hindi ko alam kung ilang oras ako roon sa banyo basta't naramdaman ko na lang ang pag-iinit at hapdi ng balat dahil sa sobrang pagkuskos ko.

Nang matapos maligo ay nakita ko pa ang maliit na box ng aking gamot na kulay dilaw na itinapon ko kanina sa basurahan dito sa loob ng aking banyo.

Nahiga ako sa kama at agad na hinila ng dilim dahil sa pagod sa pag-iyak pero agad ding nagising ng pawisan dahil sa bangungot na hindi na nagpatulog sa akin buong magdamag.

Pagod na pagod ang katawan ko pero hindi ako makatulog. Gustong gusto ko nang magpahinga pero hindi ako pinagbibigyan ng mga bangungot.

Kumatok si Manang Precy sa akin kinabukasan ng umaga. Wala akong tulog at tulala lang sa kisame ng aking kwarto.

"MJ, halika. Magsimba tayo," ani Manang.

Tumango ako at agad na tumayo pero hilo ang naramdaman ko.

Sasama ako hindi dahil gusto ko siyang makita kun'di para iwasan ang ama ko rito sa bahay. Iyon ang dahilan ko noon, iyon pa rin hanggang ngayon.

Nagbihis ako at inayos ang sarili. Nang matapos ay bumaba na at pumuntang dining area kung nasaan kumakain ng almusal si Daddy.

Umupo ako sa tabi niya at sinimulang pilitin ang sariling kumain.

"How's school?" he asked.

I refused to look back. "Ayos lang ho."

"I missed you. It's been months."

Sana hindi ka na umuwi.

I just nodded.

"Nagpakabait ka ba rito? Do you obey your rules and curfews?"

"Oho," mapait na sagot ko.

Pagkatapos kumain ay umalis na rin kami ni Manang at dumiretso sa simbahan, sa Saint John.

Wala siya roon. Wala sa nakasanayan pero hindi ko na inasahan pa.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now