X

291 34 0
                                    

CHAPTER 10

"Thank you."

Isasarado ko na sana ang pinto ng kanyang sasakyan nang tinawag niya ako ulit.

"Melody," he called.

I cringed when I heard my name again. Parang hindi na ako sanay na tinatawag sa first name, palagi kasing palayaw ko ang itinatawag nila sa akin lalo na sa bahay.

I crouched to look at him. "Oh?" I arched a brow.

Ngayon ay nakatuko na ang isang kamay niya sa front seat habang nakatingin din sa akin.

"I'll go to Saint John tomorrow. Simba tayo," he smiled.

My brows furrowed. Hindi nga ako naniniwala riyan tapos ayayain niya akong magsimba? Sige na nga, wala rin naman akong gagawin sa bahay bukas, ayoko rin sa bahay.

I nodded. "Kung magsisimba rin si Manang, sasama ako."

He looked hopeful. The sides of his lips rose as his eyes too. He nodded. "See you tomorrow."

Tumango ako at isinarado na ang pinto. I waved my hand good bye as I watch his car leaving the place.

Naramdaman ko pa ang tingin sa akin ng ibang tao naroon. Iilang mga tricycle driver at iba pa. I sighed and didn't mind them.

My heartbeat went fast when I entered the house. Si Manang Precy ang nagbukas ng gate para sa akin. 8:50 na kasi at malapit na mag alas nuebe, lumagpas ako sa curfew hour ko nang hindi ko namalayan.

"Nalate ka yata, hija. Tara na, kumain ka na," Manang said and smiled at me. Gusto niya pa sanang siya ang magbuhat ng bag ko pero iniwas ko iyon sa kaniya.

"Si Dad ho?" kabadong tanong ko.

"Huwag kang mag-alala't hindi pa naman umuuwi, halika na!"

Doon ako nakahinga ng maluwag. Nagpalit pa ako ng damit at naligo bago bumaba at kumain ng dinner dahil pinilit ako ni Manang. Hindi ko raw kasi na naman kinain ang ipinabaon niya.

Malalim na ang gabi pero nasa kwarto pa rin ako ni Manang, nakikilaro ulit ng ahas niya sa cellphone. Ayoko sa kwarto dahil kapag naroon ako ay kung anu-ano ang naiisip ko at kinakain ako ng lungkot.

Nandito rin ako para sana magtanong kung magsisimba ba si Manang Precy bukas kaso lang ay hindi ko matanong tanong dahil nahihiya ako at hindi ko alam kung saan sisimulan.

Hindi pa umuuwi ang ama ko kaya gising pa rin si Manang at inabala na lang ang sarili sa paglalaro ng solitaryo niya sa kama.

Tahimik lang kaming dalawa ni Manang dahil abala sa sari-sariling ginagawa nang magring at magvibrate ang cellphone niya kaya muntik nang mawala iyon sa hawak ko at mahulog.

"Manang, may natawag," sabi ko habang tinitignan ang tumatawag sa maliit na cellphone ni Manang, number lang 'yon.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sino, hija?"

"Number lang ho, e," sabi ko at inabot na 'yon sa kanya para masagot na ang tawag.

She nodded and get her phone from my hands. Tumayo siya mula sa kama kaya tumayo na rin ako.

Alam kong napindot na niya ang tawga para sagutin nang hinarap niya ako. "Saan ka pupunta, MJ?"

I yawned. "Matutulog na ho."

She nodded. Sabay pa kaming lumabas mula sa kwarto niya, siya ay dumiretso sa labas, ako naman ay umakyat na sa hagdan papuntang kwarto.

Dahil sa tahimik ng bahay ay narinig ko pa ang sinabi ni Manang bago ko isarado ang pintuan ng kwarto ko.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now