XXV

270 19 3
                                    

WARNING: R-18! Read at your own risk.

CHAPTER 25

"Sino 'yong kaakbay mo sa picture na
iyon?"

His brows furrowed and started to walk.

"What picture?" takang tanong niya.

"'Yung may kaakbay ka na babae tapos nagtatawanan kayo, tapos may kasama pa kayong isang lalaki!" sabi ko habang inangat niya ako at pinaupo sa gilid ng pool habang siya ay nasa pool pa rin, sa harap ko.

Matagal siyang tumitig sa akin na parang inaalala iyong sinabi ko bago tumango. "That was my cousin and my brother. The girl was Rozelle, my closest cousin I told you."

Tumango tango ako. "Babae pala siya. Akala ko bakla," bulong ko.

He bursted a laugh. "What? No!" He laughed like I dropped a hilarious joke.

Sumiring ako. "'Yung salitaan kasi..."

"Lagot ka..." Itinaas niya ang hintuturo sa aking harap at kunwaring nagbabanta. "Isusumbong kita!"

"Nye nye!" I made face.

Nagulat ako nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas bago bumuhos ang malakas na ulan. Agad akong tumayo para sumilong. Itinaas ni Emman ang kamay niya para iangat ko siya kaya kinuha ko iyon pero kahahawak ko pa lang doon ay hinila na niya ako kaya mabilis akong bumagsak sa pool - sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang baywang ko para hindi ako malunod dahil nasa malalim na parte pa rin kami.

"Bwisit ka!" Sinabunutan ko ang buhok niya at ikinawit ang paa sa baywang niya habang paunti unti niyang nilalangoy ang pabalik sa medyo mababaw na parte.

He just laughed at me.

Nag ka mini heart attack ako roon!

Nang makarating kami sa mababaw ay agad akong bumitaw dahil may naramdaman akong kung ano sa aking puwitan. Umakyat ako at umahon, mabilis na pumunta sa aming kwarto para kumuha ng tuwalya, naramdaman ko ang pagsunod niya.

"Kainis ka!" Nilingon ko siya sa likod at siniringan.

He made his face look innocent. "I won't let you drown," he said and laughed a bit.

Pumasok ako sa kwarto at agad na kinuha ang aking tuwalya at binalot iyon sa sarili, ganoon din ang ginawa niya.

"You won't change yet?" tanong niya nang makitang umupo ako sa tapat ng organ.

Nilingon ko siya at nakitang may kinukuhang kung ano sa cabinet. "Hindi pa, mamaya na lang."

"Baka lamigin ka," aniya habang abala sa pagkuha ng kung ano.

I just shrugged and faced the piano in front of me.

"Anak, alam mo ba kung bakit Melody ang pangalan mo?" my Mommy asked while we're sitting together in front of my piano.

She was playing her favourite song, 'yong palagi niyang tinutugtog at unang una ring tinugtog ko.

I shooked my head. "Hindi po... Tell me about it, Mommy!"

She smiled and stared at the piano. "Your father and I met in our prom when we're in high school..." she said. "Siya ang huling nagsayaw sa akin noong gabi iyon sa saliw ng kanta kung saan galing ang pangalan mo..." She smiled at me.

"Melody, baka lamigin ka..." boses ni Emman ang nagpabalik sa reyalidad.

I shooked my head and refused to look at him. "Hindi 'yan."

I smiled as I remember that wonderful memory of mine. How I wish I could turn back time.

Pinindot ko ang isang pyesa, natatakot na baka nakalimutan ko na ang tinuro sa akin ng aking ina.

Unchained MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon