XVIII

268 21 1
                                    

CHAPTER 18

"Manang..." tawag ko at humarap sa kanya habang nakatayo pa rin kami sa labas ng aming bahay.

"Hija?" Humarap sa akin si Manang na may ngiti sa labi. Masaya para sa'kin.

"Pupunta ho tayong sementeryo bukas-"

"Pa'no? Mag co-commute tayo?" putol sa akin ni Manang.

Umiling ako. "Si Emman ho. Susunduin niya ho tayo rito bukas ng umaga-"

Kung mas bata bata pa si Manang siguro nagtatatalon na siya ngayon sa saya.

"Talaga?! Naku! Iyong batang 'yon talaga!" she cut me off and giggled.

I nodded. "Pupunta rin ho tayo sa asawa ninyo. Dadalawin ho natin-"

"Ayos lang ba, MJ?" nag-aalinlangang tanong ni Manang Precy.

Tumango ako at ngumiti. "Oo naman ho."

Bata pa lang ako ay wala na sa mundo ang asawa ni Manang Precy. Dati, nagkukwento siya sa akin ng tungkol sa asawa niya at ang mga kilig moments nila para lang mapagaan ang loob ko.

She squeezed my arm, gentle. "Maraming salamat, hija. Matagal tagal na rin simula nang madiligan ako."

My jaw dropped at what she have said. "Manang!" saway ko dahil ang tanda na niya pero akala mo'y kaedaran ko lang para magsalita ng ganoon.

Humalakhak siya. "Biro lang, ito naman. Tara na sa loob at gabi na, maaga pa pala tayo bukas."

Umakyat na ako sa aking kwarto at isasarado na sana ang pinto nang marinig ko sa ibaba na may kausap si Manang sa cellphone.

"Hello... Teka sandali, lalabas lang ako."

I sighed and continued to close my door, this time hindi ko na iyon ni-lock. Hindi na kailangan pa.

Bago humiga sa aking kama at naglinis pa ako ng katawan at uminom ng gamot bago nag-isip ng mga mangyayari bukas.

Titig ako at tulala sa kisame ng aking kwarto habang iniisip ang lahat ng nangyari. Umalis si Daddy at ilang buwan na hindi uuwi. Nagcommunion kanina.

It's all started when he came... I'm thankful that he did.

Nang hindi mapakali ay bumangon ako sa aking kama at hinalungkat ang tukador para sa susuotin bukas. Inilabas ko mula roon ang isang pantalon at yellow turtle neck long-sleeved. Nakagawian ko na rin ang pagsusuot ng mga long sleeves para matakpan ang marka sa aking braso. Iyong mga hiwa? Magaling na sila ngayon, tanging peklat na lang. Hindi na sila nadagdagan pa. Sana magtuloy tuloy na.

Monday morning came. Nang marinig ang busina sa labas ay agad akong lumabas ng bahay para pagbuksan ng gate si Emman.

Emman parked his black elegant car in front of our house. Lumabas siya at agad kong sinuyod ang kanyang suot, my stomach tickled.

He's wearing black cap, black shirt printed with a blue everything sucks emoticon and 'Simple Plan' above and white shorts paired with vans. He looks so good and manly, plus his scent is addicting.

"Good morning!" he greeted and smiled. He caressed me from head to toe too and his smile grew wider. Wonder and amazement drew to his face.

"Morning. Pasok ka..." For the very first time I invited him to come in. Malakas ang loob ko dahil wala naman si Daddy at hindi naman nagsusumbong si Manang Precy, sa akin ang simpatya niya.

He blinked like he cannot believe what I've said. "Totoo?" parang batang aniya.

"Oo." Binuksan ko ng malawak ang gate.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now