XX

276 21 1
                                    

CHAPTER 20

Dati, mahirap ang bawat araw para sa akin. Ang hirap bumangon sa umaga at matulog sa gabi, pero noong dumating siya, hindi na. Noon takot ako, ngayon, hindi na.

Hindi ko alam pero simula noong dumating siya parang nabago ang lahat sa akin.

Ngayon, tuwing umaga ay nakakayanan kong bumangon dahil sa binigay niyang pag-asa. Pag-asang makita siya kada Linggo. Normal pa ba ako?

Dati, sobrang bagal ng oras pero kapag kasama ko siya parang kumurap lang ako. Bakit ganoon? Kung kailan ako masaya, roon bumibilis ang oras? Pwede bang tumigil na lang iyon kapag masaya ako? Pwede bang lagi na lang masaya?

Masaya. Noon, lugmok ako sa dilim pero dumating siya at sumama sa aking umupo sa madilim kong mundo. Akala ko, hindi na ako sasaya pa. Posible pala. Sana palagi na lang ganito.

Bumilis ang oras at mga araw. Hindi ko akalaing Disyembre na. Parang kailan lang noong nakita ko si Emman sa overpass sa labas ng aking school noong nalalapit na intramurals at kapapasok lang ng August. Pwede bang tumigil na ang oras?

"Mag-iingat kayo," bilin sa amin ni Manang Precy habang kumakain kaming tatlo ng almusal dito sa bahay.

"Yes, Tita," Emman nodded and smiled.

Kapapasok lang ng buwan ng Disyembre at unang Linggo ngayon nang nagyaya na naman itong si Emman ng swimming sa isang beach, noong nakaraan niya pa ako niyaya dahil namiss na raw niyang maligo sa dagat, ngayon lang niya ako napilit.

Duh, isang buong buwan kaming puro alis! On the other hand, it's good though. Nakakapunta ako sa ibang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Akala ko noon buong buhay akong mabubulok dito sa bahay na ito. Mabuti na lang talaga't umalis ang Daddy ko, sana huwag na siyang bumalik pa.

Ready na kaming umalis, sinundo niya lang ako rito sa bahay pero hindi kami pinaaalis ni Manang hanggat hindi nag-aalmusal. Nakapagbalot na ako ng mga damit sa isang bagpack at nakapamili na rin kami kagabi ng mga kakainin namin doon sa 'secret' beach niya. Paano'y palagi secret para raw surprise, parang bata.

"Iuwi mo ito bago lumalim ang gabi. Huwag mong itatanan itong si MJ, ha! Naku, magpapaalam ka muna sa'kin!" Humalakhak si Manang Precy.

And yes, hindi kasama si Manang. Ayaw niya dahil moment daw namin ito. Tss.

Halos mabulunan kaming dalawa ni Emman sa narinig kay Manang. Mas millenial pa nga 'ata ito kaysa sa akin!

"Sure, Tita. Magpapaalam po ako," ani Emman at sinabayan pa ang kalokohan ni Manang Precy.

Hinampas ko siya at sinamaan ng tingin.

"Joke lang!" Humalakhak si Emman.

"Diyan kami nagsimula ni Antonio," Manang giggled pertaining to his husband.

"Manang..." nahihiyang saway ko.

Pinagtawanan nila akong dalawa!

Nang matapos kumain ay nagpaalam na kami ni Emman.

Lumabas kaming tatlo sa bahay para makaalis na. Si Emman ang may bitbit ng aking bagpack at inilagay niya iyon sa passenger seat kasama ng mga gamit niya.

Nakita ko pa ang mga tingin at pagbubulungan ng mga tsismosang naming kapit-bahay. Binaliwala ko na lang iyon at hindi pinansin.

"Bye, Tita!" Emman bid his good bye and beeped before we left the house.

Kumaway pa ako kay Manang Precy na ihinatid kami ng tingin bago tuluyang isinarado ang tinted na bintana.

Inabot sa akin ni Emman ang kayang phone habang nagmamaneho. Kinuha ko iyon at alam na kaagad ang gagawin, i-co-connect ang bluetooth sa kotse para makapagpatugtog. I picked a song before I put his phone down.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now