VI

344 40 1
                                    

CHAPTER 6

Hindi pa rin ako makapaniwalang nagkita kami ni Emman doon sa simbahan. Akala ko aabot pa ng taon bago ulit kami magkita. And the words he told me with all of his heart is hitting me up, it gave me chills.

Matagal ko pa 'yong inisip. Bakit pumapabor ang Diyos sa mga hindi naman gaanong nangangailangan? Alam kong may kaya at may sinasabi sa buhay si Emman dahil hindi naman siya makakasali ng party na 'yon ni Tito kung wala silang pangalan sa industriya. Bakit sa kanila pumapabor ang Diyos at hindi roon sa tunay na nangangailangan kagaya ko?

Bakit hinayaan Niyang mangyari ito sa akin kung totoo Siya?

Malapit na kami sa bahay ni Manang ay parang doon lang ako bumalik sa reyalidad simula kanina.

Agad akong binalot ng takot at pangamba na baka sabihin ni Manang Precy kay Papa na may kasama akong lalaki kanina. Hindi kasi ako pinapayagan ni Papa na magkaroon ng lalaking kaibigan, boyfriend o manliligaw. Paniguradong magagalit iyon sa akin kapag nalaman niyang kasama ko si Emman kanina. Kay Felix nga ay ayaw niya akong sumama kay Emman pa kaya? Hindi magandang magalit si Papa.

Kumalabog ang puso ko nang pagbuksan kami ni Papa ng gate at kinuha niya mula kay Manang at sa akin ang mga pinamili.

Sumunod kami ni Manang sa likod ni Papa. Panay ang kwento ni Manang kay Papa tungkol sa mga pinamili pero hindi niya naman sinabi ang tungkol kay Emman.

Kabado at takot ko siyang tinignan habang sabay kaming naglalakad. She smiled at me and gestured to go to my room. "Magpahinga ka na muna, MJ. Tatawagin na lang kita kapag kakain na. Ako na ang bahala rito," she said meaningfully like she knew what I was worrying.

I nodded and went upstairs quickly. Nang makapasok sa kwarto ay agad ko 'yong sinarado at ni-lock, gaya ng turo sa akin ni Manang. Humugot ako ng malalim na hininga. I really owe her.

Lumipas ang araw na 'yon at hindi nga binanggit ni Manang ang kahit ano tungkol sa pagkakita niya kay Emman. Nakahinga ako nang maluwag.

Kinabukasan, umaga ang pasok ko at hapon na ang uwi, 'yon ang pinili kong schedule. May dalawang araw pa kami bago ang intramurals kaya puro test at quizzes lang ang ginawa buong araw.

Noong mag Martes, ay wala nang nagturong prof. Busy na lahat ang professors ng school at lahat ng athletes na sasali sa intramurals sports. Ako naman ay walang sinalihan dahil wala akong sports at hindi ako interesado kaya tunganga lang ako sa kaguluhan sa school buong araw.

Wednesday ng umaga ay may fun run bago ang programs. Sumali ako roon dahil ayaw kong makita at makasabay si Papa sa umaga.

Kahit ayaw ko sa school, mas ayaw ko sa bahay. Wala na 'ata akong malugaran, lahat nakakatakot.

Naglalakad lang ako at nahuhuli na sa ibang studyante, ayos lang 'yon sa akin dahil hindi naman ako interesadong manalo. Nagulat ako at bahagya pang nakaramdam ng takot nang hinawakan ng isang lalaki kong kaklase sa isang minor subject.

"Uy!" aniya at hinila pa ako sa braso para makuha ang atensyon ko.

Mabilis kong tinanggal ang kamay niya. Pwede bang huwag nila akong hawakan?

I faced him and forced a smile while calming myself. He talks a lot while we're walking back to school. I did my usual thing if someone approaches me, I really make everything boring that they would feel to go away. This is the way to push these people away.

Unchained MelodyWhere stories live. Discover now