VII

325 34 2
                                    

CHAPTER 7

Suminghap ako. Para akong nilunod sa pool at matagal na nawalan ng hininga. Hindi naglalabas ng luha ang mga mata ko pero 'yung puso ko, oo.

Kumapit ako sa haligi ng overpass. Tanghali na kaya mainit, lalo akong hindi makahinga.

Parang nawawala ako sa ulirat. Parang nawawala ako sa sarili sa mga iniisip, sa mga bumabagabag sa akin. Sa mga alaalang hindi ko na gugustuhing balikan pa.

Ewan ko rin kung bakit ako biglang nagkaganito. Hindi naman ako ganito noong nakaraang araw.

Yumuko ako habang mahigpit ang hawak sa mainit na semento, doon kumukuha ng lakas.

Para akong nahihilo dahil sa init, sa ingay ng sasakyan, ng mga tao, ng lansangan dagdagan pa ng mga iniisip. Ilang araw akong walang maayos na tulog. Kailan nga ba nagkaroon, Melody Joy? When did I sleep safe and sound, with no fears, when?

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatayo roon, naghahabol ng hininga. Nagdadanggi na nga ako ng mga dumadaan. Ang alam ko lang ay tirik na tirik na ang araw at nakaramdam ako ng uhaw.

Nag-angat ako ng tingin at pinilit na inayos ang sarili. Tinanggal ko sa aking isip ang pag talon dito sa overpass. Kung hindi lang kasalanan ang pagkitil sa sariling buhay, matagal ko na sigurong ginawa. How ironic, I didn't believe in God but I'm afraid of hell.

Pinagmasdan ko ang magulong lansangan sa ibaba. Maraming jeep at kotse ang dumadaan. Maraming tao ang naglalakad sa gitna ng init. Then I wonder, mayroon din kayang katulad ko?

Tumatagaktak ang pawis sa likod at noo ko, dagdagan pa ng jacket na suot kaya mas lalong uminit.

Habang pinagmamasdan ang lansangan ay nag-isip ako kung saan pwedeng pumunta. Ayaw ko pang umuwi, hindi pa naman oras ng uwian sa school kaya hindi pa ako hahanapin sa bahay.

Nilakad ko ang pababa sa overpass. Nakakasalubong ko pa ang ibang mga bata't matanda na tutok sa kanilang gadgets. I envied them. Bakit hindi ganoon ang buhay ko katulad ng sa kanila? Pwede bang ibang tao na lang ako?

Naglalakad ako pero walang tiyak na pupuntahan, ang hinahanap ng mata ko ay tindahan para makabili ng mineral water. Nauuhaw na ako. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom, nasanay na 'ata ang tiyan kong laging walang laman.

Para akong patay na naglalakad. Kita ko ang mga tingin sa akin ng ibang mga tao dahil nakasuot pa ako ng uniform ng school, bigla akong nakaramdam ng panliliit sa sarili dahil sa tingin nila.

Nakakita ako ng tindahan kaya dali dali ako roon naglakad para magtanong kung meron ba silang mineral water, guminhawa ang pakiramdam ko nang sinabi ng tindera na meron.

Kumuha ako ng barya sa bulsa ng skirt at inilapag 'yon doon habang nag-aantay sa mineral water ko.

Nang maiabot sa akin ang malamig na bote ng tubig ay agad ko 'yong binuksan at nilagok. Naubos ko 'yon ng isang inuman lang, nang matapos uminom ay itinapon ko 'yon sa basurahan sa gilid ng tindahan.

Pagkaangat na pagkaangat ko ng tingin ay nagsalubong ang mata namin ng lalaki sa kabilang tindahan. Hindi ako matandain sa mukha pero ang kanya ay natandaan ko at sobrang tumatak sa isipan ko.

Kumalabog ang puso ko sa takot at kaba. Nanginig ang kamay ko at nanlambot ang tuhod ko ng makita ko siya at naalala ang lahat.

He was wearing civilian. He looked like he was remembering me. Hindi niya ako maalala?! Ang kapal ng mukha niya!

Unchained MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon