XIV

258 26 2
                                    

CHAPTER 14

As usual, kapag weekdays sobrang bagal ng oras sa akin. Kapag naman Biyernes na ay parang nangangati ang puwet ko dahil hindi na makapaghintay dumating ang kinabukasan, ang Sabado at Linggo.

Simula noong dumating ulit siya, parang nagkaroon ako ng panghuhugutan para bumangon at harapin ang panibagong araw. Baliw na yata ako.

I was walking in the corridor heading to my next subject when I overheard these to ladies talking and having fun, magkaibigan. I stared at them, nasa likod nila ako. They suddenly reminded us, Reign and I, when we were juniors in secondary.

"Sus, walang forever! Iiwan ka rin niyan!" pang-aasar noong isang babae.

"Sa inyo, wala! Sa amin, meron!" depensa noong isa.

Then I suddenly think. Forever? That doesn't exist because everything and everybody dies and leave.

I sighed. Nakakamiss din palang magkaroon ng kaibigan. Speaking of friends, Reign and Felix didn't bothered me anymore, naintindihan na 'ata nila ang sinabi kong 'layuan nila ako'. I shrugged off the thoughts and let myself feel light.

As the day goes by and as my weekend were always spent with Emman, something changed in me. Hindi na ako nag b-breakdown, hindi na ako masyadong nag-o-overthink, hindi na ako binabangungot ng nakaraan, kumakain na rin ako sa tamang oras dahil palagi niya akong minamandaran at pinaaalalahanan kapag nagkikita kami.

Siguro ganito talaga. Kapag tuluyan nang nawala ang hindi nakukubuti para sa akin, katulad ni Brian, Reign at Felix. Hindi na rin ulit nagpakita pa si Brian kaya gumaan ang pakiramdam ko. Is everything going to be alright already?

Napansin ko rin na palagi nang busy ang aking ama. Minsan ay aalis ako ng bahay na wala siya pagkatapos ay uuwi na wala pa rin. Busy raw sa trabaho sabi ni Manang Precy. Sana magtuloy tuloy na 'to.

It was another Saturday and Emman fetch me. Nasa sasakyan na niya kami ngayon, busy siya sa pag d-drive habang ako ay kumakain ng binila niyang pagkain sa isang fastfood chain.

May tumutugtog ulit sa stereo at busy siya sa panenermon sa akin na palagi raw akong kumain, nakakarindi na nga, dinaig niya pa si Manang Precy. I ignored him while I was eating and staring at the thick book at the dashboard.

"Ano 'to?" putol ko sa kanya at tinuro ang makapal na itim na libro.

Tinignan niya iyon saglit bago bumaling ulit sa kalsada.

"Bible," he answered.

My mouth formed an 'o'. Ang kapal naman, kasing kapal ng mukha noong tsismosang at back stabber na kapit-bahay namin na nanghihingi ng ulam.

"Bakit ka nagbabasa nito?"

"Why not?" he fired back.

Yeah, right.

"Anong ginagawa mo kapag Sabado? E, gabi pa ang uwian ko? Katulad ngayon. Maaga ka bang naalis sa inyo o gabi na tapos didiretso ka rito para sunduin ako?" putol ko dahil manenermon na naman iyan na parang pari. Agad ko namang pinagsisihan ang sinabi at tinikom ang bibig dahil ang kapal ng mukha ko para sabihin iyon, sana pala nagpasermon na lang ako.

He glanced at me a bit and stifle a smile. "Anong ginagawa ko kapag Sabado?" he repeated my question.

I nodded.

"Hinihintay ka."

I rolled my eyes out of disbelief. Ayan na naman tayo, minsan hindi ko alam kung seryoso ba ang sinasabi niya o pinaglololoko lang ako.

Unchained MelodyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora