XXVIII

320 14 5
                                    

WARNING: R-18! Read at your own risk.

CHAPTER 28

Nang makarating sa simbahan ay hindi na ako nag-expect pang naroon siya at talaga wala nga siya roon. Bakit ganoon kahit hindi ako nag-expect hindi ko pa rin mapigilang malungkot?

Inalalayan ko si Manang Precy sa paglalakad dahil masakit daw ang tuhod niya hanggang sa makarating kami sa upuan.

Hindi pa nagsisimula ang misa at nakatitig lang ako sa malaking pigurin ni Hesus sa altar. Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Manang.

"MJ..." tawag niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa aking hita.

I sighed and refused to look back.

Kahit wala akong tulog buong magdamag hindi pa rin ako dinadalaw ng antok pero sobrang pagod na ng katawan ko.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Manang.

I nodded quietly.

Wala naman akong ibang choice kun'di ang maging okay.

"MJ, palagi mong i-la-lock ang pinto ng kwarto mo, ha? Lalo na't mukhang gumagamit na naman ang Tatay mo."  Hinimas niya ang aking kamay.

"Mukhang maayos naman siya kanina..." wala sa sariling sabi ko.

Nakatitig lang ako sa kawalan at blanko ang pag-iisip.

Manang Precy sighed. "Hindi ka na naman kumakain. Ang laki ng ipinayat mo, hija."

Three weeks of him being gone, I already lost my weight?

"Natutulog ka pa ba? Lagi kang mukhang maputla."

Bumuntong hininga ako.

"MJ, alagaan mo ang sarili mo."

Tumango ako kahit parang hindi iyon rumehistro sa utak ko.

"MJ, kapag nangyari ulit 'yon-"

Hindi natapos ni Manang ang sinasabi dahil tumunog ang bell at nagsimulang kumanta ang choir hudyat na simula na ng misa.

Hindi na kami nakapag-usap pa ni Manang dahil nakinig na siya sa sermon ng pari habang ako ay tulala lang. Nanatili ang kamay ni Manang sa aking kamay.

Ibinaba ko ang tingin doon at pinagmasdan. Ang kulubot at magaspang na kamay ni Manang ay hawak ang aking malambot at maputing kamay.

How I wish Lola Ethel were here too. How I wish my Mother were here with me.

Then I wonder. Kung nasa puder kaya ako ni Mommy at hindi ako naiwan kay Daddy, magiging masaya kaya ako? Magiging normal kaya ang buhay ko kagaya ng ibang kabataan? Makukuha ko kaya ang pangarap ko?

Ang daming tanong sa aking utak tungkol sa buhay ko pero mananatili na lang iyong tanong. Mananatili lang 'yon sa aking isip at hindi na masasagot pa.

Natapos ang misa. Mabilis na lumapit sa amin si Ate Reena na nagsalmo kanina.

"MJ, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya nang makalapit.

Kapag ba sinabi ko ang totoong nararamdaman ko may magbabago?

I nodded and stood up. Tinulungan pa namin si Manang Precy na tumayo at inakay palabas sa simbahan.

Hinatid kami ni Ate Reena sa sakayan ng tricycle pauwi. Hindi siya sasama sa bahay dahil uuwi raw siya sa bahay nila.

"Mag-iingat kayo sa pag-uwi," she said. "Ikaw rin, MJ. Mag-iingat ka," she said meaningfully and smiled to made me feel that I am not alone.

Unchained MelodyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant