Kabanata XXIII

31 4 17
                                    

Praying for everyone's safety. All the love as always, Ruffles!
——————————————————

Maaga akong nagising kinabukasan, antok man, pero pinilit kong gumising ng alas sais. Ngayon ang uwi nila Mama, I have to prepare myself not just for the reunion, but also with Mama's sermon. I glanced at Shaya who's already rubbing her eyes, malakas ang pakiramdam ko na antok pa siya.

"Tulog ka pa," sabi ko sakaniya. Umiling siya at nag-inat inat. Mahaba ang pinakawalan niyang hikab bago inayos ang kaniyang buhok.

"Hindi ako nakatulog nang maayos, kulit mong matulog," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Eh?!" malakas na sabi ko, tinakpan ko naman agad ang bibig. Alas-sais pa lamang ay nambubulabog na ako.

"Just kidding," tatawa-tawa niyang sabi. Inilingan ko na lamang siya at saka inayo ang pagkakatupi ng mga nasuot kong damit.

"Hindi mo pa kinukwento kung bakit hinalikan ka ni Sebastian kagabi, ha!" panimula niya. Naalala ko nanaman ang ginawa ni Sebastian sa akin, hindi ko tuloy maiwasang mahiya kung sasabihin ko kay Shaya iyon.

"It wasn't a kiss. Hindi naman sa labi," Namamangha niya ako tiningnan at kinukumpirma ang sinabi ko.

"Halik na rin iyon! Kahit saan, basta kapag dinampian ng labi, halik na!" she argued. I gave her a blank face.

"It's embarassing, huwag na natin pag-usapan, please?" Pakiusap ko sa kaniya pero umiling lang siya at saka umisod palapit sa akin.

"Dali na," sabi niya sa akin habang pinanggigigilan ang kanang braso ko. Napatingin tuloy ako sa ayos niya.

"Bakit ganoon? Hindi ka naman mukhang bagong gising? Your hair's not messy, and your face looks fresh, it's not even oily. That is so unfair." bulalas ko pa. She's wearing a black spaghetti strap top and loose pajamas. Ang buhok niya'y nakalaylay, rare to see because she always tied her hair into a ponytail.

"Ha? Hindi ko din alam?"

"Your genes cannot even deny how royal your blood is." umiiling kong sabi. Bumuntong-hininga siya na para bang ayaw niyang pag-usapan iyon.

"Ito nanaman ba?" pagbabanta niya. I slightly pouted and shook my head.

"I cannot win an argument over you... Your Highness." pang-aasar ko pa. Nakita ko ang bahid ng inis sa kaniyang mukha.

"Natututo ka nang mang-asar, Faye! Nahahawa ka na kay Sebastian!" sigaw niya sa akin. I motioned my pointing finger, silencing her.

"God, no. Never in a million years, I'll be infected with an alien brain. Not happening." dire-diretso kong sabi. Tumawa naman sya at saka tumayo na.

"Akala mo nakakalimot ako? Dalian mo diyan, magkakape tayo habang kinukwento mo." Bumagsak ang balikat ko at wala ng nagawa kundi sumunod. Looks like I can't escape from this conversation, anyway.

Nang makababa kami ay wala pang tao, siguro'y tulog pa si Kuya Reschian at pumalaot na si Kuya Reynan.

"Bili tayo pandesal sa may kanto, bagong luto pa kapag ganitong oras,"

Excited naman akong tumango at nagmumog saglit bago lumabas ng pinto. May kadiliman pa sa labas, pero pasikat na rin naman ang araw, kaya hindi na ganoon kadelikado maglakad.

"At habang naglalakad tayo, kwento ka." sabi niya sa akin, saka inayos ang kaunting gusot sa damit. Ako naman ay nagkamot ng ulo at nahihiyang tumingin sa kaniya.

"Kasi..." Patuloy lang siyang nakatingin sa akin habang maingat na naglalakad sa batuhan.

"Sebastian thinks I'm into girls. He even thinks that I see you amorously," I heaved a sigh after telling her. Kunot ang noo niya na tumingin sa akin.

Fool's Gold (Summer Series #3)Where stories live. Discover now