Kabanata XIX

40 3 19
                                    

Nakauwi kami sa bahay ng mga Fuentebella nang mag-aalas otso na, galing pa pala si Nenita sa kabilang isla, sa bayan raw siya nakatira malapit sa El Pescador. Come to think of it, iyon ang pupuntahan namin pagkabalik nila Mama sa pagsundo kela Tita Ganaiah at Tito Gabriel. Habang si Sebastian naman ay kasabay namin at sumagot pa ng pamasahe. Bumaba siya sa mismong tapat ng bahay nila, madadaan din kasi pabalik. He even paid half of the bill earlier. Kung di ko lamang kilala ang pagiging manloloko niya, siguro'y mahahaplos ang puso ko sa kabaitan niya. Kaso...hindi.

"Hoy, Beatrice Faye! Boyfriend mo nga?" pangungulit sa akin ni Shaya. We were sharing her room. Ako na rin kasi ang nagsabing magtabi na lang kami, aayusin pa ang guest room, pupwede namang dito na lang ako. Alas-dose na rin, at doon napadpad ang usapan namin, we had this little talk earlier about our future and dreams. Isang malupit na pangaral galing kay Kuya Reynan, sharing what he's been through for the past twenty-two years of his existence. 

"Ano ba ang sabi ko kanina?" tanong ko sakaniya pabalik. Hindi siya makapaniwalang sumandal sa headboard ng kama niya at saka kinumutan ang sarili hanggang baywang. Nangalumbaba siya, tila nagiisip. Her bed is queen size, kaya kakasya kaming dalawa. Katamtaman lang ang laki ng kwarto niya, dahil kakaunti rin ang gamit, there were two cabinets and two shoe shelves. One stand fan and a portrait mirror.

"I mean, that easily? I... I thought, uso ang panliligaw dito sa Pilipinas?" I gave her a confused look. Ngunit hindi ko maiwasang matawa, sa paraan ng pananalita niya, she sounded like she's new here.

"Well, yes?" patanong kong sabi. Hinampas niya ako sa balikat na halos ikahulog ko sa kama.

"Oh eh bakit ganoon? Tapos? Anong tema niyo kapag umalis ka?" Bahagya akong natawa sa tono niya, parang sinaniban siya nila Kuya nang ilang segundo.

"Uhm, wala na? Look, trust me in this one, okay?" Bumusangot lamang siya at nagkibit-balikat, hindi pumapayag sa kagustuhan ko. I sighed and tapped her shoulder.

"I've already consulted my possible propensities and my emotional caliber before deciding to enter this whole thing." I said, motioning my hands while explaining. She gave me a blank face and glared at me.

"It's not just a thing, Faye. It's a relationship and there's love. And love doesn't work that way." she spat.

"Why should I worry, Shaya? There's no love in this deal in the first place." paninigurado ko sa kaniya.

"You'll never know." Inilingan ko siya at sinabayan siyang humilig.

"Tulog na tayo." yaya ko sakaniya. Matagal niya ako tiningnan bago tumango at saka humiga. I received a message just before I could even shut my eyes.

-Oak tree, 10 am. Wear something comfy, hapon na kita iuuwi.

Alas dies ng umaga? Is he serious? Ano namang gagawin namin maghapon? I scratched my head before replying. But before I send my message, I revised it and add something important...well, to him, it is.

-Okay, babe.

Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at saka pumwesto at natulog na. Tomorrow will be a long day, for sure. I need to boost my energy, talking keeps draining it off.

I woke up with the drastic volume coming from my phone. Nilingon ko ang kaliwa ko, only to found out that no one's there. Gising na si Shaya, anong oras na ba? Kinapkap ko ang ilalim ng unan ko at hinagilap ang phone.

Mama -10 missed calls.

"Patay." mutawi ko sa sarili ko. Bakit hindi man lang ako naggising? I scrolled to see the history of calls, sunod sunod ang tawag ni Mama. Ipupusta ko ang buhay ko, wala pang isang minuto ay tatawag na ulit iyo—

Fool's Gold (Summer Series #3)Where stories live. Discover now