Kabanata II

145 7 15
                                    

So, the first chapters will be... reminiscing some happenings, lol. Bahala kayo magfigure out kung ano ang kaganapan sa Earth. Just kidding. This story happened during the year of Lolo Fernan's death. Also, you might find answers why Basti knew Shaya in the succeeding chapters. Don't be confused and enjoy reading! All the love.
-K.

_______________________________________

Magdamag akong hindi mapakali dahil doon. Hindi ko na alam kung ilang beses ko sinisi ang anxiety ko dahil sa nangyari! Tinampal tampal ko ang aking noo. Why did I have to leave that there? Baka may nakakuha na noon....or worse, that guy! I don't even know his name! Naroon pa man din ang iilang synopsis ng mga istoryang hindi ko matuloy-tuloy isulat.

"Feyang, bakit nakabusangot ka diyan? Halika na, magaalmusal na sa labas." Umiling lamang ako at bumuntong-hininga. Humakbang na si Mama papalabas ng pinto habang ako'y nagaalinlangan kung sasabihin ba sa kaniya o hindi.

"Ma..." Lumingon naman agad siya sa akin nag may nagtatanong na tingin.

"Oh?"Sasabihin ko ba? Panigurado, ay magagalit ito sakin, dahil sa SM Aura pa namin iyon dinayo, that journal almost costs a thousand. She's a call center worker by the way, isa na siyang team manager. She's already been working for fifteen years, same age as my existence.

"Iyong...." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumungo.

"What is it?" Madalas kaming magusap sa salitang Ingles kapag kami lang dalawa. Maybe, it's because we're pretty used to speaking English and Mama's really fluent. Idagdag mo pang lumaki ako sa siyudad, and went to science schools ever since kindergarten.

"N-Nothing po." She scanned my face, unconvinced with my answer. Agad akong nagisip ng ibang palusot.

"Can I go to Shaya's house later?" nagngingiti kong sabi. It was a one-forth excuse and three-fourth truth, I was really planning to go there later in the afternoon.

"Hmm. Ikaw lang mag-isa? Delikado ang daan papunta sa mga Fuentebella, baka maligaw ka pa."

"Papahatid po ako kay Kuya Reschian o di kaya kay Kuya Reynan? Ma, pumayag ka na kahapon, ah?" patanong kong sabi. Please, please, pumayag ka na, Ma!

"I don't remember giving you the permission to go there. Sa pagkakaalam ko, ang pinakikiusap mo ay huwag maglakad-lakad kasama ang mga pinsan mo dahil wala ang gusto mo lang makasa—" Natigilan si Mama nang makita ang lalo ko pang pagnguso. This will work, I just know it!

"Makakaabala ka pa, Beatrice. At saka, kakakilala mo palang sakanila noong isang taon, at dalawang linggo lang naman tayo nag-stay dito non. Sa tingin mo, anong sasabihin nila?" istrikta niyang sagot. Mabait naman sila, e. Ang alam ko'y may pagkakalapit ang pamilyang Alajar sa mga Fuentebella bago pa man pumanaw ang nanay nila Kuya Reynan at Reschian. Tiningnan ko lamang siya at tinanong siya muli.

"Sige na, Ma. Please?" nagmamakaawa kong sagot. I gave her my most beautiful eyes, later on, she sighed and nodded.

"Thank you, Ma!!" sabi ko, sabay yakap sa kaniya. She chuckled as she patted my back.

"Sige na, sige na. Let's eat. Your cousins are already waiting for you outside." Tumango ako at saka tumungong banyo para maghilamos.

To be honest, this house is really huge, pupwedeng limang pamilya ang manirahan dito na may tig-apat na anak. Pero napagkakasya nilang anim na magkapatid, dahil nag-iisang anak lang naman ako at isa lang rin ang anak ni Tita Gina.

Nakarating ako sa labas at napangiti nang makitang nakalagay na roon ang mahabang lamesang gawa sa kawayan, may malaking trapal na nagsisilbing silungan habang kumakain at may isang matayog na puno na iilang dangkal lamang ang layo.

Fool's Gold (Summer Series #3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin