Kabanata I

284 9 20
                                    

Tinapunan ko ng tingin ang iilang mga litratong ngayon ay pinaguusapan ng mga kapatid ni Mama. Sa pagkakaalam ko, ilang taon na rin silang hindi nagkakasama.

"Faye, kamukhang kamukha mo talaga ang Mama mo." tugon ni Tita Gina.

Tipid ko siyang nginitian at saka palihim na sumulyap sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga batang nagtatakbuhan sa labas, mukhang nagtataya-tayaan.

"Napakahinhin naman ng anak mo." Sinulyapan ako ni Tita Gemma sabay ngiti sa akin. I don't like her smile, it looks fake. Tumungo lamang ako at nagpanggap na pinagmamasdan ang bawat litrato.

"Hindi ko rin alam sa batang iyan, kaunti nga lang ang kaibigan niya. Ewan ko ba, hindi rin palaimik." Sagot naman ni Mama.

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Same old-fashioned people, though I respect how conservative and traditional our culture is. May mga pagkakataon nga lang talaga na kahit anong paliwanag mo na iba ang panahon mo sa kapanuhan nila ay hindi pa rin nila maiintindihan. Sometimes, they misinterpret it and even labeled their children's actions as rebellion.

"Dalagang dala ka na, Faye. Dati, ang liit liit mo pa lang. Gaano kataas ang grado ng mata mo?" I awkwardly fixed my glasses and slowly peeled the skin of my lips.

"I don't have eye problems, Tita. It's just...anti-radiation. I always wear this when my eyes are being exposed from a smartphone. At saka... nalimutan ko rin pong dalhin ang lalagyan. "mahina kong sagot. Nagulat sila sa aking inasta, marahil dahil sa ginamit kong lengwahe o... dahil sa nagsalita ako?

"Naku. Spokening dollar pala ang anak mo, Gemima!" sabat ni Tita Gina kay Mama.

"Hmm. Nahiligan niya kase ang pagbabasa ng mga banyagang libro. Kaya ayon, nagkaroon rin siya ng interes sa pagsusulat. Editorial writer rin siya sa school publication nila."

"Manang mana sa Tatay." Nag-angat ako ng tingin kay Tita Gemma.

"Kilala niyo po ang tatay ko?" kunot-noo kong tanong. Natahimik sila habang ako'y nanatiling nakatingin kay Tita Gemma.

As I stared at the three of them, I noticed the differences on their appearances. They all have freckles on their skin, must've been a thing for people who resides near the ocean, due to their often exposure from the sun. Tita Gina has beach waves hair, round eyes....and a round body as well, she always tie her hair in an up-do. She's the second child. Meanwhile Tita Gemma, the eldest has the natural curls, I heard that their mother was the one who had them. Her eyes were slanted compared to Tita Gina, her body was not that slim nor fat. While my mother, had a long straight coffee brown hair and was the slimmest among the three. I guess it's because she's the youngest, though, she was also the tallest.

"Ma, kilala po nila?" tanong ko muli.

"Ah...eh...." Naputol lamang ang sasabihin ni Mama nang biglang nagsipasok ang mga pinsan kong kakagaling lang sa eskwelahan. Kulang pa sila magkakapatid, if I am not mistaken, they still have two brothers and a sister.

Sila Tita Gemma at Tita Gina ang natira dito sa RiaDeVigo, ang iba nilang kapatid ay hiwa-hiwalay. Two of them are in abroad, one in Pampanga, and one in Manila, at kami iyon ni Mama. Maaga kaming umuwi ngayon ng probinsya, dahil maaga ang ginanap na graduation.

"Ang sabi nga pala ni Gerald, ay sa ikalawang linggo pa ng Abril sila makakapunta." sabi ni Tita Gemma na ngayon ay pinupulbosan ang panganay na anak.

"Sabay ring uuwi si Gabriel at Ganaiah galing Canada. Siguro'y ikalawang linggo rin iyon o ikatlo." Napangiti ako sa tradisyon nila. Every summer, they never fail to reunite despite of all the hectic schedules. Minsanan lang ata na hindi sila makumpleto, it's either they're really busy or had a serious problem. I think their sibling love for one another is pure and genuine. Kahit na matanda na sila, they still manage to do things together like how they did when they were young. Maybe, because this is how they cope up with grandpa and grandma's death. Apat na taon na rin silang namamayapa.

Fool's Gold (Summer Series #3)Where stories live. Discover now