Kabanata VIII

55 8 8
                                    

Hi! Bale, naka triple update ako ngayon. Lol. Anyway, this chapter is a short one. Feeling ko kasi masyado ng madami yung last na chapter. Sige, read na kayo!

______________________________________
Tumunog ang cellphone ko habang kinakain ang natitirang sushi. Kinuha ko ang tissue sa gitna ng lamesa at pinunasan ang mga daliri bago ito sagutin.

"Hello?" kunot-noong sagot ko sa cellphone ko. It was Sebastian, kakaregister ko lamang ng kaniyang number sa phone under the name 'jackass fraud'. Napatingin naman sa akin si Mama, bahagya ring natigilan sa pakikipagkwentuhan sa kumare niya. I mouthed 'Shaya' to divert her attention. It did work, though. Tumango siya at itinuloy ang pakikipag-usap.

"Second floor." Pagkatapos noon, ay binababa na niya na ang tawag. Ako naman ay nagtaka. Psh, is he always like this?

"Ma....restroom lang po ako." sabi ko sakaniya.

"Alam mo ba kung saan, samahan na kita?" Napakagat ako sa aking labi.

"Papaturo nalang po ako sa mga maid. O kaya kay Prim." sagot ko. Nginitian niya ako at saka tumango, tila natutuwa dahil may improvement ang pakikipagkaibigan ko.
Nagmadali naman akong pumasok ng mansyon. Kaunti lamang ang tao sa living room, bukas rin kasi ang hundred inches laser television, kaya may iilang nakaupo sa sofa pati na sa carpet, nanonood ng movie.

Hinanap ko naman ang hagdanan papunta sa second floor, per masyadong malaki ang bahay nila. Mabuti nalang, at pamilyar ako sa iilang floor plan. Madalas sa mga napupuntahan kong bahay ay malapit sa kusina o di kaya sa dining room. Hindi nga ako nagkamali. I smiled when I saw the ninety winder stairs. Luminga-linga muna ako bago umakyat, baka pagkamalan pa akong magnanakaw sa ginagawa ko. Bago pa ako makaakyat ay may tumawag sa akin. Nice.

"Uy, saan ka pupunta?" I bit my lower lip before turning my head.

"Your cousin called me." I replied. Nanlaki ang mga mata niya at nilapitan ako. Bahagya pang natapon ang lamang ng basong hawak niya.

"Ha?! Huwag!" sigaw niya, napatingin ang iilang tao sa amin at agad naman ako hinila papunta sa gilid. Hindi siya mapakali habang pinagmamasdan ako at hindi alam kung anong sasabihin. Paulit ulit niyang pinapaikot ikot ang kamay na para bang may gustong sabihin pero hindi malabas labas ng bibig niya.

"Bakit ka pupunta sa taas? Doon ang kwarto niya!" Kumunot ang noo ko at saka napaisip. Yeah, second floors are always made for the masters bedroom and other bedrooms as well.

"And?" tanong ko pa. Uminom siya sa kaniyang hawak na baso at saka ako sinagot.

"Baka...baka kung anong gawin sa'yo!" sagot niya pa. I laughed at her silly pronouncement.

"Ano naman ang gagawin niya?" she blinked a few times before replying.

"I'll make sure he won't. Dito ka lang, sisigaw ako if he'll do something that is out of limits." Madali siyang tumango at saka prenteng tumayo sa unang hakbang ng hagdan. Habang naglalakad ako paakyat ay hindi ko maiwasang matawa sa kaniyang nagmamasid na mga mata. She's always shouting at her cousin, yet she's scared at him.

Nang nakataas ako ay sumalubong sa akin ang dalawang daan. West and east, I cracked my knuckles. Are we playing labyrinth? My brain cells are already draining because of the unfamiliar place. Kinuha ko ang cellphone ko at saka nagtipa ng mensahe.

Your house is too huge. Saan ba dito?

I searched for his name in the contacts then sent it. Ilang segundo akong nakatayo sa gitna ng malawak na espasyo. Naglakad-lakad muna ako sa hallway habang pinagmamasdan ang naglalakihang mga litrato, most pictures were Sebastian's parents. May isang picture si Sebastian na may hawak ng gitara.

Fool's Gold (Summer Series #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu