Kabanata XVIII

43 4 20
                                    

Hi! If the format of this update is different from the preceding chapter, pagpasensyahan. I'm using my laptop tonight to update. Thank you.

______________________________________

Nang makabalik ako sa loob, hinanap ko agad kung nasaan sila Shaya. Laking luwag naman ng aking hinga ng makita ko sila kung saan kami nakaupo kanina. Dali-dali akong pumunta patungo sa kanila, kahit may kataasan ang takong ng sapatos ko.

"Tapos na agad?" tanong sa akin ni Shaya. I puffed out a breath before sitting beside her. Agad na hinagilap ng tingin ko ang gusto kong makita.

"Awas na si Montero, huwag na hanapin." asar sa akin ni Kuya Reynan. Nangalumbaba naman ako at nadismaya. Kasi naman.

"Ayos lang yan, may Sebastian naman." tatawa-tawang bulong sa akin ni Shaya. Inis naman akong natahimik at tinuon nalang ang atensyon sa mga nagmamartsa papunta sa entablado.

Ganoon lamang ata ako hanggang sa matapos ang program, naaliw man ako sa graduation song nila ay naibalik nanaman sa masamang timpla ang mukha ko at hindi na dahil iyon kay Grayson. I was annoyed with the fact that I'm thinking about what Sebastian said, sinasabi niya bang mali ako? Halatang-halata naman na ganoon talaga siya.

"Huy, ano, hanggang kailan ka busangot diyan?" tapik sa akin ni Kuya Reynan. I smiled awkwardly as I saw how they shake their heads. Nakakahiya, ako pa ata ang makakasira ng araw nila kaya pinilit ko na lamang ibaling ang iniisip ko.

"Abangan natin si Reschian sa baba." anyaya samin ni Kuya Reynan. I immediately stood up and brushed my hair with my fingers. Dali-dali kaming bumaba at saka inabangan na bumaba si Kuya Reschian. Hinanda ko naman ang camera dahil ihahagis na nila ang kani-kanilang mortarboard.

Pumwesto na ako sa gitna dahil nakahilera na lahat ng graduates sa entablado, may iilan rin sa ilalim, dahil sobrang dami rin naman nila. They were holding their proud faces as they cheered and throw their caps just above them. Napangiti ako sa kaisipang mararating ko rin ang lagay na 'yon, and I'll achieve all my goals afterwards.

Nawala ang pagmumuni-muni ko nang lapitan ako ni Shaya at hilahin papalapit sa hagdan kung saan bababa si Kuya Reschian. Tiningnan ko naman ang shots, at hindi naman ako nadismaya sa mga kinuha kong litrato. Napatalon pa ako nang kaunti dahil sa ganda ng kuha ko, ang gwapo rin ng ngiti dito ni Kuya! Finocus ko talaga sa part nila, my level of satisfaction is beyond proud.

"Kuya!" tawag ko sakaniya, pababa pa lang siya ng hagdan. Nilingon niya naman ang gawi namin at binigyan kami ng thumbs-up. Nang makalapit siya sa amin, ay akmang bibigyan ko siya ng yakap nang biglang may sumulpot na babae. Mala-Elsa ang ipit ng kaniyang buhok at nakataas ang kilay niyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. She was wearing an off-shoulder dress and some flats.

"Sino ka?" tanong niya sa akin, nahihimigan ang inis sa kaniyang tono.

"I should be the one asking you that--"

"Don't englishing me." I tried not to laugh at her reply, did she did that on purpose or? Inilahad ko ang kamay ko pero hindi naman niya iyon tinanggap.

"Tinatanong ko kung sino ka, aba sagot!" Nagitla naman ako sa biglaan niyang sigaw, medyo napahiya sa kaniyang pagtatanong.

"Do you really need to approach me with such a blasphemous attitude, Miss?" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at bahagyang pagkapit sa longsleeve ni Kuya Reschian. Napatango-tango ako sa mga nangyayari. Kaya naman pala.

"If you're having any resentment or grudge towards me, know my relationship with the man you're clinging on." mahinahon kong sabi. Ganito kasi lagi, puros selos, hindi man lang nagtatanong muna. Napabitaw naman siya sa longsleeve ni Kuya at tsaka tinuro ako.

Fool's Gold (Summer Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon