Kabanata VI

66 5 32
                                    

Nanlumo ako sa sinabi niya. Bakit ba ayaw niya? Wala naman siyang mapapala doon? I glanced at Shaya and asked for help with my puppy eyes. Umubo-ubo siya bago magsalita.

"Ah, bakit ba ayaw mo ibigay?" Palihim akong ngumiti, dahil iyon talaga ang gusto kong tanungin. Perks of having an extrovert friend. Hindi pa rin natatanggal ang pagkakanguso ni Sebastian, malapit na siyang magmukhang bibe.

"Wala lang." My jaw dropped at his answer. What did he say? Wala lang?

"Seryoso?" kunot-noong tanong ni Shaya.

"Seryoso." sagot niya nang nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga nanaman ako at saka diretso ring tumingin sa kaniya.

"Can't you spare a thousand? Mahilig ka ba sa pink?" tanong ko sakaniya nang hindi inaalis ang mga mata. He seemed bothered by it because he glanced the other way that made me confused.

"Why can't you look at me now? Kanina, ikaw ang diretsong nakatingin?" dagdag ko pa. I saw how his jaw clenched before throwing his eyes on me again.

"Why are you so straightfroward?" Kumunot naman lalo ang noon ko. I'm just stating the fact.

"It's called being honest, Sebastian." sagot ko sa mahinahong boses. Pero wala namang pinagkaiba kung mahinahon ako o hindi. My voice always came out as calm and angelic one, well, that's what they always say.

Magsasalita pa sana siya nang narinig kong may tumawag sa pangalan niya. Sabay kaming tatlong lumingon and it was his cousin, Primrose, wearing their uniform with a ribbon and a medal. Ang alam ko'y kasama rin siya sa honor roll, and classmate niya iyong second honor. Pinagmasdan ko siya habang papalapit.

"Oh, hi! Ikaw yung nasa bakery, di ba?" tanong niya sa akin.

"Yeah, that was me." mahina kong sabi. Lumapit siya sa akin at kumunot ang noo.

"Ha? Hindi ko narinig? Ang hina ng boses mo." Napakamot ako sa aking ulo sa sinabi niya.

"Masyado ka lang kasing loud. Kaya hindi mo marinig, boses ko." She gave me triggered look yet started laughing afterwards.

"Taray talaga magsalita neto, bilingual!" sabi niya pa sabay tawa ulit. Nagkatinginan kami ni Shaya habang pinagmamasdan siya. Sebastian just rolled his eyes and nudged Prim's shoulder.

"Aray ko! Ano! Tumatawa lang, e! God, why are you so annoying?!" sigaw niya na ikinatawa ko naman. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng inis sa kaniya. Wala, nakakatuwa lang.

"Wow, ganon ka tumawa? Parang nakanta lang, no? Hindi katulad nung akin. I always sound like a dying dolphin." Komento pa ni Primrose. Kita ko naman ang palihim na pagtawa ni Shaya.

"Ibigay mo na kasi..." sagot ko sabay hila sa manggas niya. I pouted a little bit to make it more effective. Ganoon lagi ang ginagawa ko sa mga kaklase ko sa Manila, it always works. Ha, I just know it—

"What are you doing?" halos maging isa na lang ang kilay niya sa pagkakakunot. My pacute-face was no longer visible, sinimangutan ko siya at saka basta na lang itinanggal ang pagkakapit sa manggas.

"I'm holding your manggas, isn't it obvious? Or you're just being oblivious?" I debated. I saw him bit his lower lip, parang nagpipigil ng inis.

"Teka nga! Seriously, are you going to fight in this kind of crowd? Kuya Basti, imbitahan mo sila sa party mo bukas." Sebastian just shrugged his shoulders and stared at me, once again.

"Why would I?" Nagkibit-balikat lang ako sa sinagot niya samantalang si Prim ay hinampas ang braso ng pinsan niya.

"Anong why would I, Kuya—"

Fool's Gold (Summer Series #3)Where stories live. Discover now