Kabanata XXII

26 1 24
                                    

Akala ko'y magiging tahimik ang byahe namin pabalik dahil sa nangyari kanina, pero nagkamali ako. Nakasakay na kami ngayon sa landing barge at hinihintay na lang mapuno iyon, dahil last trip na rin.

"Isa pa! Napakadaya mo, babe!" Tinaasan ko siya ng kilay. Pinagsasasabi nanaman nito.

"Anong madaya 'ron?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata at kinuyom ulit ang kamao, nakataas pa ang mga paa sa upuan habang nakaindian seat.

"Basta! Madaya ka. Lagi kaya akong panalo kay Primrose!" I scratched my nape and clenched my right hand into a fist.

Naglalaro kami ng bato-bato pik.

"Huwag kang madedelay. Puntos ko na 'yon pag nagkataon!" pangisi-ngisi niyang sabi. Tumango nalang ako.

"Bato-bato pik!" Siya'y bato, ako nama'y papel. Napangisi ako at saka itinaas ang apat na daliri, simbolo ng aking puntos.

4-0

"Teka nga. Are you playing mind games on me?" inis niyang sabi. Natawa naman ako sa binibintang niya.

"Seriously, this is just a simple game. Bakit gagamitan pa kita noon?" bato ko naman sa kaniya.

"Ah basta! Dali na! Kaya ko pang habulin! Makakastraight five points ako!"

Psh. Childish.

Tinanguan ko na lamang siya at saka hinanda ang kamao.

"Bato-bato pik!" Sabay nag-iba ng anyo ang aming nakakuyom na mga kamao. Siya'y papel at ako naman at gunting.

5-0.

"I told you. You can't beat me." pagmamayabang ko nang kaunti. Nag-iisip siya habang tumitingin sa mga kamay ko. Bahagya naman akong nagulat nang kunin niya iyon at hawakan.

"Bakit?! Ang daya talaga!"

"It's not madaya. Magaling lang talaga ako." I said with shrugged shoulders.

"May magic talaga 'tong kamay mo, babe." Hinayaan ko lamang siya sa kalokohan niya nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin. I tried to remove my hand, but his grip was tight.

"Gotcha." he winked at me and stared at our intertwined hands. Nag-tagal na ganoon ang mga kamay namin, malaki pa rin ang ngisi niya samantalang ako'y blangko lamang na nakatingin sa bintana.

"Kinikilig ka, no?" pang-aasar niya sa akin. Hindi naman ako umimik at patuloy na nakatingin sa labas.

"Sus, babe. Tingin nga ng hitsura mo, pakiramdam ko pulang pula na yan—" He moved my chin, letting our eyes met. Pinantayan ko ang titig niya, ganito nalang ba kami palagi?

"Earth to Sebastian. Utak mo, dinakip na ng alien." sabi ko nang may ngiwi sa labi.

"Babe nga... hindi Sebastian." He said, but his mind seems off.

"Should we do holding hands and cuddles? Kasama ba 'yon?" tanong ko muli sa kaniya. He stared for seconds before clearing his throat.

"Pag-iisipan ko." he stated as I nodded.

Pagkatapos ng sandaling iyon, naging tahimik sa loob ng sasakyan. I decided to get off from the car and enjoy the breeze. Malakas rin ang alon, hudyat ng high tide. Pawala na ang araw, dahil alas sais na rin. It was my favorite time, where the day and night meets.

I remembered reading one post from a social media, the Sun and Moon's love story. They rarely see each other, or our so called eclipses. Sun's love for Moon is passionate, how he died every night just to let her breathe. How he sacrificed his light, something that everyone admired of him,  for the Moon can be seen in all her beauty.

Fool's Gold (Summer Series #3)Where stories live. Discover now