Kabanata V

74 5 21
                                    

Note: Carrie, Prim and Luigi are second-year highschool in this timeline, while Basti is just a year ahead. Let's have some words of wisdom for today's update!

P.S. Faye's just the same age as Basti, accelerated lang ang lola niyo. And yung mga lines ng valedictorian's speech is from my SHS speech as well. Hehe. Enjoy reading!
_____________________________________

I strive not to feel giddy and have panic attacks during the whole event. Mabuti na lamang noong graduation ko ay hindi ganito ang nangyari, siguro dahil halos lahat roon ay kilala ko na, kaya kampante ako at nakakaakto ako ng....normal.

Naging handa ako sa araw na ito, I made sure that I have two face towels, a tumbler full of iced water, a flippable fan and the trendy automatic handy fan. Pero nagulat ako nang air-conditioned ang auditorium ng university.

The auditorium was designed with bunch of blue and white ribbons, perfectly proportional with the huge gold curtains in the proscenium stage that's framed with a projector screen in the left and a massive RDVU sign. I was quite impressed, looking at the simple yet an effective design for a significant event of every single student that is currently sitting on their designated areas, holding triumphant and proud smiles.

Maging ako ay napangiti rin naman, dahil isang malaking karangalan ang makatapak sa isang entabladong hawak mo ang iyong diplomang sumisimbolo ng lahat ng tiyaga, pagod at puyat para lamang makatapos ng isang hakbang ng iyong buhay.

"Hiwalay ba ang graduation ng College?" tanong ko kay Shaya na nakatabi sa akin. She's wearing a plain oversize shirt and jeggings. Too simple for a royalty, maganda pa rin naman siya.

"Yeah, masyado rin naman marami ang Tertiary kung isasabay pa sa SLS, no? Sa susunod na linggo pa ang sa kanila." Napatango-tango ako. I heard RDVU offers not just agriculture, fisheries and education, mayroon din silang business administration, information technology and accountancy. Iyon lamang ang iilan sa narinig ko, but I know that they are focused in home economics, dahil na rin sa prayoridad nila ang paunlarin ang mga natural resources which is the crop fields and the ocean.

"Ano na? Kamusta na yung journal mo?" Bumagsak agad ang balikat ko nang banggitin niya iyon. Panigurado akong dito iyon nag-aaral. When I first met him at the field, nakauniform siya noon! Tas navy green yung color ng lace, so it must be here! Gelo and Polay has the same color lace as well.
Kailangan ko na lang siyang hanapin dito....

"Kung may magcapture man ng aerial view dito, magmumukha tayong mga langgam." Tiningala ko ang kisame ng auditorium at saka pinikit nang mariin ang mga mata. Paano ko siya mahahanap sa dinami-dami ng tao dito?! Magsasalita na sana ako nang biglang may nag mic test sa stage.

"Students, please go to your designated chairs. The commencement exercises will start within five minutes." Nagsiupuan ang halos lahat, iyong iba naman ay patuloy pa rin sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila. Alphabetical arrangement kasi ang mga upuan kaya nasisiguro kong may mga magkakalayong magkakabarkada dito.

"Faye, gusto mo ba ng snacks? Bibili ako sa labas." rinig kong sabi ni Mama. Nakita ko siyang binuksan ang zipper ng kaniyang Chloe Grey Medium Tony Bucket Bag.

"How about you, Shaya?" Nahihiyang umiling si Shaya samantalang ako'y mahinang natawa.

"Kami na po ang bibili, Ma." Napatigil siya sa paghahalughog ng kaniyang bag nang sabihin ko iyon. Her reaction's way too inevitable.

"Kaya ko po. Kasama ko naman si Shaya." Nagkibit-balikat lang si Shaya samantalang nagaalinlangang tumango si Mama.

"Dala mo naman ang phone mo diba? Crowded sa labas. Call me, okay?"

Fool's Gold (Summer Series #3)Where stories live. Discover now