Kabanata XVI

36 3 11
                                    

Banong-bano ako nang makarating kami sa fish pan, tulala lang akong pinagmamasdan si Kuya Reynan. Hindi ko alam kung paano nakaadapt si Shaya sa ganitong pamumuhay. I just can't believe it.

"Hindi ka ba nahirapan?" out of nowhere, I asked her. She looked at me, confused.

"Ha?" sabi niya pa.

"Hindi ka ba nahirapan dito? You just jumped from the highest level of monarchy down to the...here." Tukoy ko sa pamumuhay niya ngayon. Not that I'm downgrading it, nagtataka lang ako. Kibit-balikat siyang tumingin sa akin.

"I was never the type of the princess who likes to do things the royal ways. Neither I was spoiled....basta iyon." Mukhang ayaw niyang pag-usapan kaya hindi ko na ulit inusisa pa.

Makalipas ng ilang minuto ay umuwi na rin kami kasabay ng pagsimula ng sinag ng araw. Pagkarating namin sa kanilang bahay, nakahanda na ang almusal at andoon ang nakangiting si Kuya Reschian habang nagkakape't nakataas pa ang mga paa sa kabilang dulo ng sofa.

"Kuya! Congratulations!" bati ko agad sa kaniya pagkapasok na pagkapasok pa lang. Masigla naman siyang umupo mula sa pagkakahiga at tinapik ang katabing espasyo.

"Si Shaya nalang kulang! Anong kukunin mong cour—Oh, I forgot." Natawa naman silang tatlo sa pagkakapahiya ko.

"I'll wish you luck on your journey as a real adult. There'll be many obstacles, and I hope you keep your eyes on your goals! Never lose that sharp eye!" I cheered him. Tumango-tango siya at saka ako inakbayan.

"Daig mo pa nanay ko, Faye. Mas bata ka, pero ikaw pa nagpapangaral. Ibang klase talaga." pailing-iling niyang sagot na ikinatawa ko na lamang.

"Tara, mag-almusal na tayo para makapaghanda na!" sigaw ni Kuya Reynan. We rushed to the dining table and started to eat.

In the middle of our breakfast, I was the one in the hot seat. Pinaulanan ako ng mga tanong tungkol sa kung ano-ano.

"Anong course na kukunin mo pala ngayong college?" I bit my lip and thought of my options.

"Still not sure if I'll pursue communications or journalism. Hmm, but I want to take Psychology as well." Naguluhan din naman ang tatlo sa desisyon ko.

"Did you take college entrance exams this year?" Madali naman akong tumango.

"The results just came out, I passed all of them. Pipili nalang po ako." magalang kong sagot kay Kuya Reynan. Umiling sila ni Kuya Reschian at Reynan sa akin. Tumawa lang si Shaya pero natigilan siya nang may tumawag sa kaniya. She answered it that made the whole table silent.

"Hej?" sabi niya. I was attentive at their conversation, interesado rin sa mapapakinggan.

"I told you, don't come here." malamig na sabi ni Shaya. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya, so this is the real her? Or...

"Malinaw ang usapan natin, Pacifica. Sige, kung pupunta ka dito, use public vehicles." Pacifica? Isn't she the lookalike of Shaya? Her face was neutral during the call. Paminsan-minsang umuubo si Kuya Reynan at mapapatingin sa akin si Shaya. Tinuloy ko nalang ang pagkain at pinilit na hindi usisain si Shaya pagkatapos ng tawag pero hindi ko pa rin napigilan.

"Bakit ayaw mo siyang papuntahin?" nagtataka kong tanong. Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay pang bumuntong hininga.

"She'll become a hindrance kung pabalik-balik siya dito, besides, she's always using the private choppers. Mas lalong marami ang makakahalata." kibit-balikat niyang sagot. I suddenly want to ask several questions!

"What if she'll get lost? Sa tingin mo, kaya niya na magtravel mag-isa? Ang layo ng Denmark!" bulalas ko pa.

"Siguro? Besides, siya ang kanang kamay ngayon ng reyna. It'll take years." Inilingan ko siya, posible na matagalan siya.

Fool's Gold (Summer Series #3)Where stories live. Discover now