Kabanata XXXVI

28 3 0
                                    

Alas siete palang ay gising na ako, aligaga kung anong gagawin, tinatakpan ang nerbyos sa pagtulong sa pagluto ng almusal. The fact that he did not answered any of my texts and he did not even asked permission if it was okay for him to pick me up. Ano nalang ang sasabihin ko kay Mama?!

"Feyang, ayos ka lang?" nakakunot-noong tanong ni Gelo.

"Ang putla mo," pagsusuri niya at saka tiningnan ang temperatura ko sa pamamagitan ng paglapat ng kaniyang kamay sa aking noo.

Napatango naman ako nang mabilis at nahihiyang inalis ang kamay niya, I gulped down the coffee that I'm drinking that made him blinked twice.

"Ayos ka lang ba talaga? Bakit mo tinungga yung kape?" namamanghang tanong ni Gelo.

"What about it?" nauutal kong sabi. Nag-isip naman siya ng sasabihin at saka umiling.

"Nakakapanibago kasi, nainom ka ng kape tapos ininom mo pa nang diretso," sabi niya sabay kamot sa ulo. Nakita ko naman si Polay na binibigyan ako ng makahulugang tingin, ginawaran ko siya ng tipid na ngiti saka nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Isang tipikal na almusal ang nangyari sa hapag, ang bago nga lang ay wala sa magkakapatid ang nag-aaway, puros tawanan lamang at kwentuhan ng sari-sari na lalong nagpakaba sa akin. At kung sakali mang totohanin niya iyon, baka ako pa ang maging dahilan ng pagbabago muli ng atmospera dito sa bahay.

Sa kalagitnaan ng pag-lilinis ng hapag at pag-aayos ng mga hugasin, bigla akong kinalabit ni Polay. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Hmm? Pwede mo naman ako tawagin...tayo lang naman dalawa dito?" naguguluhan kong tanong. Sinuri niya ang ekspresyon ko ng ilang segundo bago siya tumikhim atsaka nagsalita.

"Kanina ka pa parang nakakita ng multo, bakit?" usisa niya I rake my hair using my fingertips and puffed a breath.

"Okay, gusto mo hulaan ko?" tanong niya ulit. Umiling naman ako saka nagpunas ng lamesa. Hindi nanaman siya nagsalita at nagpatuloy na sa pagpapatong-patong ng mga platong hugasin at inilagay sa maliit na planggana. Pero nang matapos ko ang pagpupunas ay bigla akong nagsalita.

"Pupunta dito si Sebastian. Susunduin ako," I said in an exasperated tone, biting my lower lip to somehow subside the frustration and the anxiety that I am feeling. Nakita ko siyang natigilan sa ginagawa saka lumapit sa akin.

"T-teka, bakit? Hindi naman sa ayaw ko, Feyang. Pero alam mo naman sila... sila Mama...baka kung ano nanaman ang isipin at sabihin nila..." Mukha siyang nag-iisip habang nagsasalita, hindi ko alam pero bakas sa kaniya ang pagkabahala at alala.

"Sinabi mo ba na..." She trailed off and gave me an anxious look, once again.

"He was not responding to my texts," I heard her cussed in our local language and sped up cleaning.

"Dalian na natin dito nang makaalis ka na!" she exclaimed and hurried carrying the plates and sprint to the kitchen. Naguguluhan man sa sinabi niya ay sinundan ko na lamang siya. Hindi ko inasahan na ganito ang maging reaksyon niya, pero hindi ko naman siya masisisi. Nakita niya kung paano pagsalitaan si Sebastian kahit pa na kilala siya dito. At ayaw ko ring maulit iyon dahil unang una, hindi ko pupwedeng ipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong pati si Mama ay kampi sa kanila, at pangalawa, hindi maganda ang pakikitungo sa akin ni Sebastian ngayon.

"Maligo ka na nang mabilis tapos magbihis ka na, okay?" natatarantang sagot ni Polay sabay tulak sakin papunta sa salas. Tiningnan ko siya muli at itinaboy nanaman niya ako papunta sa kwarto.

"Kumuha ka na ng damit mo," sabay tingin niya sa malaking orasan sa salas.

"Ano ba ang gagawin—"

Fool's Gold (Summer Series #3)Where stories live. Discover now