Kabanata XVII

38 2 17
                                    

Ganoon rin ang takbo ng program, ang pagkakaiba nga lang ay by department ang pagmamartsa. Tinanong ko naman si Shaya kung may dala siyang digi cam, ang sabi naman niya'y oo. Kaya nagprisinta na akong ako ang kukuha ng mga litrato kapag umakyat sila sa stage.

"Reschian Limwell Fuentebella, Bachelor of Science in Business Administration, Cum Laude." I stood in the aisle and recorded a short clip of them as they walked into the middle. Nakakalungkot mang isipin silang tatlo nalang ang magkakasama, at sa pagkakaalam ko ay hindi naman talaga sila kadugo ni Shaya, pero nakakatuwa dahil hindi iyon alintana para maging masaya sila sa araw na 'to.

"Say banana pudding!" I shouted at them. Nagkatinginan pa sila bago magsalita. I think it's better than cheese though, well you can have your cheerful grin when you say the last syllable of pudding.

Ilang beses ko ring pinindot ang shutter button para na ring makasiguro, baka blurred ang iba, sayang naman. Nang makababa sila ay agad ko silang kinrongatulate. Well, one's achievement is everyone's achievement when it comes to family!

"Congratulations ulit!" sabi ko pa. Nginitian naman ako ni Kuya Reschian at bahagyang ginulo ang buhok ko. Pero natuon ang atensyon ko sa bahagyang gilid ko. Is that?

"Si Gray, oh?" turo sa kaniya ni Shaya. I was immediately conscious when I saw him. Hmm? May kapatid ba siyang grumaduate din?

"Ah, oo. Kabatch ko pinsan niyan. Magna ng batch namin." sagot naman ni Kuya Reschian. They're really a family of smart people. No wonder.

"Aba, titig na titig, ah." Napapikit-pikit naman ako nang sabihin iyon sa akin. Inilagay ko ang iilang takas ng buhok sa likod ng aking tainga.

"He's so handsome." I pouted. He was just wearing a polo shirt and jeans. Hindi ganoon kaayos ang kaniyang buhok, pero ayos lang, gwapo pa rin naman.

"Feyang, nasa public tayo. Don't drool." My cheeks reddened as I stammered. Hinampas ko ang balikat ni Kuya Reschian.

"I'm not." I defended myself. Pero, mukhang dehado ako dahil tatlo sila, at iisa lang naman ako. In the middle of my embarassment, my phone vibrated again. Dali-dali kong isinagot ito at nakitang si Sebastian iyon.

-Bakit?
-Anong bakit? Andito na ako sa auditorium, nasaan ka?

Ha? Bakit ngayon pa? Ngayon ko na nga lang makikita si Gray, ngayon pa siya nagpakita?

-Can we talk later? Di ako makakalabas—
-I could just easily let the guards find you. Ano ba ang suot mo?

What? Is he insane? Ipapautos niya pa talaga't papahanap ako dito para lang sabihin sa akin ang mga rules ng kung ano man?

-You're unbelievable, makakapaghintay ang sinasabi mong rules—
-Pupunta ka o pupuntahan kita? You want me to make a scene,babe?
-Sige, kung kaya m—

Huli na bago ko pa patapusin at bawiin ang sinabi ko. For Pete's sake, he can make a scene here, this is a very formal event. Hindi ako mapalagay dahil nakakunot noo rin sila Shaya habang nakatingin sa akin.

"Sino yung kausap mo na kakausapin mo mamaya?" diretsong tanong ni Kuya Reschian.

"It was Sebastian. He will—" Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko dahil may kumulbit sa likod ko. And my eyes slightly widened when I saw six guards surrounding him.

"Paano ba yan, nagawa ko babe, likod mo palang, kilalang kilala ko na?" tanong niya habang may ngisi sa labi. Halos ata lahat ng mga nakaupo ay nakatuon ang atensyon sa amin, maliban sa mga tao sa stage na nagpapatuloy pa rin kahit mukhang gulong-gulo ang emcee sa ginagawa ng anak ng may-ari ng school na 'to.

Fool's Gold (Summer Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant