"Halika na!" Sigaw nito na nasa bukana na ng bahay namin. Isasarado ko na sana ang gate kaso nakasarado na pala ito. Marahil ay siya na mismo ang nagsara. Hanep, feeling niya ata bahay niya 'to.

Nakapamulsa niyang pinagmasdan ang buong sala namin. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya pero saglit niya lang akong tinapunan ng tingin at ibinalik muli ito sa mga palamuti sa sala.

"Mabuti di ka naligaw. Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" I asked him.

"I told you I already know your address but not the exact location of your house. Sinabi mo kanina na kayo lang ang may mukhang gubat na bahay dahil sa mga tanim at kulay mint green na gate kaya ayun." He shrugged while looking at the flower vase na puno ng stickers ng panda. Gosh, bata pa ako ng pinagdidikit ko iyon.

"And hindi ko inasahan na yun ang sasabihin mo. Akala ko mas gugustuhin mong maligaw ako kesa sa makapunta rito sa bahay niyo." This time ay humarap na siya ng may nakakaasar na ngiti.

I rolled my eyes at him. May sinabi ba akong ganoon? Wala kaya. Mas gugustuhin ko talagang maligaw siya. Bakit ko nga ba siya pinatuloy?

"Ang bilis mo naman ata. Malapit lang ba bahay niyo dito?"

"Are you asking for my address Lhou?" Nang-aasar ang tingin nito.

"No I'm not. Nakakapagtaka lang na ang bilis mo at mukhang kanina ka pa ayos na ayos. Baka kasi kanina ka pa naghihintay sa labas ng village namin para hintayin ako dahil excited ka mamaya tapos dahil hindi ka makapaghintay doon mo na ako tinawagan. Kaya siguro ang bilis mong dumating no?" Pang-aasar ko rin sa kanya ngunit agad nawala ang ngisi ko nang hindi man lang siya sumagot. Instead he just shrugged his shoulders and smirked.

Wait. Tama ako?!

"Nasaan ang kusina?" Tanong nito matapos tumalikod.

"H-huh?" Tanong ko dahil iniisip ko pa rin kung ganoon nga ang ginawa niya.

"Mukha mo panda." Bulong nito.

"What?!" Mabilis akong napaangat ng tingin.

"Sabi ko saan ang kusina?"

"I heard it Harrison!"

"Ano?" Kunot noo itong humarap.

"Mukha mo ano." I said mocking his words.

"Ano nga ulit tinawag mo sakin?" Seryoso nitong tanong. Ah, so that's the reason kung bakit biglang nainis siya.

"Harrison. Harrison. Harrison."

"That would be your surname soon." Napamaang ako sa sinabi nito.

"In your freaking dreams!"

"Nasaan na nga ang kusina?"

"Follow me!" Nagmartsa ako papuntang kusina habang nakabusangot.

"Pwedeng makialam ng gamit?" Tanong nito habang inoopen ang mga cabinet.

"You're already doing it." I answered as I sat at the stool. Kumuha siya ng isang apron na nakasabit sa gilid ng kusina ngunit napatigil dahil sa disenyo nito. I looked away before he could even look at me. Nagkunwari akong busy sa pagtingin ng mga kubyertos.

"Mukhang panda." Bulong nito ngunit sinuot din naman ang apron.

Pinanood ko ang kanyang mga ginagawa. Una ay tinanggal niya ang lahat ng laman ng kawali at nilipat iyon sa plato. Tinapon niya ang mga nasunog na bawang at sibuyas at naghiwa ulit ng panibago. Iginisa niya ang mga nahiwang manok na mukha ng fried chicken ang kulay sa mga spices na iyon. He then add some seasonings into it. Tapos ay nilagyan niya ng suka at toyo. Maya-maya ay nagulat ako ng sumandok din siya ng asukal.

Unforgettable MistakeWhere stories live. Discover now