WAKAS

6.1K 75 82
                                    

I have no choice but to let go.

Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa mga taong nagtatanong kung bakit kami naghiwalay ni Irish. It is sad but it's true though. I have no choice but to let go kasi nasisira na kami.

A lot of people were shocked. Some were happy but most of them were shocked. Lalo na yung mga malalapit sa akin. Hindi nila akalain na hahantong sa ganon yung relasyon namin. I mean not to brag or anything, for me, our relationship is real and something that you seek for.

Pero lahat yun naglaho simula ng maging selfish ako and I hate myself for doing that. I hate that dahil sa pagiging maluho ko at higpit ko sa kanya ay napakawalan ko siya.

Nang makita ko siya sa birthday namin ni Johan. I admit, that I miss her and want her back. But I also want myself to be better bago lumapit sa kanya.

Time flies at maraming nangyari. I, once again, became the talk of the town. Party here, Party there. People needs to stop with all their gossips. Hindi naman porket party goer at madyadong wild ang isang tao ay malandi na o kaya barumbado. Sometimes, people tends to do those things because they want to be free.

"You should stop." banggit sa akin ni Salem. Nandito kami ngayon sa bar na malapit sa amin para hindi hassle makauwi.

"Ikakasal ka na. How's it feel?" tanong ko. Nararamdaman ko na unti-unti ng pumapasok sa sistema ko ang alak.

"Fucking great." he sarcastically said and I laughed. "How come na hindi natin nakukuha yung gusto natin?"

"Siguro, we need to be contented of what we have. Sometimes, trying so hard to get something doesn't always comes out right." I told him and he sighed.

"I just hate that I'm getting married to a stranger. Hindi man lang nila pinakilala sa akin kaagad yung pakakasalan ko." reklamo niya.

"Savannah is fine. Hard-headed. But I'm sure you will love her personality." he looked at me weirdly while I am sipping my drink.

"Crush mo?"

"Hindi no. Before siguro nagandahan. Pero Irish lang to, pre." sambit ko and he nodded. "Bakit? Selos ka?" he scoffed at what I said.

"Please, I don't even know the girl." I nodded and smiled. Buti pa ang isang 'to magiging masaya.

"Hiwalay na ba kayo ni Imee?" tanong ko and he sighed.

"Hindi naman ako mag-aaya ng inom kung hindi pa diba? Like Kian, andon na eh. Tapos ito pa mangyayari." I smiled and nodded. "I just hope she is fine."

"I'm sure she is." sambit ko at tinungga ko na ang huli kong baso tsaka siya inayang umuwi. Papagalitan na naman siya ng papa niya kapag umuwi siya ng lasing eh.

Laging ganon ang senaryo ko. Kung hindi si Salem and kasama ko, si Johan o kaya si Dale. Until one day, I never thought na magkakaroon ako ng interes sa isang tao muli maliban kay Irish.

I still love Irish and I shouldn't be feeling this way kasi ex siya ng pinsan ko but that day in the bar means something to me.

"So what do I owe your visit?" tanong ko sa babaeng umiinom ng alak sa may bar counter.

"Stop pestering me, Kian." masungit na sambit niya. Wala akong kasama ngayon dahil ayaw makisama ng mga lagi kong kasama.

"Ang sungit. Musta?" tanong ko at sinimangutan naman niya ako. Hindi na niya ako pinansin kaya pinagmasdan ko na lang siyang uminom dun.

"Masakit pala pag ikaw yung magsasakripisyo no?" She told me. Tiningnan ko siya at nakita kong pumupungay na ang mga mata niya. "I love him so much but I have to let go because he is getting married. Ano namang laban ko sa taong ikakasal na?"

Blinded (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon