28

2.3K 47 2
                                    

Those three words and eight letter are powerful. Hindi sila inimbento o binuo kung wala silang konsepto. Ang salitang 'I love you' ay nakakatatak na sa ating isipan na sasabihin mo lang kapag mahal mo ang isang tao. Kapag alam mong pareho kayo ng nararamdaman. Naka program na kumbaga.

Sabi ng iba hindi mo pwedeng sabihin na mahal mo ang isang tao kung hindi mo ito nararamdaman. Kaakibat ng pagsabi ng katagang iyon ay ang nararamdaman mo. I always like the idea of saying I lobe you to someone. Kaso sinira ito ng kauna unahang lalaking minahal ko, which is my Dad.

But when Kian told it to me for the very first time, all my defenses went down. Lahat ng itinayo ko sa paligid ko ay agad na naglaho na parang bula. That's why nung naghiwalay kami ay hindi ko alam kung paano itatayo muli ang aking sarili.

Now that we are in good terms again. I'm being catious. Ayokong mangyari ang nangyari sa akin dati. Sa nagdaang araw, we treat each other like we are dependent and can't live without each other at dahil dun ay unti-unti akong nangangamba.

Nagsimula ang ganitong feeling ko ng makita ko si Imee at Kian na nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na may hindi ako alam at pilit itong tinatago ni Kian sa akin. Naalala ko ng isang araw dahil nga sa nagdududa na ako ay agad kong pasimple siyang sinusundan kapag nagpapaalam siyang may pupuntahan saglit bago niya ako ihatid sa bahay.

"Saan ka ba pupunta?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. Nakatago ako sa isang poste kasi may katawagan siya. Nagulat ako ng makita si Salem na kinita si Kian. Ano ang kailangan niya kay Salem?

Maya maya ay dumating si Imee. Salem seems worried habang nagtatalo naman si Kian at si Imee katulad nung nakita ko sa botanical garden nung isang araw. Lumapit ako ng kunti para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Take my offer, Imee. Visit you doctor." mariin na sabi ni Kian. May sinabi si Imee pero hindi ko ito naiintindihan dahil may dumaang truck pero nakikita ko ang mga reaction sa kanilang mukha.

"You are my responsibility. Kaya kung sa ayaw at sa gusto mo ay sasamahan ka namin ni Salem para malaman natin." galit na sabi ni Kian kay Imee. Napakunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila.

"Fine, magpapaschedule na ako." Imee answered and Kian nodded.

"Bro, pwede mo ba isabay si Sav." unti-unti na akong lumayo kaya hindi ko na narinig ang sinasabi ni Salem. Bakit kailangang pumunta ng doctor ni Imee? May sakit ba siya? Kung may sakit siya bakit hindi masabi-sabi sa akin ni Kian ang tungkol dito?

Ang daming gumugulo sa isipan ko habang pabalik ako sa meeting place namin ni Kian. Hindi ko napansin na nauna na pala siya sa akin doon. Siguro ay sa ibang lugar siya dumaan para hindi ko siya mapagsuspetiyahan.

"Saan ka galing?" he asks with a smile on his face. Binigyan ko siya ng matipid na ngiti at napakunot ang noo niya. "What's the matter?"

"Wala, pagod lang. Kamusta ka?"

"You should take a rest. Tatawagan na lang kita bukas ng umaga para makapagpahinga ka." I nodded at sumakay na sa sasakyan niya. Sumakay na siya at pinagmasdan muna ako bago binuksan ang makina ng sasakyan niya.

"Susunduin ko lang si Sav. Okay ba yun?" tumango lang ako sa kanya at ipinikit ang mata ko. Hindi ko alam pero sa mga oras na ito ay isa lang ang narealize ko.

Nakakapagod din palang magtiwala.

Simula ng maghiwalay kami ay nagkaroon ng lamat ang relasyon namin. Kahit anong gawin. Kahit anong pilit alam ko na hindi na ito babalik pa sa dati. We can try but trying will make it worst and I don't want that to happen. Mas gusto ko pang umalis na lang sa sitwasyon na kung nasaan ako kaso hindi ko naman magawa. Hindi ko magawa kasi mahal ko yung tao eh. Even if it is tiring. Kahit na nakakapagod wala akong magagawa.

"Tulala ka, Irish." puna ni Sav sa likod. Nilingon ko siya at binigyan lang ng tipid na ngiti.

"Masakit lang ang ulo ko." tumango naman siya at nagsimula na silang magdaldalan ni Kian. I hope someday he will tell me his secrets hindi yung aabot pa sa sitwasyon kung saan magiging miserable kaming dalawa. 

Like a bottle container, kahit anong size pa niyan ay mapupuno at mapupuno iyan ng tubig. Aapaw at aapaw ang tubig sa loob ng bottle container. A better way to stop it from obverflowing is to turn off the faucet. 

Lumipas ang ilang araw, katulad ng nakasanayan ay sinundo niya ako mula sa bahay para sabay kaming pumasok sa school. Pagkababa ko ay nagulat ako ng hilahin niya ako papuntang botanical garden.

"May pupuntahan lang ako ulit saglit. Hindi kita mahahatid sa inyo mamaya." I furrowed my brows. Pangilang beses na niyang ginagawa to.

"Saan ka na naman pupunta?" I asks and he sighed then pulled me into a hug.

"Just trust me, please." he whispered and I sighed.

"Hanggang kailan ako nagbubulag-bulagan, Kian?" I ask and pulled away from him slowly. "Ayoko ng ganito eh. Ayoko ng may tinatago ka sa akin tapos hindi ko alam. I know I shouldn't act like this dahil hindi mo naman ako nobya pero kasi nakakaduda na eh."

May iilang tao na narito at napatingin sa amin. Medyo lumalakas na kasi ang boses ko.

"Ako pa ba?" mahinang usal ko.

"Ano ba namang tanong yan? Of course, Irish. I will tell it to you pero kahit ako ay naguguluhan pa rin. Please give me time and please trust me."

"Maybe trusting you will going to be the biggest mistake of my life." sabi ko and he look down. "I'm sorry, Kian kasi sa nakikita ko ako lang ang nagtitiwala sayo eh. Hindi mo ko pinagkakatiwalaan. Nakakapagod din na ako na lang lagi yung umiintindi. Nangyari na ito noon eh. I trusted you so much and look where we are right now."

"Irish, I need you right now." he whispered while reaching out for me.

"Kailangan din kitang pagkatiwalaan ako, Kian. Hindi katulad ng ganito na katulad dati ay may tinatago ka." sabi ko sa kanya. Ayaw ko ng iwan siya ng ganito pero katulad ng isang bottle container para matigil ang pag-overflow nito ay kailangan patayin ang faucet. In our case, I needed to do this para hindi pa lumalala ang lamat sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman siya iiwan pansamantala lang akong titigil.

Before a tear slip out from my eyes ay umalis na ako sa kinaroroonan namin at nagpasyang pumasok na.

Blinded (Montenegro Series #2)Where stories live. Discover now