05

2.6K 68 3
                                    

Dalawang linggo bago ang pasukan ay napagpasiyahan na naming umuwi. Pumunta kasi kaming probinsya nila Mommy, specifically sa kinagisnan niyang lugar. I spent my whole summer there with my relatives. Ang pamilya ni Mommy dito ay may-ari ng hacienda Fabregas. Kilala ang pamilya nila dahil sa sakahan na pagmamay-ari nila at syempre dahil na rin sa galing nilang mag-alaga ng mg empleyado. 

Sa buong summer ay hindi ko nakausap si Kian, una dahil walang signal sa bayan nila Mommy at pangalawa mukha namang nag-eenjoy siya kasama ng mga pinsan niya ayon sa mga posts niya. Minsan ay nahuli ako ng pinsan kong si Psyche na tumitingin ng IG stories ni Kian. Medyo bata ito sa akin ng dalawang taon.

"Sino yan ate? Boyfriend mo?" tanong niya at napailing naman ako.

"Hindi. Kaibigan lang."

"Ang gwapo naman ng kaibigan mong yan. Pakilala mo naman ako." biro niya at napailing na lang ako.

"Hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend, sira ka." 

"Alam ko iyon, ate. May mga kaibigan ba yan? Pakilala mo naman ako. Sasabihin ko kay nanay na kapag nagkolehiyo na ako ay sa Maynila ako mag-aaral." sabi niya.

"Bakit gusto mong sa Maynila mag-aral? Sabagay mas maganda nga na sa Maynila ka mag-aral." mungkahi ko.

"Hahanap ako ng kasing gwapo ng nasa IG mo, ate." sabay hagikhik niya. Binatukan ko naman siya at napadaing naman iya.

"Siraulo ka. Pero tutulungan kitang kumbinsihin ang nanay mo na sa Maynila ka mag-aral." saad ko at tumango naman siya sa akin at nakinood din.

Naghihintay ako kina Savannah at Brielle dito sa mall malapit sa school. Pupunta kasi kami sa school para mag-enroll kaya sumabay ako kanina kay Mommy para hindi pabalik balik si Manong Ronaldo. 

"Kanina ka pa?" tanong ni Savannah ng makarating na siya sa mall. Niyakap niya ako at ganon rin ang ginawa ko sa kanya.

"Oo kasi sumabay ako kay Mommy kanina. Bibisitahin niya kasi ang mga stores niya kaya maaga ako." 

"Si Brielle papunta na raw." pagbibigay alam niya at tumango naman ako. Maya maya ay nandyan na si Brielle na mukhang pagod na pagod.

"Nag-commute ka?" tanong ni Savannah at tumango ito. Huminga siya ng malalim bago kami niyakap dalawa.

"Wala kaming driver ngayon eh. Nagbakasyon. Hindi naman ako sinabay ng Kuya kaya no choice. Tara na." sunod sunod na tanong niya. Napangiti naman ako sa kanya.

Mahaba na ang pila ng dumating kami sa auditorium kung saan gaganapin ang enrollan. Mukhang mas pinili ng mga freshman students ang mag-enroll ngayong first day ng enrollment. Kapag freshman ka kasi dito ay mas mabuting mag-enrol ka sa first day para hindi ka mahirapan. Karaniwan kasi ng nag-eenroll ng mga sumunod na araw ay mga 2nd year college.

"Ang haba." komento ni Brielle na nanlulumo. Ako din ay nanlumo ng makita ang  dami ng tao. Agad kaming binigyan ng number tatlo. Mabilis naman ang usad ng pila kaya hindi na kami nagreklamo pa.

"Excited na ako, sobra." sabi ni Brielle ng makaupo na kami sa monoblock chair na nakahanda. Ako din ay excited sa pagpasok ko bilang college student. "Sayang lang hindi ko kayo kaklase ulit pero okay lang atleast hindi tayo magakakaiba ng school."

Luminga linga ako at nakita ko ang iba naming kabatch ngunit hindi ko naman ito kilala. Marami sa aming school ang dito nag-entrance exam at ilan talaga sa amin ang nakapasa.

"Ay, nagtext si Johan sakin." saad ni Savannah at napalingon naman ako kaagad sa kanya.

"Anong sabi?" tanong ko.

Blinded (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon