04

2.6K 65 6
                                    

Matapos ang sayaw namin ay nagpicture lahat ng kasali sa 18 roses ko at naupo ako ulit para naman sa 18 candles. Ang unang candle ko ay si Mommy. Umiiyak na siyang naglakad paakyat sa stage while holding a fake candle na nakapaloob sa parang lantern. 

"Baby ko." tumulo ang luha konang magsimula na siya. "I'm sorry. Too much emotions." nagsitawanan naman ang mga bisita."Anyways, una sa lahat I want to say that I am so proud of you. Sobrang proud ko kasi lumaki kang ganyan katibay. Lumaki kang kahit alam kong nangungulila sa daddy mo ay hindi mo iyon pinansin at naging dahilan ito ng pagiging malakas mo. Baby, sorry because in some point of your life napabayaan kita. Ipapaalala ko lang sa iyo na whatever happens kahit aning edad mo pa ay nandito lang ako. I love you so much." sabi niya at binigyan ko naman siya ng halik sa pisngi at niyakap ng mahigpit. How I love my mom. Hindi niya alam pero siya ang rason kung bakit nagpapakatibay ako ngayon. She's been through a lot and I owe everything to her.

Sunod ay si Savannah. "Hi, girl. Happy Birthday! Wish ko sayo ay sana magkajowa ka na. Amin amin din sa sarili kapag may time. Lalo na yung isa diyan. Grow some balls, man." biro niya kaya nagsitawanan ang mga bisita. I know he is pertaining to Kian kahit na ilang beses ko ng sinasabi na wala nga kaming something.

"Pero charot lang yon. I wish you all the best. Thank you for being my bestfriend. Thank you for being there when I am down. As in thank you for everything. Takot na takot ako nung bagong lipat ako sa school kasi I don't know anyone. Tapos napatingin ako sayo that time kasi you were alone. Sabi ko sa sarili ko, ipapakilala ko ang sarili ko sa babaeng to and I'm glad that I did kasi tingnan mo ngayon. I love you, girl." she walked closer to me and gave me a hug.

The whole night is so magical. Hindi ako makapaniwalang 18 na ako. Parang kailan lang ay umiiyak lang ako sa swing set, trying to forget what my dad did. Ngayon ay tatapak na ako sa college at haharapin ang simula ng tunay na buhay.

Nakapagpalit na ako ng gold long dress na ibinigay sa akin ni Mr. Frontier at paikot ikot na ngayon sa table ng bawat bisita. Inuna ko syempre ang mga kamag-anak nina Mommy at Daddy. Even though hindi na namin nacocontact si Daddy, kahit ang relatives niya ay hindi na rin siya nakocontact ay inimbita parin sila ni Mommy. Close naman ang Mommy sa kanila.

"Ang ganda ng debutant na to oh." ani Carson ng makalapit ako sa table nila. I hug her first and then the rest of my friends na nasa table.

"Sabihin mo ulit sakin na wala kayong something." bulong ni Carson sakin at hinampas ko naman siya. Itong babaeng to kahit kailan maissue. "Aray ko! Sinasabi ko lang naman. Ang effort niyang bestfriend."

"Siraulo! Enjoy your food." paalam ko at tumulak na sa table ng iba. Hanggang sa mapunta ako sa table nila Kian.

"Happy Birthday, Irish." bati ni Tito Hans at bineso ako. Binati ako ni Tita Desiree at niyakap ko siya.

"Are you enjoying the food po ba? Do you need anything?" tanong ko.

"Water, please." sabat ni Kian.

"Kian." saway ng Mommy niya. Tumawa naman si Kian at napailing lang ako. "Nako, ija. Huwag mo ng pansinin tong si Kian. Enjoy your party." sabi nito at tumango lang ako. Nagpaalam na ako at pumunta naman sa ibang table.

The day went by at halos mapagod ako but it is worth it. Hindi na ako nagpaafter party kay Mommy dahil alam kong masyado lang akong mapapagod. Kaya heto kami nila Carson sa kwarto nila at magsleep over daw kami. Kumakain ako kasi hindi ako nakakain ng maayos kanina.

"Tinigilan ka na ba ni Kian?" tanong ko kay Savannah and she nodded.

"Sorry, Irish. Hindi ko lang talaga trip ang kaibigan mo. Hindi dahil sa may something kayong dalawa pero hindi ko lang talaga siya trip." paliwanag niya.

Blinded (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon