20

2.4K 46 0
                                    

Kasalukuyan kaming bumabyahe ni Kian sa kung saan man. Lagi na lang niya ako hinihila kapag gusto niyang isama ako sa kung saang gusto niya. Kala mo ay wala akong gagawin sa maghapon ko.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?  Puro halaman naman nakikita ko eh. Mamaya ipapapatay mo pala ako. Atleast dapat aware ako." sabi ko sa kanya. Nakailang ulit na rin ako ng pagsasabi sa kanya ng ganito pero para lang akong hangin na dumadaan sa kanya.

"Basta." his famous answer once again was uttered. Tiningnan ko naman siya ng masama kaya napatingin siya sa akin.

"Ikaw ata ang may balak na patayin ako eh." iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa dinadaanan namin. Nagbabakasakaling alam ko ang lugar na ito.

"Papatayin talaga kita kapag nalaman ko kung saan mo ko dadalhin. Ni hindi man lang tayo nag-drive thru." reklamo ko.

"Magtatanong ka kapag nagdrive thru tayo. It supposed to be a surprise."

"Ang korni ng surprise mo kapag ganon." sagot ko at tinawanan naman niya ako.

"May surprise bang sinasabi?"

"Oo kaya. Manahimik ka na lang diyan at magfocus sa pagdadrive baka agawin ko ang manibela at ibangga ko tong sasakyan mo." he just chuckled at my antics.

Hindi naman sa ayaw ko ng surprise. Gusto ko siya kasi yung mga bagay na expected mong hindi magagawa ng tao sa iyo ay magagawa niya thru that surprise. Kaso kasi naanticipate lang nito kung anong dapat mangyari. Mas lalo lang nitong kinukumplika ang mga bagay bagay.

"Welcome to Las Casas Filipinas de Acuzar!" he lively told me when we both went out of his car.

"What's with you and all these heritage tour date?" tanong ko at pinagsiklop naman niya ang mga kamay namin.

"I don't know. Minsan kasi iniisip ko kung paano mamuhay sa panahon noon. Life was simple na hindi. Atsaka this place holds a lot of history." he trailed. "Parang tayo may history."

"Ang korni mo."

"Nagiging korni lang naman ako kapag nandiyan ka." tinaasan ko siya ng kilay para imask ang kilig ko.

"So I should stay away from you then? Is that what you're implying?"

"No, Irish. I like me better when I'm with you. Tara na. Mauubusan ako ng banat." hinila na niya ako at sabay naming inikot ang buong Las Casas. Who would've thought that this guy would spontaneously bring me to Bataan?

Again, he had his well-written script about the whole place. Sabi niya mas lalo siyang natututo tungkol sa bansa dahil sa ginagawa niya. Natawa ako ng maalala na ayaw na ayaw niya noon ng history class namin.

"Irish, labas na tayo please." a fourteen year old, Kian Montenegro would always ask me kapag History class na.

Ayoko kapag nagkaklase ang teacher ay ginugulo ako ng sino man. Kasi kapag pinatulan ko ang distraction alam ko na maguguilty ako at iiyak sa bahay dahil hindi ko naintindihan ang itinuro sa amin.

Unfortunately, I am seated with Kian this year. Sabi kasi ng mga teacher na ako lang daw ang nakakatame sa lalaking ito dahil hindi ito nakikinig sa kanila.

"Stop, Kian. Makinig ka. Masasapak kita kapag wala akong naintindihan." banta ko ng pabulong at ang gago ay humikab ng pagkalakas lakas sa tabu ko. Sinamaan ko naman ang bastos na lalaking to.

"Why do we need to study this? Nakakaantok lang eh." he reasoned out.

"Kapag hindi ka nakinig sa akin, hindi kita papansin." banta ko at umakto naman itong sinasara ang bibig niya.

Kaya kahit bored na bored na siya ay nananatili parin siyang tahimik dahil sa banta ko noon. Napangiti ako dahil mukhang bata pa lamang si Kian ay naipangako na nito sa sarili ang 'Isang salita mo lang, Irish at titigil na ako.'

"Para kang baliw na ngumingiti."

"Gusto mong masapak kita?" pananakot ko. Kumakain kami ngayon sa malapit na resto dito.

"Ang bayolente mo, babe." sinimangutan ko siya.

"Baboy ba ako para tawagin mo kong babe?"

"Ayaw mo ng endearment?" he asks at umiling naman ako.

"Bakit tayo mag-eendearment? Tayo ba?" bigla naman nagbago ang itsura niya.

"Hindi pa ba obvious?"

"Nanligaw ka ba ulit?" sagot ko at tumango naman siya.

"How can I be stupid?" he rhetorically asks. "Nakalimutan kong manligaw. Badtrip naman." natawa naman ako sa pagmomonologue niya sa harapan ko.

"Okay ka na sa pagdadrama mo diyan?" tanong ko sabay subo ng pasta na inorder ko.

"Pwede bang manligaw?" nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Bakit ba napakaspontaneous ng lalaking to?"

"Uminom ka ng tubig." he handed me a glass of water.

"Bakit ba ganon ka magtanong?" I ask while coughing a little bit.

"Anong mali sa tanong ko?"

"Last time you ask me that question ganon ka din. Biglaan." napakamot naman siya sa batok niya sa sinabi ko.

"I'm sorry. Atleast right timing ang pag-aya ko sayo bilang boyfriend mo."

"Kailan ko ba sagutin kaagad ang tanong mo?" I asks. Ngayon kasi ayaw kong magmadali kami. Gusto ko kapag papasok kami ulit sa relasyon ay pareho kaming mature na.

"I understand. Alam kong masyadong mabilis ang pagtanong ko sayo. I wasn't thinking. Huwag mo munang sagutin." he said and I smiled.

"Kian, relax. Gusto ko lang naman kapag papasok na tayo ulit sa relationship au handa na tayong dalawa. Para hindi tayo kasing naive noong dati." paliwanag ko and he nodded.

"Alam ko. I'm sorry." he put his hands on top of mine na nakapatong sa table.

"Always remember that I love you and I will always be here." he kissed the back of my hands.

"Ako din. Lagi mong tandaan na mahal kita at nandito lang ako lagi. Whatever happens." he smiled at me and we continue eating.

Gabi na ng mapagpasiyahan na naming umuwi. Napagod ako ngayong araw ay worth it namang sumama kay Kian kahit napakaspontaneous ng plano niya. Nagring ang phone ko at agad ko naman itong sinagot.

(Anak.) Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Mommy na umiiyak.

"Mom, ano pong nangyari?" I asked. Napalingon sa akin si Kian marahil ay nabosesan niya ang pag-aalala sa akin.

(Pauwi ka na ba? Tell Kian to drop you off at Eugenio Hospital.)

"Why are you there, Mommy? Is something happen? Are you okay?"

(It's your dad, Irish. Come immediately please.)

Tanging kaba ang nararamdaman ko ng ibaba ni Mommy ang tawag. I never thought that one day I would be in the situation like this. Hindi ko akalain na ganito ang kahahantungan ng tatay ko.

"Drop me off at Eugenio Hospital, Kian." monotone na sambit ko. I don't know what to feel. I can't feel anything.

"Bakit? Is there something wrong?"

"It's my Dad. Just drive faster." utos ko at tumango naman siya.

•••

Blinded (Montenegro Series #2)Where stories live. Discover now