15

2.2K 45 4
                                    

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin ng medyo kumalma na siya. Natawa naman ako ng bahagya sa itsura niya. Isa lang hindi nagbabago kay Kian. Iyon ay kapag umiiyak siya ay para siyang bata pagkatapos.

"Stop laughing. Hindi nakakatuwa. Nahihiya ako." sabi niya at mas lalo lang lumawak ang mga ngiti ko. "Kasasabi ko lang."

"Sorry, I can't help it." He just smile at me in return.

"So are we good and okay now?" tanong niya. Sa totoo lang, maayos na naman na talaga ang pakikitungo namin sa isa't isa bago pa ito mangyari. Siguro kailangan lang talaga namin iyo para mas maging maayos pa.

"Okay na naman tayo ah." sabi ko at umiling lang siya. Umiwas na siya ng tingin at sabay naming pinagmasdan ang view ng mga nagliliwanag na gusali sa ibaba namin.

Pagkauwi ko ay nakita ko si Mommy na nasa sala at mukhang lasing na lasing. Agad agad ko siyang nilapitan at tinanggal sa kamay niya ang hawak hawak niyang baso. Huling ganito niya ay nung naghiwalay sila ni Daddy. Hindi ko alam kung ano ang dahilan sa ngayon.

"Mommy, ano pong nangyari? Why are you getting drunk?" tanong ko at tumingin naman siya sa akin.

"Hindi mo naman ako iiwan, Irish diba?" tanong niya at agad kong kinunot ang noo ko.

"Bakit po ba?"

"I saw the mistress of your dad, nung isang araw or something. I forgot already. Ang kapal ng mukha niyang lumapit sa akin at sabihan ako tungkol sa asawa ko." galit na sambit ni Mommy. Agad naman na nainis ako sa sinabi niya.

"Sinabi niyang may sakit daw ang daddy mo at hinahanap ang pamilya niya. Hinahanap ka niya. Matapos niyang gawin ang katarantaduhan niya ay babalik ba siya." she said while tears are flowing out of ger eyes. Napabunting hininga ako sa sinabi niya.

"Pero syempre dahil kahit papano ay may care pa naman ako sa Daddy mo kaya pinuntahan ko siya." she held my hands and look straight in my eyes. "Puntahan mo ang Daddy mo, Irish. Malala na ang kondisyon niya and he needed his daughter. Kahit hindi mo siya patawarin basta ay napatawad mo siya ay okay na yun."

"Bakit, Mommy? Napatawad mo na po ba siya? Nakalimutan niyo na po ba kung paano kayo saktan ni Daddy? Yung katarantaduhan niya? Kung oo, pwes ako hindi Mommy. Dad ruins our family. Dad ruins me." sabi ko at tumaas na sa kwarto ko. Alam kong mali ang ginawa kong pagsagot kay Mommy. What she told me made me miss my Dad pero not enough reason yun para pumunta ako sa ospital at bisitahin siya.

He made me who I am today. He broke my heart. Minulat niya ako sa kasamaan ng mundo sa murang edad. Hinding hindi ko iyon makakalimutan.

Kinabukasan ay napagpasyahan naming magsaya sa pamamagitan ng pagpunta sa bar. Tapos na kasi ang exams namin at ito ang naisip naming paraan para mawala ang stress namin sa nagdaang semester at isa pa gusto kong makalimutan ang nangyaring sagutan namin ni Mommy.

Hanggang ngayon kasi ay pinipilit niya akong bisitahin si Daddy. Nandito ako ngayon sa bahay nila Sav dahil pipilian ko daw siya ng damit na susuotin niya.

"Alam mo suotin mo ito. Malay mo nandon si Salem diba edi kabogera ka don." sabi ko habang hawak hawak ang isang dress na akala mo ay nagkulang sa budget nung ginawa.

"Ayoko niyan. Pilian mo ko ng iba. Halos wala ng tela yan eh." pag-iinarte niya. Napairap ako sa kaartehan nitong babaeng to pero kahit naman ako ay hindi ko isusuot ang pinakita ko sa kanya.

"Anong gusto mong suotin don? Sweater?" tanong ko.

"Pwede naman." hinampas ko siya ng hawak kong damit dahil sa sagot niya kaya napadaing siya.

"Para kang sira. Hahanapan kita ng damit na magpapabow down kay Salem."

"Kung nandon." bulong niya na narinig ko naman.

Blinded (Montenegro Series #2)Where stories live. Discover now