23

2K 41 3
                                    

Tulala akong nakaupo sa may bench ng hospital. Gusto kong magwala dahil sa nangyari. As soon as the doctors went in, they performed a medical procedure to revive my Daddy. They did all they can but I think my Dad refuses to hold on. Unti unti na namang nanunubig ang mga mata ko.

I grab my phone and dialed Sav's number. Alam kong busy ito sa honeymoon ng nilang mag-asawa sa Japan pero kailangan ko lang ng kaibigan ngayon.

"H-hello?" sagot ko. Hindi ko napansin na paiyak na naman ako.

(Irish, why are you crying?)

"Wala na si papa, Sav." I badly want to say that pero feeling ko hindi pa ako ganda sa ngayon na sabihin sa kanila.

"Okay lang ako. Ano ka ba? Ikaw ba? Okay ka lang diyan?" pag-iiba ko ng topic. Hindi ko pala kayang pag-usapan ang nangyayari ngayon kasi bibigay lang muli ako.

(Stop doing what you are doing. Bakit ka umiiyak?)

"Wala nag-away lang kami ni Kian. I am fine, Sav. Ingat kayo diyan ni Salem. Use protection." pagsisinungaling ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi noya ako marinig na umiiyak.

(Gaga ka. I will talk to Kian. Makakayikim sakin yung lalaking yun.)

"Kawawa naman yung tao. Napagsabihan na nga ni Brielle at Johan eh."

(Hindi yun kawawa. Juska ka andaming iba diyan bakit si Kian pa?)

"Ikaw nga eh. Bakit si Salem?" napatahimik siya sa sinabi ko. Pinahid ko ang luhang tumulo kanina.

(Tangina mo. Ibaba mo na nga. Babye.)

"Babye." napatawa ako bago ko ibaba ang tawag. Agad na nanumbalik ang kalungkutan sa puso ko. Hindi ko parin matanggap hanggang ngayon na iniwan na ako ng tuluyan ni Daddy.

Kung kinita ko ba siya agad hindi ito mangyayari sa kanya? Kung hindi ba ako nagmatigas edi sana nandito parin siya ngayon? Kasalanan ko ba ang lahat?

I was interrupted ng makita ko ang isang bote ng tubig sa harapan ko.

"Iiyak ka na naman." I sadly smiled at Icarus. He lost a Dad too. Nakita ko siyang umiyak kanina habang nililipat si Daddy sa morgue. His mom and my mom rushes here as soon as they heard the news from the doctors.

None of us kasi ang nagsabi sa kanila. We are too shock of what happen. Kaya hindi namin alam kung anong unang gagawin.

"I called Kian. I hope you don't mind." he said. "Sabi niya magpapaalam siya sa parents niya para makauwi."

"Thank you for being with my father all these years, Icarus. Kahit papano ay hindi siya nagfail bilang magulang sayo and I am glad that he did that." he patted my head and smiled at me.

"Thank you for forgiving him and my mom. Alam kong malaki ang kasalanan nila sa iyo ng Mommy mo pero nagawa niyo parin ni Tita Paula na magpatawad."

"Pasasalamatan na sana kita kaso pinat mo ang ulo ko na parang aso." natawa naman siya at natawa din ako ng bahagya.

Hindi nagtagal ang wake ni Daddy. Tita Johannah respected Mommy's decision to let Daddy go after three days. Kung masakit para sa akin ang mawalan ng tatay. Paano pa kaya silang dalawa na nawalan ng minamahal?

Kian attended the Daddy's funeral together with his parents and Johan. Nalaman na rin kaagad nina Brielle at Carson ang nangyari. Sav wanted to come pero nasa Japan pa bga ang bruha kaya hindi siya makapunta. Akala ko matatapos na ang sakit na mararanasan ko, hindi pa pala. Masakit na mamatay ang tatay mo sa harap mo mismo pero mas masakit kapag ihahatid mo na siya sa huli niyang kahahantungan.

Blinded (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon