18

1.9K 53 0
                                    

This chapter contains mature scenes. Please read at your own risks.

•••

Kararating lang namin ngayon sa beach house nila Kian at sinundo nila kanina si Imee. Hindi ko alam na may pagkamartyr pala ang kaibigan ko dahil harapan ng naglalampungan si Salem at Imee ay wala siyang ginagawa bilang fiance nito. Hindi ko naman masisisi si Sav kung ganon ang magiging trato sa kaniya ni Salem.

"Irish ko, tabi tayo sa kwarto." biro ni Kian at inirapan ko naman siya. Ano na namang trip ng isang to?

"Manahimik kang malandi ka. Tara na, Sav." sabay hila ko kay Sav papunta sa kwarto na tutuluyan namin. Montenegro's beach house is beautiful. Kasing ganda ito ng mansion nila. Halata mong pinaghandaan talaga ito dahil sa design mismo ng loob ng bahay.

Pagkapasok namin sa kwarto ni Sav ay agad ko siyang niyaya na maligo. Ayaw niya kasi inaantok daw siya pero pinilit ko siya kasi hindi siya pwedeng magmukmuk lang sa loob ng kwarto at hayaan ang soon-to-be husband niya.

Nakasuot ako ang black two piece. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng shorts kasi paglabas ko ay nakaganon na rin sina Isla at Corrine. Halatang ready na ang mga ito maligo.
Nakita ko naman si Sav na balot na balot kaya ko ito pinuna pero hindi naman niya ako pinakinggan kaya iniwan ko na siya doon kasi tinatawag na ako ng dagat.

"You have a body to die for, Ate Irish. Grabe." puri ni Isla at napangiti naman ako.

"Maganda naman ang katawan mo ah. Alaga lang." sabi ko at bumuntong hininga naman siya.

"I love eating kasi kaya hindi ko maalagaan." malungkot na sagot niya sa akin. Hindi naman katabaan si Isla. Sakto lang ang pangangatawan niya marahil siguro ay bata pa siya kaya ganyan.

"Ako rin naman mahilig sa pagkain. Bata ka pa masyado para magdiet diet." sabi ko at sinimangutan niya ako lalo.

"Why does everyone treats me like a baby? Hindi na ako baby. First year college na ako." sabay buntong hininga niya. "Tara na nga, ate." tumayo na ako at nagpasya ng maligo sa dagat.

Sumisid ako at nagulat ako ng may humawak sa bewang ko kaya napaahon ako kaagad. Susuntukin ko na sana ang gumawa non ng makita kong si Kian ito.

"Gago ka talaga." bulyaw ko at sinapak ang dibdib niya na ngayon ay walang damit. Tanging beach shorts lang ang meron siya.

"Sorry. Akala ko kasi nalulunod ka kaya kita sinagip." tiningnan ko naman siya ng masama sa sinabi niya.

"Ang sabihin mo manyak ka lang kaya mo ginawa yun. Ewan ko sayo. Diyan ka na nga." iniwan ko siya doon na hindi parin nakakarecover sa sunod sunod na salita ko.

"Hindi ako manyak!" sigaw niya at tinaas ko lang ang kamay ko para sabihing bahala siya sa buhay niya.

Nakipagbasaan ako kay Johan at Isla nang mapalingon ako sa gawi ni Sav.

"Puntahan mo nga yon. Nandito kami para magsaya eh parang nasa music video naman ang isang yon kung makasenti." utos ko kay Johan.

"Actually, ate Irish. I am sad kasi ate Sav feels like she is not belong to the family yet. Matagal na rin kasi naming kilala si Ate Imee kaya sobrang close kami sa kanya pero we like Ate Sav naman for Kuya Salem. If I were put in the same situation as Ate Sav baka hindi ko kayanin." sabi ni Isla habang timitingin sa kaibigan ko.

"Sav is a strong girl, Isla. She's always like that." napatango naman ako sa sinambit ni Johan. "Puntahan ko lang saglit."

"When will Kuya Salem will realize that Ate Sav is there for her? Hindi naman ako galit kay Ate Imee pero dapar pinaglaban man lang niya si Kuya Salem. Tama naman ako diba, Ate Irish?" tanong ni Isla sa akin.

Blinded (Montenegro Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant