24

2K 45 0
                                    

Ngayon ang housewarming party nila Salem at Savannah. Tingnan mo nga naman ang tadhana parang dati lang ay hindi mareach ni Sav si Salem ngayon iisang bahay na ang uuwian nila. Kasama ko ngayon si Brielle para bumili ng pangregalo sa kanilang mag-asawa.

"Ano kayang bibilhin ko?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi kami paikot ikot dito sa Home Depot at wala akong mapili. Para akong nababalisa na ewan.

"Hindi ka pa ba nakakapili?" gulat na tanong niya at tumango naman ako ng dahan dahan. Mukha siyang nababadtrip sa akin.

"Kanina pa tayo paikot-ikot tapos wala ka pa ring napipili? Alam mo masasabunutan na kita." banta ni Brielle sa akin.

"Sorry, masyado lang pre-occupied yung utak ko sa kung anong bagay. Atsaka kasi ano bang ireregalo mo kay Salem. Halos kaya na niyang bilhin ang lahat eh." umirap naman si Brielle sa akin.

"Bilhan mo ng silverware o kaya ng mga plato kasi sa tingin ko yun ang kulang nila." suhestiyon niya at naglakad na kami patungo sa section na iyon.

"Ikaw na lang kaya mamili para sa akin." sabi ko sa kanya at inirapan naman ako ng bruha. "Ang sungit mo. Meron ka ba?"

"Manahimik ka, Irish ah. Nagpaikot-ikot tayo ng isang oras dito sa home depot tapos ngayon mo lang sasabihin na wala kang maisip na pang-regalo. Kung sinabi mo agad edi kanina pa tayo nakaalis dito." natawa naman ako sa hinaing niya.

"Sorry na. Tara na pilian mo na ako." hinila ko siya kaya naman wala siyang nagawa kundi magpatianod. Nang makapili na siya ay agad namin itong binayaran at pumunta sa gift wrapping station ng mall para maibalot na ang binili namin.

Habang papunta kami doon ay naaninag ko si Imee sa malayo. Nakatayo siya sa harap ng baby store na shop. Para siyang nagdadalawang isip pumasok.

"Si Imee naman yun diba?" Brielle asks and I nodded. I admire Imee for being strong and all. She let go Salem and I think that's enough for me to look up to her. "Anong ginagawa niya sa tapat ng baby store na yan?"

"Hindi ko rin alam. Maybe she's going to attend a baby shower of someone." sabi ko at iniwas ko ang tingin sa kanya.

"O baka naman may anak na siya." hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya. I shouldn't be bothered.

"Bakit naman siya magkakaanak? Hindi naman ganong babae si Imee. Bruhang to." sagot ko.

"Hindi natin alam, Irish. Pero choice naman niya yan. Bali-balita kasi ang pagbabago ng katawan niya. Pero yun nga hindi na ako nakinig sa tsismis na yun. Kung sakali nga na buntis siya, congrats to her." I nodded and look at her again.

"Hindi naman kay Salem yan kung sakaling totoo nga, diba?" I ask her and she shrugged.

"Tsismis ay tsismis, Irish. Laging nababago kaya hayaan nalang natin sabi mo nga baka may pagbibigyan lang siya."

Hindi ko parin maiwasang mapaisip. If may nangyari nga kay Salem at Imee, hindi imposibleng buntis siya ngayon.

Dumiretso na kami sa condo ni Salem na magaganap ang house blessing ngayon. Nakita ko naman kaagad na naghihintay si Kian sa may lobby. Binuka niya ang mga braso niya at nakangiti naman akong yumakap sa kanya.

"Miss na miss niyo talaga ang isa't isa?" puna ni Brielle saming dalawa. Nakita ko naman na hinampas niya si Kian. Malamang sa malamang ay may ginawa na naman itong kalokohan.

"I miss you." he whispered. I pulled away and gave him a peck.

"I miss you too," sagot ko.

"Ang landi niyong dalawa. Tara na." Hinila na ako ni Brielle at natatawa namang sumunod si Kian.

"May dapat ba akong malaman sa inyong dalawa?" I asks and Kian just shrugged but still has a smirk plastered on his face.

"Tanungin mo yung kaibigan mo." he told me hen drape his arms on my shoulders.

"Wag kang maniwala diyan. Kwentong barbero yang lalaking yan." inismiran niya si Kian at napailing na lang ako.

"Ang lakas mong mang-asar." bulong ko sa kanya at tinaasan naman niya ko ng kilay.

"Hindi ako nang-aasar. Alam ko lang kung ano yung totoo." he whispered back. Nang makarating kami sa floor ng condo ni Salem ay pasimula pa lang ang house blessing kaya hindi ko na kaagad nabati si Sav.

After ng pakain nila sa mga oldies na guests nila ay tila naging bar naman ang loob ng condo ni Salem. Buti na lang at penthouse ito kung hindi kanina pa kami na noise complaint sa sobrang lakas ng tugtog.

"Congrats sa house blessing. Lumelevel up tayo ah." sambit ko kay Sav ng makalapit ako sa kanya sa wakas.

"Gaga." tanging nasabi niya bago tumingin sa akin ng seryoso. "Be strong, Irish. I know that you are."

"Namamaalam ka ba? Parang tanga to. Dapat nag-eenjoy ka kasi nakatira na kayo sa iisang bubong ng asawa mo na pangarap mo lang dati." pag-iiba ko ng topic. Nakita ko naman ang pagkalukot ng mukha niya.

"Okay, I promise to be strong. Kailan ba ako naging hindi? Don't worry about me. Worry about yourself, okay?" sabi ko at nginitian niya ako ng tipid.

"Tara na. Sumayaw na tayo." hinila na ako ni Kian papunta sa nagsisiksikang tao at nakisayaw dito.

A few days after the house blessing ay enrollan. Kasabay ko si Kian mag-eenroll kasi daw gusto niya akong kasabay. Nauna siyang mag-enroll kaya andito siya ngayon kasama ko na naghihintay.

"Kian..." napalingon kami pareho sa tumawag sa kanya. I look at Kian and back at Imee.

"Imee, long time no see ah. Bakit?" sagot naman ni Kian and Imee just stared at him. Nakikita kong nagdadalawang isip siya sa kung anong bagay. Napakunot ang noo ko sa ginagawa niya. Babae ako at alam kong may gusto siyang sabihin kay Kian na hindi niya masabi.

"Wala. Ingat kayong dalawa." sabay ngiti at alis niya. Sinundan ko siya ng tingin. Nabawi ko lang ang tingin ko ng iurong ako ni Kian paabante.

"Ano kayang gustong sabihin niya?" tanong ko kay Kian at nag-shrug lang siya. "May alam ka ba? Hindi naman siya lalapit ng ganon kung hindi mo alam."

"Hindi ko alam. Malapit ka na oh." saad niya at tinulak na ako papasok ng building. Tiningnan ko siya ng masama at nginitian niya lang ako.

Ayokong magdoubt kay Kian pero dahil sa inasal niya ay hindi ko maiwasang mapaisip kung anong meron sa kanila ni Imee.

•••

Blinded (Montenegro Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ