19

2K 39 1
                                    

That day with Kian made a change between our relationship. Hindi ko alam kung kami na ba o ano pero alam kong mahal niya ako at mahal ko rin siya. Lagi naman niyang pinapadama sa akin iyon and I think that's what matter the most.

"Where are we going?" tanong ko kay Kian. Saturday ngayon at nag-aya siyang lumabas kami. Hindi niya nga lang sinabi kung saan kami pupunta. Basta sinabi niya lang sa akin na lalabas daw kami.

"Secret. Hindi pwedeng sabihin."

"Ang korni mo." komento ko at natawa lang siya. Napairap ako sa sinabi niya. May sikreto pang nalalaman.

"Irish," tawag niya at lumingon naman ako. "Nagkausap na ba kayo ng daddy mo?" Bigla namang sumama ang loob ko sa tanong niya.

I know I should talk to him because he is my father. Kahit naman may kasalanan siyang ginawa ay tatay ko pa rin siya. Hindi ko lang kayang harapin ang lalaking unang nanakit sa akin. Ang lalaking unang pinagkatiwalaan ko.

"Hindi pa." I answered briefly and he nodded.

"I'm sure someday magkakaroon ka na rin ng guts na kausapin siya, Irish. I won't force you but always remember na he is still your father." I smiled and he focuses himself in driving.

May plano naman akong kausapin ang tatay ko. Hindi lang ngayon. Wag muna ngayon.

"Fort Santiago?" I asked when he parked his car. He connected our hands together and he paid for the entrance.

"Remember our first date here? Sabi ko sayo ililibot kita dito na parang isang professional tour guide?" tumango naman ako.

"Don't tell me gagawin mo ngayon yun?" he fished out something out of his pocket and show me his phone.

"Edi hindi ko sasabihin." hinampas ko naman siya at nagsimula na kami ulit maglakad. Tinotoo niya nga na itotour niya ako around Fort Santiago at mukhang nag-research pa ito kagabi.

"Tell me, anong oras ka natulog para magawa mo yang script mo?" tanong ko habang papunta kami sa museum dito kung saan narito ang ilang gamit ni Dr. Jose Rizal.

"Mga 2am? Gusto ko lang tuparin ang pangako ko sayo kaya heto tayo ngayon." sabi niya at tumango naman ako.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang bench na inupuan namin noon ng tanungin niya ako bilang girlfriend niya. That's the happiest day of my life at hinding hindi ko ito makakalimutan. Yun kasi ang araw kung saan narelaize ko na matagal ng nakapasok sa puso ko si Kian kahit na alam ko ay saradong sarado ito para maiwasan ko ang sakit na naranasan ko nung iwan kami ni Daddy.

"Remember that bench? Isa na ata yan sa espesyal na bench sa kasalukuyan." napataas maman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Grabe. Akala mo naman ay inupuan yan ng kung sinong tao noon." biro ko pero seryoso niya akong tiningnan.

Hinila naman niya ako at umupo kami doon. The whole place is nostalgic. Tila nagbabalik kami sa nakaraan.

"This bench is  special to me because it is where we started." he trailed. "This is where I told you that I love you. Dito rin naganap ang pinakamasayang araw na naranasan ko. Also, this is where you became mine."

"Kian," he shushed me.

"You don't have to say anything, Irish. Sapat na sa akin na mahal mo pa rin ako at mahal pa rin kita." he kissed the back of my hand and I smiled.

"I love you," I whispered. Hindi nakatakas sa akin ang pagpula ng pisngi niya.

"I love you too,"

Ngayon ang araw ng kasal nila Savannah at Salem. Excited ako kasi ikakasal na siya pero nalulungkot din ako sa sitwasyon ni Sav. She should be the happiest woman right now pero mukhang siya ang pinakasad na tao ngayong araw.

She ask me to do her makeup because she is more comfortable with me daw. Ayaw niya daw ng may kakausap na iba sa kanya at tatanungin siya tungkol sa kasal. Baka masapak niya lang daw ang mga ito.

Natapos na rin ang school year namin at isang taon nalang ay tapos na kami sa pag-aaral. Time flies so fast when you are enjoying it. Sa pagitan naman namin ni Kian ay ganon parin. Walang nagbago. Masaya akong kasama siya at alam kong masaya din siya kapag kasama ako.

Nag-aaway kami minsan pero tungkil lang ito sa mga maliliit na bagay at naayos naman namin ito kaagad. Maybe we are too young back then. Siguro nga ay bata pa kami para pumasok sa sitwasyon na yon noon. Hindi pa namin alam kung ano ang dapat gawin.

Our breakup maybe painful but it makes us grow apart and strengthens our relationship.

"You should be happy, Sav." saad ko habang naglalagay ng eyeshadow kay Sav.

"How to be happy, Irish?" nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi ko man lubusang kilala si Salem but I know he's a great guy. Nainis man ako sa ginawa niya kay Sav pero alam ko namang aalagaan niya si Sav kapag naging mag-asawa na ito.

"Ang nega mo masyado. Malay mo naman magiging maayos lahat once you two live together na." mungkahi ko at bumuntong hininga siya. Hindi na niya ako sinagot.

The whole wedding feels like staged. Nakikita ko ang tuloy tuloy na pag-agos ng luha ni Sav. Alam kong nagbebreak down na siya ngayon. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin.

"Sav, really hit it hard." bulong ni Kian sa akin. Magkatabi kami ngayon habang pinapakinggan ang walang laman na wedding vows nila. Akala ko ako lang ang nakapansin ng sobrang pag-iyak ni Sav.

"Yeah, naaawa ako sa kaibigan ko." He held my head and squeezed it lightly.

"Kilala ko si Salem. Seryoso yan sa lahat ng sinasabi niya. Actually, Salem, Johan and Ajeer. Silang tatlo ang isang salita isang gawa. They never break their words." he told me and I look at him.

"So ikaw hindi ka ganon?" tanong ko. I am teasing him.

"Of course, ganon ako. Sayo nga lang. Hindi sa iba." nginitian niya ako kaya mahina ko siyang kinurot kaya napadaing siya ng mahina sa ginawa kong pagkurot sa tagiliran niya.

Summer ngayon at wala akong magawa dahil tumulak ng Japan si Sav para sa honeymoon nila ni Salem. Inasar ko siya tungkol dito pero hindi niya lang ako pinansin. Si Brielle naman ay busy sa kung ano man at ganon din si Carson. Kumakain ako ng ice cream sa sala habang nanonood ng KDrama ng magbukas ang pintuan namin at iniluwa nito si Kian.

"Alis tayo." pinanlakihan ko naman siya ng mata. Kung makapag-aya ito ay parang napakadaling gawin ang sinasabi niyang pag-alis namin.

"Saan naman tayo pupunta? At bakit ka nandito?" tanong ko tapos itinuon ang pansin ko sa pinapanood ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Bored ako sa bahay eh. Wala ang iba kong pinsan. Pumunta ng ibang bansa at sumama ang magaling kong kapatid. Hindi ko naman pwedeng kulitin si Ajeer at baka sapakin ako nun."

"Bakit naiwan si Ajeer?" tanong ko at humilig naman siya sa akin kaya napaayos ako ng upo.

"Nag-aaral para sa law something niya next school year. Lagi namang ganon yun." he said and I nodded. "Dali na, alis tayo. Babalik din tayo bukas kaagad."

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta. Papaalam na ako sa Mommy mo." he lend out his hands and I handed him my phone.

•••

Blinded (Montenegro Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat