12

2K 48 0
                                    

Kapag mahal mo ang isang tao ay malamang na ipaglalaban mo kung among meron kayo. Hindi ka titigil hangga't hindi kayo naayos kasi bumabalik sa inyo yung rason kung bakit ba naging kayo in the first place.

Ngayong araw ay napagpasyahan naming lumabas ni Kian. Isang linggo matapos maayos ang relasyon namin. Inilaan namin ang araw na to para magkaroon kami ng time sa isa't isa. Masaya naman ako kasi gusto niya rin kaming bumalik sa dati. Yung hindi puro away ang ginagawa.

"Anong oras mo ko susunduin?" tanong ko sa kanya. Kausap ko siya ngayon sa telepono. Agad niya akong tinawagan ng mag-text ako sa kanya at sabihin kong gising na ako.

(I'll text you the restaurant. Gusto kong masurprise ka.)

"Surprise talaga?" Hindi ko alam kung bakit sa sinabi pa lang niya ay kinikilig na ako.

(Yes. I feel like kapag ginawa ko to ay nakabawi na ako sayo.)

"Okay okay. Anong oras ako pupunta?" sabi ko.

(Mga 7. Para sakto pa sa dinner.)

Tinanong ko pa siya ng ibang details about sa surprise daw niya kaya natagalan pa bago ko ibaba ang tawag. Pupunta ngayon si Sav para sa isang project na gagawin namin kasi choose your own partner at hanggang ngayon ay hindi pa ako kumikilos. Kaya napagpasyahan ko ng kumilos para makapaghanda na ako sa pagdating niya.

"Basta, te. Ang gwapo talaga. Sayang di ko alam name." kwento ni Savannah sa akin tungkol sa crush niyang engineering student.

"Eh bakit hindi mo hinahanap?" saad ko atsaka dinikit ang piraso ng papel na ginupit namin sa slambook.

"Kasi naniniwala akong kapag meant to be kayo it will be. Parang kayo ni Kian." sabay tawa niya.

"Buang."

"May date kayo mamaya?" tanong niya at tumango naman ako. "Alam mo simula ng napapadalas ang away niyo, madalas na rin kitang nakikitang tulala. Okay ka pa ba?"

"Oo naman. Irish, to Sav. Kilala mo ko." she shrugged at umiwas naman ako ng tingin.

"Kahit si iron man ka pa. Alam kong may limitasyon ka parin. Pwede mong sabihin sa akin, Irish." sabi niya at tumango naman ako.

"Sasabihin ko naman sayo. Pero okay naman ako at okay kami." sabi ko at tumango naman siya.

"Gawin na natin to ng makapag-ayos ka na." utos ni Sav at sumunod naman ako.

Ala-singko ng hapon ng matapos namin lahat ni Sav ang requirements na ipapasa na due next week. Pagkaaalis niya ay agad akong nag-ayos. Napagpasyahan kong magsuot ng orange ruffled tube top, jean jacket at pinaresan ito ng white skinny jean at white Vans. Napangiti naman ako sa itsura ko at agad kong inayusan ang sarili ko.

Sanay akong mag-ayos sa sarili dahil na rin kay mommy. I dreamed to be a makeup artist kaya ako nagbusiness course ay gusto kong gumawa balang araw ng makeup line ko.

"All done." bulong ko sa sarili ko at nakitang 6:45 na ng gabi. Agad kong kinuha ang sling bag ko at bumaba na. Nakahanda na ang sasakyan namin dahil magpapahatid ako kay Manong ngayon.

"Dito daw po, Manong." pinakita ko naman ang address at agad niya itong nilagay sa GPS ng sasakyan.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami ni Manong sa lugar kung saan ang restaurant. Bumaba na ako at inilibot ang tingin ko.

"Itetext ko na lang po kayo kung magpapasundo na po ako." sabi ko kag Manong Ronaldo at nginitian naman niya ako bago siya umalis

Pumasok naman ako sa restaurant at agad akong inassist ng host.

Blinded (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon