KABANATA 20

689 5 1
                                    

KABANATA 20

BROKEN

I was so broken. I don't know what's happening and what's going to happen. It feels like yesterday, I am talking to Papa over the phone for a brief kamustahan with him and Robi. Yesterday, I was teasing Robi on the phone and he would tease me in return.

But now, here I am, staring at Papa's coffin with full of flowers and people whose sympathy is with me while Robi is lying on the hospital bed fighting for his life.

Marami ang nakikiramay pero wala akong inintindi kahit isa sa kanila because I was busy mourning.

Sa labas ng bahay ibinurol si Papa. Plano kong tatlong araw lamang ang burol dahil kailangan ako ni Robi sa hospital. Narito sina Chase, Charles, si Daddy and si Tita Cathy. Chrishane and Aya was here too pati si Barron. Isagani never left my side since last night.

Sila ang nag ayos ng burol ni Papa dahil wala ako sa sarili simula pa kagabi. Hindi ako makausap ng matino dahil sa nangyayari. Maging ang pagkain ay hindi ko na rin napagtutuunan ng pansin. Hindi pa rin ako natutulog simula pa kagabi. Kanina ay bumisita ako kay Robi at sa kaniya umiyak nang umiyak kahit pa hindi niya yata ako naririnig o kung naririnig man, hindi naman siya makatugon. I just don't care anymore. I just want to be in Papa's side hanggang sa huling araw niya dito.

"Ang daya mo naman Papa. Hindi man lang kita nayakap at nakausap bago ka nawala. Hindi ko man lang nakita ang mga ngiti mo, Papa..." I cried in front of his lifeless body. "Miss na miss na agad kita Papa... Iniwan na kami ni Mama tapos ikaw din. Paano na si Robi? Hindi man lang siya makakapagpaalam sa'yo. Hindi ka man lang niya maihahatid kahit sa huling pagkakataon..."

"Papa, kawawa si Robi... Paggising niya wala ka na... Paggising niya, hahanapin ka niya... Papa, pabalikin mo si Robi sa akin ha? Mag-isa na lang ako... Huwag mo munang isama si Robi... Magco-college pa si Robi sa Maynila, Papa kaya huwag mo muna siyang isama. Marami pang pangarap si Robi, Papa... At hindi ko na kakayanin kung pati si Robi ay sasama sa inyo ni Mama... Please Papa... nagmamakaawa ako..."

Para akong baliw dahil kinakausap ko ang walang buhay kong ama and I don't care anymore. Hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Feeling ko, patay na rin ako. Feeling ko, mag-isa na lang ako.

"Charity..." Isagani called me but I did not mind him. Kanina pa nila ako pinipilit na kumain at magpahinga pero ni isa sa kanila wala akong initindi.

"I'm not hungry or sleepy, Isagani..."

I heard him sighed. "Just a little, Charity. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo..."

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nanatili akong umiiyak at nakatitig kay Papa.

Kinabukasan ng umaga ay nagpunta ulit ako kay Robi at gaya kahapon ay umiyak ulit ako sa kaniya. Sinabi ko lahat ng sakit na nararamdaman ko na hindi ko masabi kahit kanino kahit pa sa mga kapatid ko o kahit sa totoo kong ama.

I cried hard inside Robi's room while holding his hand. Hindi ko kaya ang sakit. Hindi ko kayang ilibing si Papa bukas at hindi ko kayang makita si Robi na nag-aagaw buhay.

"Robi... gising na... Noong isang araw ka pa natutulog..." umiiyak kong bulong sa kaniya. "Robi, hindi ko kayang mag-isa. I need you Robi... Please gising na..."

"Hindi mo na makikita si Papa, sige ka... Ang daya mo naman eh... Gising na, Robi... Hindi na kita ibu-bully... Hindi na kita aasarin... Gumising ka na, please... hindi ko kayang makitang inililibing si Papa bukas, Robi tapos ikaw nandito..."

Iyak lang ako ng iyak kay Robi hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako ng may nurse na nagcheck kay Robi at sinabing patapos na ang oras ng pagbisita.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now