KABANATA 10

668 10 0
                                    

KABANATA 10

BELIEVE

The awarding ended and Isagani was awarded as the Season's MVP while Barron as the Finals MVP. Tuwang-tuwa naman kami para sa tagumpay nila.

"Sasama ba tayo sa kanila?" Aya asked. "Maaga ang call time natin bukas."

"Hindi siguro ako. Nakauwi na si Ate. Baka may dinner kami," Chrishane said and then shrugged.

"Ako din. Hindi papayag 'yang si Guhit."

"Iba na talaga 'pag luma-lovelife," Aya snorted at me. I rolled my eyes at her. Palibhasa wala silang iniibig kaya ako lagi ang inaasar.

"Sige. Hindi na lang din ako sasama."

We parted ways after that. I'm now in the parking waiting for Isagani to finish his routine. Napagkasunduan kasi namin na ihahatid niya muna ako sa kanila bago siya dumeretso sa The Knight for their celebration.

Ang tagal naman 'non?

Medyo matagal pa bago ko siya nakita palabas ng University together with his teammates. Nagkakatuwaan yata sila dahil panay ang tawanan nila.

"Hi, Kapitana!" bati noong isang may nakakasilaw na hikaw sa tenga.

"Hi," tipid kong bati.

Isagani went near me and planted a kiss on my forehead. Medyo nahiya dahil inasar kami ng mga kasama niya pagkatapos.

"Akalain mo nga naman. Tiklop kay Kapitana si Kapitan!"

"Hatid na kita?" he asked. Tumango ako sa kanya. Binuksan naman niya ang pinto ng sasakyan niya. Tahimik akong pumasok.

"Huwag mo kaming i-indian-in, Kapitan! Ikaw ang star player kaya dapat present ka!" rinig kong sabi noong blonde ang buhok.

"I'll be there," tipid niyang sagot before he closed the door of the passenger seat.

Tahimik kaming dalawa habang nasa sasakyan. Wala naman kasi akong sasabihin sa kanya at medyo napagod din ako kanina. Kahit noong nakarating kami sa bahay nila ay tahimik pa rin kami. I wonder what he's thinking. He's a bit off. Kanina lang naman ay okay siya o baka naman pagod lang?

"Are you okay, Guhit?" I asked nang makapasok kami sa loob ng mansion nila.

"I'm okay. Medyo napagod lang."

"Huwag ka masyadong uminom. O kaya isama mo na lang si Mr. Roe para kahit mapadami ang inom mo, may maghahatid sa'yo." I suggested. Baka kasi magkatuwaan at maparami nang inom.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang siya at ikinulong ang pisngi ko para sa isang halik. I giggled. Tumingin sa paligid kung may nakakita ba.

"I don't want to go," he said. Natawa ako.

"Hindi pwede. Ikaw ang Kapitan kaya dapat nandoon ka."

"I just want to be here and be with you 'till tomorrow."

Lalo akong natawa. Para siyang bata na gustong magpaiwan na lang sa bahay.

"Umuwi ka na lang ng maaga," I suggested again. Ngumuso siya at sumimangot pagkatapos. How can he be so cute and handsome at the same time?

"Nandito na pala kayo," from the grand staircase, Kuya Gaston asked. He's holding Gio. Nagpapahinga na siguro si Ate Mira.

"Hi po, Kuya Gaston," bati ko. Maingat siyang bumaba. Agad namang tumakbo kay Isagani si Gio at nagpabuhat.

"Gani!" Gio gave Isagani a wet kiss then he cackled.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Kuya Gaston. Isagani shook his head while busy playing with Gio. "Magpapahanda ako."

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now