KABANATA 2

908 15 0
                                    

KABANATA 2

MEET THE FATHER

Kinabukasan ay maitim ang ilalim ng mga mata ko. Paano ba naman bukod sa nag aral ako ay hindi mawala sa isip ko ang halik ni Guhit! Hindi na namin iyon napag usapn nang maayos dahil kaharap namin sina Miss Denisse. Nakakahiya naman kung pag uusapan namin iyon sa harap nila samantalang wala namang 'kami' ni Guhit.

"Charity, sasabay ka ba sa amin?" tanong ni Sir Ezekiel habang inaayos ko ang pagkain nila para sa umagang iyon. Umiinom siya ng kape habang si Miss Denisse naman ay pinapakain na ang kambal.

"Hindi po. Susunduin po ako ni Guhit."

"Ow! Kayo na ba? Magkakaroon na ba ng kalaro ang kambal?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Miss Denisse. What!?

"Miss Denisse naman!" nagulat pa ang kambal sa sigaw ko. "Magkaibigan lang kami ni Guhit!"

"Denisse, huwag mo ngang asarin itong si Charity. You are giving her so much idea!" ewan ko kung sinasaway ni Sir ang asawa niya o mas lalo akong inaasar. Oh My Gosh!

"By the way, Charity, malapit na ang sembreak. May gagawin ka ba? Gusto mong sumama sa amin? We are going to France."

Wow, France! Pero mukhang hindi ako makakasama. Opening ng Intergames. Siguradong may laro kami sa mga araw na iyon.

"Pasenya na po. Opening na po kasi ng Intergames next week. Paniguradong sa mga araw ng sembreak may laro kami." Nanghihinayang kong sabi. Sayang! France iyon! Maganda pa naman! Last year sa Hawaii kami nagpunta pero ngayon mukhang hindi ako makakasama.

"Ganoon ba?" nanghihinayang din ang tono ni Miss Denisse. "Maybe next time. Oo nga pala, tinatanong ng Daddy ni Vanna kung kailan daw ang internship niyo?"

"Next year pa, Miss. Bakit?"

"Gusto niya na sa kanila ka na mag intern. Gustong gusto ka pa naman ng Tatay ni Vanna."

"Siguro nga po, doon na lang. Iyon lang din ang alam kong hospital na pwede eh." Sabi ko. Patapos na ang sem. Kailangan ko na ring magready para sa internship ko.

"Sige. Baka anytime, tawagan ka ni Vanna."

Sinundo nga ako ni Guhit ng araw na iyon. Hindi ko alam ang nangyari pero ang aga aga nakasimangot siya at hindi maipinta ang mukha. Anong nangyari?

"What's with your face? Umagang umaga nakasimangot ka."

"Nasa Pilipinas si Dad," Sagot niya. Oh? Anong problema doon? "Gusto ka niyang makilala."

Ano daw? Ako? Gustong makilala ng Tatay ni Guhit? Oh? Yun lang pala—

"What!?" halos mabingi ako sa lakas ng sarili kong sigaw!

"He saw my instagram post. Akala niya, girlfriend kita. He immediately fly here just to meet you."

Ano yun!? Akala ng tatay ni Guhit ay girlfriend ako? Oh my gosh!

"At hindi ako makapaniwala na bukod kay Ate Mira, ikaw lang din ang makakapgpabalik sa kanya sa Pilipinas." Dugtong niyang umiiling. Oh my gosh! I never meet Guhit's father! As in never at wala akong plano dahil nakakatakot ang aura ng Tatay niya kahit sa picture ko pa lang nakikita!

"Shit ka, Guhit! Nakakatakot pa naman an Tatay mo!"

"Tss. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi kita dinadala sa kanya," nakasimangot pa rin siya. "Pati si Kuya, pinipilit akong dalhin ka mamaya sa bahay."

Shit to the highest level! He maneuvered the car fast. Iniisip ko pa lamang na mami-meet ang Tatay ng mga Sketch ay kinikilabutan na ako. Paano 'pag face to face na? eh di namatay na ako sa kaba? Nakarating kami sa school na walang imik. Siya na bakas sa mukha ang inis at ako naman ay natahimik dahil sa kaba.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant