KABANATA 17

539 10 0
                                    


KABANATA 17

FAMILY

"Alam ko anak, na mahirap sa parte mo ang katotohanan pero naniniwala akong matatanggap mo ang lahat at mapapatawad mo ang lahat. Hindi pa ngayon pero alam ko dahil ako ang nagpalaki sa iyo," Papa added while looking at me sadly.

I am now calm. Medyo nabawasan ang luha pero hindi ang sakit. Alam ko naman na hindi agad iyon mawawala pero sabi ko nga, unti-unti at dahan dahan.

"Sinabi mo na ikapapahamak ko ang katotohanang ito. How?" I asked him. Isa pa iyon sa gusto kong itanong but because I was busy with my tears, ngayon ko lang naalala.

"Tito Conrad – Dad's older brother was on the move to kidnap you or something," Chase answered instead of Papa.

Ano namang kasalanan ko sa kanya? At talagang kapangalan pa ni Papa iyong Tito nila na Tito ko rin! Huwag niyang sabihin na nagagalit siya sa akin dahil kapangalan niya ang nagpalaki sa akin? That's ridiculous, I tell you!

"He wants Lola's Hospital. He wants the Samaniego Medical Group for himself."

O, eh, nasaan ako doon?

"Ano namang kinalaman ko doon?" I asked. Confusion was vividlu showing on my lovely face. I wiped the tears left on my face and then made a deep sigh so I can calm myself more.

"Nasabi ko na sa'yo ito noon," he breathed. He went near me and helped me wipe the tears. "You are the heiress of Samaniego Medical Group, Charity. You are the only girl in the family who followed the step of our grandmother."

"Sa akin 'yon!?" medyo tigagal kong sabi. "Iyong malaking hospital na 'yon!?"

Bakit sa akin 'yon!? Magdo-doctor ako pero hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng ganoong kalaking hospital!

"Yes."

"Bakit sa akin 'yon!? Bakit hindi sa iyo o doon nalang sa kapangalan ni Papa!" sabi ko sa kanila.

Ano? Hindi ko pa natatanggap na Samaniego ako tapos ngayon ito naman? Ang gulo naman nito!

"I have my own. Nasa Australia. And Lola gave it to you. I don't know why either. She just said that," Chase explained.

Ang yaman nila kung ganoon!

"Hindi ko iyon tatanggapin. Kung iyong hospital lang din naman ang magiging sanhi ng kamatayan ko, no thanks! I love my life! I can live without that damn hospital! Kawawa naman ang buong Lucena kung mawawalan sila ng dyosa!" I said to him.

Chase and Charles chuckled at my remark. Sa namamagang mga mata ay inirapan ko sila. Bakit nila ako pinagtatawanan?

"You really knew how to make the situation light, huh?" Chase said and then pulled me for a tight embrace. Pumikit ako at dinama ang kanyang yakap.

Noon, ako lagi ang yumayakap sa nakababatang kapatid. Ako ang panganay at nakatatanda at ngayon na may kapatid pala ako, mas matanda sa akin, iba pala ang pakiramdam.

Feeling ko, may kakampi na ako. May kakampi na ako 'pag inaaway ako ni Robi!

"I can't believe you are my brothers..." I whispered as I hugged him back.

"You should now," he whispered back. "Tatlo na kaming kapatid mong lalaki."

"Ako naman, Kuya!" nakasimangot at nagmamaktol na sabi ni Charles Samaniego sa amin. Tumawa si Chase bago kumalas sa yakap. Hindi ako ngumiti sa kanilang dalawa.

I don't know what to feel but I know deep inside, I accepted the fact that they are my brothers. But their father being my real father, that, I can't still accept. I need more time for it. I need more time to fully accept that I am a Samaniego and this is my first step.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now