KABANATA 1

1.3K 18 0
                                    

KABANATA 1

KAPITANA

I remembered it all. I remembered it clearly. I remembered how it all started. I was in second year college. Team captain ng volleyball team. Samantalang siya ay team captain ng basketball team. We're friends most likely best friends.

"Kapitana, tubig oh!" alok sa akin ng isang teammate ko. Inabot ko ito at deretsong inubos.

"Whoa! Kapitana, hinay hinay lang," puna sa akin ng isa ko pang ka-miyembro. "Wala yata sa mood ang aming magandang kapitana?"

"Tss. Ibabalik daw ni Coach iyong maarteng third year!" Naiinis kong litanya. Wala naman sanang kaso na ibalik kaya lang sa sobrang arte ng isang iyon, nawawala sa momentum ang laro ng team ko. Last year, natalo kami ng isang game dahil sa kaartehan niya. Nakakadistract naman kasi ang sigaw niya sa loob ng court. Ang tinis ng boses at sumisigaw kahit hindi siya ang papalo ng bola kaya sa huli, nagquit ang naunang team captain bago ako.

"Eh? Bakit pa? Ayos na tayo ah?" Tanong ni Chrishane, ang vice captain at setter ng team.

"Tanong mo kay coach! Nakakabwiset siyang kausap!"

Naiinis talaga ako! Kung hindi lang nakakahiya kay Miss Denisse na siyang nagpapa-aral sa akin ay matagal ko nang tinalikuran ang paglalaro ng volleyball. Lagi ko kasing nakakasagutan si coach. Sometimes, his reasoning were nonsense and useless. Hindi ko minsan maintindihan kung saan niya ba kinukuha.

Umingay ang mga ka-team ko. Isa lang ang ibig sabihin, nandiyan na ang team ng basketball. Hindi naman sa pagmamayabang, pero itong team ng basketball, hindi yata uso ang pangit sa grupo nila. Lahat gwapo. No one left behind! Kaya naman pag dadating sila, nangingisay sa kilig ang mga kababaihan lalo na ang mga team members ng volleyball, except me. Jusko naman. Araw- araw kong nakikita ang gwapong mukha ni Isagani! Sa kanya pa lang, bawing bawi na ako!

Nag-angat ako ng tingin. Isagani is walking proudly with his jersey uniform. Kasama niya ang mga team niya na binobola na ang mga ka team ko. Mga malalanding nilalang!

"What's with your face?" he asked. Rinig ko ang pang aasar sa akin ng mga ka team ko. I raised my kilay.

"Tss. Iyong maarteng third year na may gusto sa'yo, ibabalik daw ni Coach." Sumimangot ako sa kanya.

"Kaya naman pala ganyan ka, Kapitana!" My teammates teased! I rolled my eyes. Mga issue!

"Shut up! Twenty runs you want?"

"Oh!" sigaw nila. "Sabi nga namin, Kapitana! Shut up na lang kami!" Nagtawanan sila, ako naman ay walang tigil sa kaiirap. Mas lumapit pa si Isagani sa akin para guluhin ng towel ang basa kong buhok.

"Ano ba!?" asik ko sa kanya, "Naiinis ako, Guhit! Huwag mo akong umpisahan!"

We first met in Nervaez's Mansion. Kapatid siya ng kaibigan ni Miss Denisse na si Gaston Sketch. It was a scandalous encounter. Natapunan ko ng juice ang damit niya. Sobrang sungit niya kaya tinarayan ko. Nagalit siya pero mataray ako kaya sobrang gulo ng una naming pagkikita. Nagising na nga lang ako isang araw na magkaibigan na kaming dalawa. Hindi ko alam kung paano nangyari.

"Hindi naman kita ipagpapalit," he then said and winked.

"Shup up nga, Guhit!" Walang gana akong naupo sa bench ng gym. Itinuwid ang mga paa bago muling ginulo ang buhok kong basang basa ng pawis. "She'll just ruin the play."

"Kapitana, speaking of the maarte, there they are!" Aya, my libero, informed.

"Tangna!" I whispered. Hindi naman bagay sa kanya ang uniform namin. Forgive me but I think she'll be the next victim of my spike.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now